Tingin lang : 1

796 26 5
                                    

Caution. Panay hugot na wala namang pinanghuhugutan. Sadyang napatagal lang sa social media, at natadtad ng whogoat ang aking news feed.

You have been warned.

Tingin Lang
by EiiBiiWizard

Lahat tayo may natitipuhan. Aminin mo man o hindi, minsan ka nang nahulog. Sa sobrang hulog, nauntog ka pa dahil walang sumalo sayo. Akala ko ba serious mode? Eto na nga.

Minsan hindi rin tayo aware na nahuhulog na nga tayo para sa isang tao. Hanggang sa mauuntog ka na lang, kasi nga walang sumalo sayo. Last mo na 'yan.

Ako? Hanggang sa simpleng pag-sulyap lang ang pwede kong gawin. Nakakainis dahil ang lapit lapit mo, pero hanggang tingin lang ako. You're within my hand's reach, yet I can't touch you.

Tinatanaw lang kita mula sa malayo, wari'y hindi ka maabot.

Nakakatawang isipin, dahil ang layo ng sitwasyon natin ngayon, sa kung ano tayo noon.

Dati'y nakakausap pa kita.

Dati'y kaya pa kitang asarin.

Dati'y kaya pa kitang lapitan ng walang halong kaba.

Ngayon? Wala, wala na.

Kailangan ko pang huminga ng malalim, bago kita makaharap at maka-usap.

Dahil noon lang yun. Noon lang tayo close. Noon lang tayo mag-kaibigan.

I would've accepted it; that you're not my best friend anymore. Matatanggap kong sadyang lumihis lang tayo ng landas mula sa isa't isa. O kaya'y nagkaroon lang ng magka-ibang interes. But that wasn't the case.

At alam mo kung ano ang pinaka-masakit?

Ikaw mismo ang nagsabi na walang iwanan. Hindi kita iiwan, sabi mo. Hindi kita kakalimutan, pangako mo.

And being the naïve girl that I was, believed you. Pinaniwalaan ko ang lahat ng sinabi mo. Naniwala akong magiging mag-kaibigan tayo kahit mangibang bansa pa ang isa.

Asa'n na yung pangako mo? Dala-dala mo na rin ba no'ng pumunta ka ng Canada?

Walang kalimutan, ah? Kasi ako, hinding hindi kita makakalimutan, Lex.

'Yan ang mga salitang binitawan mo bago ka lumayo. 'Yan rin ang mga katagang huling narinig ko mula sa 'yo.

Naintindihan ko naman kung bakit mo kailangang pumunta ng Canada. It was inevitable, you needed to go there. The only thing I couldn't understand, is the fact that you had to give me false hope.

Five months lang kami do'n, sabi mo. Umasa ako sa loob ng limang buwan na 'yon, Calix. Umasang babalik ka. Umasang hindi mo pa ako nakakalimutan.

Sa loob ng limang buwan na 'yon, wala man lang akong narinig na balita mula sa 'yo. At pagkaraan ng limang buwan, wala pa rin ang Calix na kaibigan ko; ang Calix na sinagot ko. Hanggang sa lumipas ang isang taong paghihintay, hindi ka pa rin bumabalik.

The five months you promised me turned to years.

Mang-iiwan ka na nga, sinungaling ka pa. Umalis ka na nga, kinalimutan mo pa ako. Wow Calix, ha. Wow.

Oo, literal mo akong nakalimutan.

* Kung alam ko lang na hahantong tayo sa ganito, hindi na sana kita sinagot. Dahil hanggang ngayon, 'yon pa rin ang pinanghahawakan ko. Na babalikan mo ako; ang bestfriend mong niligawan mo na naging girlfriend mo.

After 5 years, bumalik ka nga! Wow, himala. Bumalik ka pa.

Nag-mukha pa nga akong tanga no'n eh. It was the first time I'm seeing you in five years, can you blame me?

Bookstore— yung dati nating pinupuntahan dati. Doon kita muling nakita. Nakakainis dahil namukhaan kita agad. At alam kong ikaw yun dahil may identification card kang suot. Calix Padilla, it read.

Agad nga kitang niyakap, eh. Tanga diba?

Pero alam mo kung ano ang ginawa mo? Tinanong mo kung sino ako. You asked if I was someone you knew. A big slap from the cruel reality.

Ikaw nag-sabi na walang kalimutan, ikaw pa ang nakalimot. Ano? Nagka-amnesia ka? Tapos ako lang ang nakalimutan mo? Wow naman.

* Hanggang sa kumalat ang balitang may girlfriend ka na. Noong una, hindi ako naniwala dahil haka-haka lang naman. Pero nakita ko kayong magkasama— kasama ng tropa mo. Masaya, tumatawa, probably in love.

Masaya ako para sayo no'n dahil nakita ko kung gaano ka kasaya.

Masaya ako para sayo, pero hindi para sa sarili ko. Doon ko napatunayan ang kasabihang Past is past. Daig mo pa ang Araling Panlipunan ng high school. Pero buti pa sila Rizal, Bonifacio, at Aguinaldo. Hindi sila nakakalimutan.

Third year college na tayo ngayon. Hindi ko alam kung nananadya ba ang mundo, at lumipat ka pa sa university na tinutuluyan ko.

At talagang nakalimutan mo nga ako. Ni pangalan ko nga, hindi mo alam. Kahit yun man lang, hindi mo pa natandaan. Saklap naman.

Pero, ano pa nga ba?

Kailangan kong mag-paraya.

Masaya ka na kasi.

Wala naman akong karapatan na ipagkait sa'yo ang sariling kaligayahan mo, hindi ba?

Kung kaya't mula ngayon, hanggang tingin na lang ako sayo.

Oo, hanggang sa simpleng tingin na lamang ako sa dati kong bestfriend na naging boyfriend ko, na nakalimutan ako.

Hanggang tingin lang.

☽   ☽  E N D  ☾   ☾

Ganyan talaga— 'pag may gusto kang bilhin kaso wala kang pera, tingin lang.

Saang balon mo 'yan hinugot, ate? Balong malalim kung saan matatagpuan ang forever. x)) Thank you po~

Date published : February 6, 2014.
Plagiarism is a crime. 

- revised, 042515
-revised, 033016

Tingin LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon