It's like catching lightning the chances of finding someone like you
It's one in a million, the chances of feeling the way we do
And with every step together, we just keep on getting better
So can I have this dance (can I have this dance)
Can I have this dance
~~~~
Michelle's POV
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang umaasa ako? Sus! Ano nga bang ikina-aarte ko dito eh inihanda ko na naman ang sarili ko sa mangyayari sa gabing ito. Whew!
Nanito ako ngayon sa Shangri-la Hotel. JS Prom kasi namin ngayon eh. Senior na nga pala kami, last year na ng JS namin at inaasahan kong magiging memorable sakin to, malamang last na nga ito eh mabuti sana kung may JS sa college.
Pero bakit ganon imbis na maging masaya ako parang... haaay ewan ko ba?
~~~~~~~~~~~~~~~~~
THE DAY BEFORE JS PROM
~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Hoy Michelle! Tingnan mo tong gown ko para sa JS, bongga noh?!" bungad sakin ni Kailee habang pinapakita sakin yung picture ng gown nya sa cellphone nya. Si Kailee nga pala best friend ko.
"Hindi ka naman excited noh? talagang pinicturan mo pa. Aba pero infairness maganda nga." sa totoo lang maganda talaga yung gown ni Kailee. ano pang ine-expect ko eh dakilang kikay to!
"Eh ikaw nasan na yung gown mo? Maganda ba? anong color? Anong hitsura?" dami namang tanong nitong ni Kailee eh! Sabay-sabay, mukha bang masasagot ko lahat yun ng sabay sabay? -__-
"Wala pa eh." wala pa akong gown bukas na nga pala yun. Nakakatamad naman kasing bumili eh. Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan ganyan.
"Ano?! Wala ka pang gown?! Alam mo bang bukas na yun?! Pano ka pa makakabili ng magandang gown nyan! Baka yung mga puchu puchung gown na lag natira dun!"
"Makasigaw naman to! Oho ma'am mamaya bibili na ako pagkatapos ng klase natin. Ah, eh, pwede mo ba akong samahan bumili?" syempre nagpa-cute muna ako ng konti kay Kailee.
"Maski wag ka ng magpa-cute talagang sasama ako sayo. Taste mo pang matanda eh." wow grabe napaka supportive talaga nitong babaeng to. -_____-
Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin umalis na kagad kami ni Kailee sa mall para makapang shopping na ng pang JS namin. Syempre itong si Kailee mas excited pa sakin. Minamadali ako kagad umalis pagkalabas na pagkalabas pa lang ng teacher namin sa room.
Kung saan saan ako pinaghihihila ni Kailee hanggang sa narating na namin sa *TUTOOT* Clothing.
"Ito! Nakita ko na ang gown na magpapabago ng iyong buhay!" hawak hawak ngayon ni Kailee ang isang red long dress, ang elegante nyang tingnan.
"Tsss. Kailee naman! Napakaganda naman ng dress na yan parang hindi bagay sakin at saka bakit color red masyado namang pang sosy yung dating. At saka tingnan mo medyo fit sya. Makikita curves ko nyan eh." maganda talaga yung dress kaya feeling ko hindi siya bagay sakin.
"Curves? Meron ka ba nun?"
-___________________-
"Hahaha! Joke lang Michelle! kaya ko nga pinili to kasi ang ganda ng curves mo, pefect S-line. tapos bagay din sayo tong red kasi maputi ka. Kaya wag ka ng maarte dyan isukat mo na lang to!" hindi pa ako napayag pero tinutulak na akong papuntang fitting room. May magagawa pa ba ako?
"WOW ANG GANDA MO MICHELLE! Mai-inlove na sayo nyan si Nathan!" pagkasabi ni Kailee ng pangalan ni Nathan, ewan ko ba pero feeling ko nagblush ako. Matagal ko na kasing crush si Nathan 1st year pa lang kami.