Chapter 27: Buster Duel (Rinkashi vs. Romanio)

83 5 6
                                    

Rinkashi's POV

Sa pagkapanalo ni Ryosuke sa second series ng eliminations laban kay Kolin Rüssfuort ay nagsipalakpakan at naghiyawan ang mga audience sa pagkapanalo niya.

"Congrats sayo Ryosuke hahaha galing mo sa sword duel" Paghangang sabi ko sa kanya.

"Walang anuman Rin" Sabi niya.

"At kumusta naman ang braso mo" Pag aalala pa ni Mr. Ral sa kanyang estudyante.

"Masakit pa rin po coach" Sabi ni Ryosuke habang iniinda niya ang sakit sa kanyang kanang braso.

"Sige samahan na kita sa clinic at ipagamot natin ang namamagang braso mo" Sabi ni Mr. Ral.

"Rinkashi,Mico,Rui at Yumi kayo muna dyan ha?" Dagdag pa niya.

"Teka ako daw ang susunod na sasalang.Sino ang makakalaban ko?" Tanong ko sa kanila.

"Tingnan mo sa malaking screen sa ibabaw ng battle arena,makikita mo dun kung sino kalaban mo" Sabi ni Rui sabay tabingi sa ulo ko.

"Mata kasi gamitin wag bibig" Mico habang hinihimas niya si Kring.

Pagtingin ko sa isang screen kung saan nandun ang lineup ngayong eliminations ay nakita ko na kung sino ang makakalaban ko.

"Si Romanio Fellini ang makakalaban ko...tapos kalaban ni Rui si Drasten Freinheit at kay Mico naman ay si Jace Kazuga" Sabi ko habang nakatingin sa screen sa bandang itaas.

"Sisiw lang ata ang makakalaban ko" Mico.

"Yung akin ewan ko" Rui.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi yan ang pinaka mortal na karibal ni Ryosuke" Seryosong sagot ni Rui.

"Kaya mo yan sus ang galing mo kaya" Cheer ko pa.

Maya maya ay nagsimula nang nag announce ang MC.

"Ang susunod na maglalaban ay sina Rinkashi Kagumiya at Romanio Fellini,pumunta na kayo dito sa battle arena ngayon din" Announce nung MC na si Kirara kaya nagpaalam na ako sa mga kasama ko.

"Guys pano? Ako na ang susunod na lalaban.Alis muna ako" Sabi ko sa kanilang tatlo.

"Sige gudluck na lang sayo Rinkashi" Yumi sabay ngiti sakin.

"Goodluck tol.Sana maglaban tayo hihintayin kita" Rui.

"Galingan mo ha?" Mico.

"Salamat sa pagbigay nyo sakin ng courage.Sige alis na ako" Sabi ko sa kanila sabay alis at tumakbo ako pababa ng audience corner at tumungo na ako papuntang battle arena.

At nang nakapwesto ako ay dumating na rin ang makakalaban ko na si Romanio Fellini.

"Ikaw pala yung kaibigan ni Ryosuke Hirotami ha?" Maangas na sabi niya na siyang ikinakuyom ng kamay ko.

"Ano namang paki mo kung kaibigan ko siya?"

"Wala naman.Gusto ko lang siyang talunin ulit at gusto kong masungkit ang kampeonato na hindi nasungkit ng nakakatandang kapatid ko na si Ricardo" Saad niya.

"Tsaka balita ko halos kapareha tayo ng unit ng ating mga gunpla" Stalker ata to eh.

Kinuha ko ang aking Gundam Wing Zero Flame Feder Phoenix para maghanda sa laban.Kinuha na din ni Romanio ang kanyang gunpla na halos kasingparehas ng akin pero magkaiba lang kami ng wings at kulay dahil color green at yellow ang sa kanya at white and orange naman ang akin.

"Tama! Halos magkapareha talaga" Tae puro mga Zero type na gunpla.

"Magkaparehas nga tayo pero ewan ko lang sa skill natin kung magkaparehas ba.Gagawin ko ang lahat para manalo ako at ang aking Wing Gundam Transcend" Ani pa niya.

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon