2

4 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw, hindi ako nagpakita kay Vince. Nagpupunta siya sa bahay pero hindi ko siya nilalabas sa kwarto. Ewan ko ba. Nahihiya at natatakot akong harapin siya. Ang bilis kasi ng mga pangyayari.

" Dems, nandito si Vince" sabi ni mama mula sa labas ng kwarto ko. Pero di ko ito pinapansin. Nakatatlong tawag ito sa akin bago ako sumagot. " Mama pakisabi kay Vince na hindi ko siya mahaharap kasi madami akong tinatapos sa school. Madaming deadline. Mapapgalitan na naman ako ng Coor. ko." Pero ang totoo ay natapos ko na ang mga iyon. Ang hindi ko lang talaga nagagawa yung draft ng test papers ko.

"Dems, Mahal ko, aalis na ako. Alam ko nagtatampo ka pa rin sa sa akin. Sorry talaga. I love you." Eto ang narinig ko mula sa labas ng kwarto ko. Hanggang sa narinig ko yung makina ng kotse niya na umandar papalayo sa bahay.

Sa eskwelahan, " Baks, anong drama mo ngayon?" sabi ni tin-tin. " Teh hindi ba pwedeng may sakit ako?" tugon ko sa echuserang frog na co-teacher ko. " Ah may sakit ka. Kaya pala 10 minutes mo ng tinutusok-tusok ang pagkain mon a may halong pagtulo ng luha mo. Pwede na nga eh. Pang-Best Actress ang eksena mo. So, spill it out at kalahating araw ka ng hindi umiimik. Sayang ang laway baka mapanis." Kahit kelan kilala ako nito ni Tin-tin sa mga kadramahan ko sa buhay. Eh di kwinento ko sa baklang yun ang nangyari nung nakaraan sa amin ni Vince.

"Huwat??!! Bakla ang gaga mo. Kelan pa mas umastang babae sa mga tunay na babae? Sarap mong sabunutang gaga ka." Sabay batok sa akin ng bruha. Hindi nga ako sinabunutan pero nakatikim naman ako ng batok na malupit. " Anu ang dahilan bakit nagkakaganyan ka?" dagdag pa nito sa akin.

"Hindi ko alam. Hindi lang ako handa sa sinabi niya. Parang hindi ko kakayanin. Paano kung may mahanap siayng mas higit pa sa akin. Yung tipong mga napapanuod ko sa mga MMK. Bakla hindi ko alam kung kaya kong wala siya sa piling ko. Nasanay na ako na may morning hug and kisses. Yung may sundo ako ako kapag ginagabi tayo dito. Yung mata niya, yung labi, yung katawan niya pati yung tootoot niya."

"Bastos kang bkla ka.Libog mo fren." Binatukan na naman ako ng baklang palaka. Nakakdalawa na siya sa akin ah.

" Eh bakit ba ang sarap kasi."

" EEEwww ka frend. Stop it. I don't want to hear it."

"Wow. Lakas makavirginal teh. Akala mo virgin."

" Gaga.malamang virgin ako. Takte k aka talaga."

" Ay oo nga pala. Nasa abroad yung pinakawalan mong tiyuhin ng dati mong estudyante. Di mo man lang nalasap bago kayo naghiwalay"

" Bastos ka talaga.ahahaha. Eh ganun talaga.Masaya nay un frend. Malamang may asawa na yun." Pag-eemote ng hitad.

" Eh bakit nakiki-drama ka na din? Aagawan mo pa ako ng eksena teh? Moment ko to eh noh."

" Ok fine. Alam mo friend dapat maging malinaw sa inyo yan.Pag-usapan ninyong dalawa yan. AT wag kang umarte nang wagas. Alam mong hindi ka babae eh. Hindi porket ang gwapo ng Jowa mo eh makaarte dinaig mo pa ang drama ng tunay na babae."

Pagkatapos ng Last class ko sa araw na yun, Nagulat ako kasi may basket ng bulaklak sa table ko. " WEEEeeeeeeeeeehhhh!! Bakla ka na ng taon teh. Buhok mo mula Nova-Bayan hanggang bahay ninyo! Ikaw na talaga!!" Kahit kelan talaga ang ingay ng hitad kong Co-teacher. Binasa ko yung card na nakalagay. "Mahal I Love You! Sorry na po. – Love Vince". Kinilig ako dun ah. Siguro nga nahimasmasan na ako sa kaartehan ko. Maya-maya tumunog yung phone ko, " Mahal ko baba ka na po. Dalawang oras na akong na nasa parking lot ninyo. Buti nga pinapasok ako ng guard ninyo. Love you. Antayin kita sa kotse po. Muuuaaahhhh!!"

Dali-dali akong nag-ayos ng gamit. Ibig sabihin hindi pumasok yung kumag kong BF sa work? Pasaway talaga. " Baks, madaling-madali ah. May lakad?ahahaha. Hindi na maalis yang ngiti mo ah. Tumama k aba sa Lotto?" pang-aasar ng loka loka. " The huwag kang bad vibes dyan. Bye!! See you tomorrow." Pagpapaalam ko kay Tin-tin.

ikaw at akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon