Habang naglalakad ako papuntang parking lot ng school, para akong natatae na ewan. Ahahahaha. Akala mo bagong nililigawan ng BF. Hanggang sa matanaw ko na yung kotse niyang pula. Kinakabahan talaga ako. Papalapit na ako pero parang lahat ay slow motion. Lumulutang sa alapaap. Sadyang dinadala na ako ng mga paa ko papunta sa kanya pero yung utak mo ay wala sa katinuan.
Pak. Anu yun? Nabangga ako sa matigas na bagay. Matigas? Pero malambot yun eh. Matigas na malambot?ha?! Wait kakapain ko muna.Teka bakit parang hugis ng tao? Matigas ah...ang laki pa. Kakapain ko pa nga. Hmmm.. Ang sarap naman hawakan neto.
"Ahemmm. Pwede naman kitang pagbigyan wag lang dito kasi may nakakitang mga estudyante mo. Atsaka Sayo lang naman ang katawan ko kaya walang aagaw niyan, kahit habang buhay mo hawakan yan eh". Anu daw?Ay nyetabells nakakahiya. Ayana ng napapala ng mga lutang eh. " Hala sorry po. Akala ko kasi nabangga ako sa pader ," pagpapalusot ko. Nakakhiya talaga. Kasi naming lalaking ito ang sarap ng katawan eh. Tinignan ko siya, Aba ang loko nakangiti nang wagas. Syemai ang gwapo. Nakakalaglag ng panty. Kung may panty.ahahaha
"Lika na Mahal ko." Sabay hawak ng kamay ko papunta sa driver's seat. Napangiti na lang talaga ako. Eh nakakakilig eh. Narinig ko na lang na umandar ang kotse ni Vince. Hindi ko alam kung saan ang punta namin, Matraffic pa naman. Hello Novaliches toh!!
Ayaw ko na patagalin, kailangan makapagsorry na ako sa inasta ko sa kanya. " Mahal, sorry sa ginawa---". Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi inunahan niya ako ng halik sa labi. Grabe namiss ko tong labi niya. " Huwag ka n magsorry Mahal ko. Naiintindihan ko po ang nararamdaman mo. Ako nga ang magsosorry kasi binigla kita. Sorry po".
Pagdating namin sa SM Fairview ay doon kami nag-usap. Naayos din namin hindi pagkakaintindihan. " Basta Mahal walang makakalimot na mag-update ah kahit offline ang isa sa atin. Alam mo naman paranoid ako. Diito pa nga lang sa Pilipinas eh paraning na ako, what more pa kaya kung nasa Qatar ka na", ang sabi ko sa kanya. "Oo naman mahal ko. Etong away pa nga lang natin ay hindi ko na kinakaya, anu pa kaya kapag nakaalis na ako sa Qatar, eh baka bumalik na ako agad niyan. Pero dapat tiisi na muna natin toh kasi para sa future natin toh. Diba 1year lang naman ako dun. Mabilis lang yun." "Opo mahal ko. Kakayanin natin toh."
Lumipas ang dalawang linggo at araw na ng pag-alis ni Vince. Nasa airport na kami ngayon, Kasama ko ang mga magulang niya na sina Tita Vina at Tito Vic Kasam ang Kuya niyang si Kuya Vlad.
"Oh anak, ingat ka sa Qatar ah. Huwag magpapagod dun", sabi ni Tita Vina.
" Lagi kang tatawag ah. Alam mo naman mommy mo, iiyak yan palagi" Sabi ni Tito Vic
" Vince kapag may problema magsabi agad ah.Nandito lang kami", litany ni kuya Vlad.
Infairnes supportive talaga sila kay Vince. Bunso kasi nila kaya ganyan na baby. " opo mommy lagi ako mag-iingat dun. Mommy si Dems ah huwag mo din pabayaan." Sagot ng loko loko dinamay pa ako sa Gawain ni Tita Vina. "Yes dad, I will po. Alam oko naman po na iyakin yan si mama eh. Dad si Dems pabantay naman po.pls" hala siya oh, nadamay na naman ako. Pati kay Tito Vic? " Update kita kapag nagkaproblema ako.Siyempre ikaw taga-lutas ng mga gusot ko eh. Kuya pasuyo naman si Dems ah. Baka kung kanino magsisama yan eh" Ay loko loko talaga. Pati kay kuya Vlad ibinilin ako.
"Vince kami na bahala kay Dems. Malamang pamilya na natin yan eh. Hindi pwedeng hindi bantayan baka bumlik ka agad eh kapag nalaman mong pinabayaan naming." Sagot ni kuya Vlad.
" Salamat talaga kuya, Mom and Dad. Alam niyo naman na mahal ko yan eh." Sabay yakap ni Vince sa tatlo, nakaktuwa talaga sila magkulitan parang magbabarkada lang.
Matapos ang yakapan nilang apat, sa akin naman lumapit si Vince. Binigyan ko siya ng magandang ngiti. Ayoko na ipakita sa kanya na nalulungkot ako sa pag-alis niya." Mahal ko, isang taon lang tayo di magkikita ah. Babalikan kita ah. Pagbalik ko tuloy na natin mga plano natin ah." Doon ko na hindi napigilan ang umiyak. Niyakap ko na siya nang mahigpit. Nararamdasman ko na maiiba ang takbo ng buhay kop ag-alis niya. "Oh, huwag ka ng umiyak mahal ko" , pagpapatahan ni Vince. " Paanong hindi ako maiiyak, ngayon pa lang masakit na. Vince balikan mo ako ah.Huhuhuhuhu. Mangako ka na hindi ka tititngin sa iba.HUhuhuhuhu. Babalik ka pls. Huhuhuhu." Yakap ko parin siya habang umiiyak. Ramdam ko na basa na ang suot niya sa kakaiyak ko.
Calling all passengers of Flight 14344!
" Dems boarding na.ssshhhh. Tahan na po. Opo I'll be back. Promise ng asawa mo yan. I love you."
" I love You too Vince Victorino."
Ngumiti kami parehas, tapos naglapat ang mga labi namin. Halik na punong- puno ng pagmamahal at pamamaalam. Sampung Segundo ang lumipas bago naghiwalay an gaming mga labi.
"Bye Mahal ko"
" Ayoko ng goodbye. See you soon,ok?"
" Mom ang dad si Dems ah."
" See you anak. Kami na ang bahala sa kanya."
BINABASA MO ANG
ikaw at ako
RomanceDating masaya ang relasyon nila Demas at Vince ngunit magiging ganun pa rin ba ang kanilang pagtitinginan kung dadating ang lalaking magiging sandalan ni Dems habang si Vince ay ilang taon nang di nagpaparamdam dito. eto ay ang kwentong kabaklaan ni...