Kahit kailan hindi ako nasanay sa klima na mayroon dito sa ibang bansa. It's been 3 years pero namimiss ko pa rin ang lamig tuwing umuulan.yung hangin kapag may bagyo at mga masasayang alaala sa ilalim ng ulan.
September 2011, umuulan noon, nasa Cubao ako para makipag-inuman sa mga kabarkada ko. " Oi pre nasaan na ba kayo.Anak ng teteng naman bakit di ninyo sinabi na hindi pala kayo magsisipunta?!" Kabadtrip mga lokong toh. Nagsayang pa ako ng gas.dyahe pa naman bumiyahe kasi umuulan. Makapunta na nga lang sa Starbucks para makapagpainit.
"One Coffee Jelly for DD!"
Ayun buti ang bilis ng coffee jelly ko. Papaupo na ako habang iniinom ko yung order ko biglang may kumalabit sa balikat ko. "Kuya! Kuya!" sabi nung boses. " akin po kasi yung iniinom mo." Huh? Anung sinasabi nito? Adik lang. napakahinhin naman neto. Chineck ko yung name sa baso.
"Ay sorry. Ikaw ba yung DD? Akala ko kasi sa akin kasi magkatunog."
"One Coffee jelly for Vi-Vi."
"Kuya yun pa lang ata yung sa iyo."
"Sorry talaga." Dyahe talaga. Anu yung pumasok sa utak ko. " Medyo nabingi lang po ako. Sayo na lang po yung akin tutal parehas lang naman po order natin." Kinuha niya yung dapat na order ko.
Nilapitan ko siya sa table niya. Mukhang mag-isa lang din katulad ko.
" Excuse me. Di kasi ako mapanatag. Im Vince Victorino."
"kuya no worries po. Okey lang yun. Dems Dy po. Nice to meet you."
"Mag-isa ka lang ata?" tanong ko dito.
" Ah oo eh. Unwind lang. need to relax eh." Nakita ko sa mata niya na parang mugto mata niya.
"Galing ka sa iyak noh? Medyo mugto kasi mata moh." Shit. Sinabi ko ba yun? Ang tabil talaga ng bibig mo kahit kalian.
Wala ako nakuhang sagot mula sa kanya. Mukhang may something nga siya.
" Pwede makiupo kung ok lang sayo pero kung hindi mo gusto pwede naman ako bumalik sa pwesto ko sa labas ng shop."
Tumango lang siya. Huh? Ano yun? Ok lng ba sa kanya o hindi ok sa kanya na makikiupo ako sa table niya. Bahala na nga. Ang ginawa ko umupo ako sa tapat niya.
Nakakailang nman toh. Walang conversation. Tapos nakatingin lang siya sa bintana.Hindi ko kakayanin toh.
" Lumalakas ang ulan noh." What? Seriously? Ang lame ng tanong.Tinanguan lang niya ako.
" Saan ka nakatira? Dems right?"
" Diyan lang. GMA." Anu ba toh. Ang ikli ng sagot. Mapanis laway niyan. Hindi ba siya titingin sa akin? Inamoy ko sarili ko. Mabango naman. Sinilip ko sarili ko sa salamin na pader ng shop,... Oh tignan mo yan.. What a face. Gwapo mo men.. ahahaha.
Habang pinagmamasdan ko siya, napapansin ko na may kakaiba sa taong ito. Hindi naman gwapo pero cute ng Moreno complexion niya. Hindi naman katangkaran pero tama sa body type niya. Medyo makapal ang kilay. Medyo Malaki ang mata pero ang ganda ng kulay ng brown niyang mata na nagpapaiba sa pagkatao niya. Medyo odd nga lang manamit. Grey white at black. Ahahaha. Dull naman neto. Pero bagay naman sa kanya.
" Oh hello mama. Yup mama.nagpapatila lang ako ng ulan. Malay ko kasing uulan eh.wala akong payong. Yes ma. Yup I will po. Bye!"Tumingin siya sa akin na medyo nahihiya. Binigyan ko lang ito ng pamatay kong ngiti. Mas lalo atang nahiya kasi mas yumuko siya sa akin.
"If you want, I can give you a ride?"
"Nope ok na po ako.patitilain ko lang tong ulan."
" Ok lang. I have a car. Mas mapapabilis ang uwi mo."
"Hindi ba nakakahiya? Eh hindi nman tayo magkaano-ano eh."
"Nope Dems ok lang. Cainta lang ako kaya mabilis lang ang biyahe atsaka ang sabi mo GMA ka lang. Eh d 3-5 mins. Nandyan ka na sa bahay niyo." Pagpapacute ko sa kanya. Wow so gay netong pagpapacute ko ah.
----------
"Tnx for the ride kuya. I've caused so much trouble." Ang cute naman. Kahit hindi nagpapacute, ang cute niya.
"Vince na lang. Atsaka huwag mo akong i-kuya. Eh mukhang same age lang naman tayo."
" sige salamat po ulit."
" Bye! Got to go!"
"sige ingat sa pagmamaneho" sabi nito bago ko paandarin ang kotse ko.
----------
Haizt. Dems mahal ko sana mapatawad mo ako. Hindi ko gusto tong nangyari sa akin. Malapit na. Pero sana huwag mo akong kamuhian.
"Sir Vince meeting is about to start. They are already inside."
" Okay. Tell them I'll be in a minute. Thank you Ms. Omaru."
?w=tFJH
BINABASA MO ANG
ikaw at ako
RomanceDating masaya ang relasyon nila Demas at Vince ngunit magiging ganun pa rin ba ang kanilang pagtitinginan kung dadating ang lalaking magiging sandalan ni Dems habang si Vince ay ilang taon nang di nagpaparamdam dito. eto ay ang kwentong kabaklaan ni...