5

1 0 0
                                    


January 2016

"Uche, sino na naman yan. Baks ka talaga!"

" Hala siya oh. Ayaw pa? Huwag kang mag-alala dahil ayos toh. Co-teacher ni Rhie toh. Kakakilala ko lang kay Dems kagabi after ko manggaling sa boarding house mo. Infairness nakakatawa siya" Chika sa akin ni Uche sa phone.

Hi I'm Eds. BPO ang field of work ko. Di ako stunning pero may appeal ako. Ayun ang sabi nila sa akin. Hindi naman sa pagmamayabang ah pero habulin ako. Ewan ko ba sa kanila. Ang alam ko ay di ako gwapo, medyo maliit, Moreno at higit sa lahat hindi ako mayaman. I'm taking my Master's Degree dyan sa diliman kung saan sa malapit lang din ako nagboboard. Techno-Hub lang din naman ako nagtatrabaho kaya hindi dyahe malate at kaya kong lumipad after ng class ko.

.

.

.

One friend request....

" Dems Dy"

Woah!! Eto ata yung sinasabi ni Uche na Dems. I-accept ko nga. Infairness cute siya ah.

Ako: Tnx for the Add.

Dems: Tnx for accepting my request, J. Ikaw yung friend ni Uche di ba?

Ako: Yup ako nga. Anu naman mga sinabing kalokohan ng babaeng yun?

Dems: Ah. Yun ba? Wala naman. Sabi niya single ka daw. Tapos non-smoker ka tapos nag-aaral ka sa U.P.

Ako: Wow ah. Kwinento niya lahat yun? Ayos talagang babaeng iyon kahit kalian. Hehehe. Well I don't think there's a need for formal introduction.

Dems: Yep. Hehehe J

Ako: Where are you?

Dems: Work. School. Break time. You?

Ako: Me? Hindi pa tulog. May tinatapos para ipasa bukas.

Dems: Hala. Naiistorbo ata kita. We can chat naman kapag tapos kana. Anyway, thanks for the time.

Ako. No!! ok lang di ka istorbo. Yup thanks also for lending your time in me.

Dems: no problem. Sige mamaya na lang may class na ako.

Ako: chat you later.

Dems: J ;)

I think it is my lucky day.Matapos na nga etong pinapagawa ng Prof ko.

After 5 minutes....

Wooh.. Nice siyang mag-smile. Teacher nga pala siya. Mukhang matangkad ah. Ma-chat nga si Uche.

Ako: Uche gaano katangkad si Dems?

Uche: Nagkausap na kayo?

Ako: Yup kanina lang.

Uche: Wow ah ang bilis mo talaga sa landian.

Ako: Ay nako..Ano nga?

Uche: 5'6 siya. Bakit?

Ako: Wala lang.

Uche: Ano masasabi mo? Ayos ba?

Ako: Nako naman. Malamang wala pa.kakachat lang kaya namin oh. Pero cute siya. Maganda siya ngumite.

Uche: Paano mo nalaman?

Uche: Don't tell me chineck mo fb niya? Ang stalker mo.ahahahah

Ako: Malamang. Kaya ko nga tinanong sa iyo kasi nakita ko na fb niya.

.

.

.

.

5pm

Ako: Wazzup?

Dems: Ok naman.Eto pagod always. Wow natulog ka na ba?

Ako: Yup mga apat na oras lang.

Dems: Kaya mo pa ba?ahahahaha. tulog tulog din pag may time..ehehehe

Ako: yup kaya pa.hmm.. pwede ba tayo magvideo call?kung okay lang sayo..

Dems: Hindi ba nakakahiya?anu kasi eh..makikita nila ditO.aasarin ako niyan..

Ako: Okay lang yan.

Dems: hmmm. Okay

Callling Dems........

Sinagot niya.then pagkita ko sa mukha niya.....

Wooh.!! Ang cute. Nakaktuwa naman siya. Mahiyain na parang hindi. Parang cute na bata lang.Nagbblush lang wala pa ngang ginagawa..hehehe

"Hey!"

" Hey!" sabi niya.

Parang tatlong minuto ko lang siyang tinititigan habang siya naman nakayuko, mukhang may ginagawa. Grabe ang cute naman niya.

"Dems, nakakaistorbo yata ako?May ginagawa ka kasi.Paper works ba yan?"

"hmm oo eh. Okay lang ba sayo?kasi hindi kita kinikibo eh.tapos nagchecheck pa ako ng papel. Nahihiya talaga ako na kausapin ka. Paano kasi di ako sanay sa ganitong set-up...hhmm.. yung may kausap through video call", ang sabi niya.

"Okay lang yun. Sanayin mo na kasi palagi kitang kakausapin niyan. Kung okay lang sayo?"

Shet. Ngumiti lang siya at nagblush.

N4U15GwqtaK

ikaw at akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon