Chapter 29
Bagsak lahat
Nanghihina akong napaupo sa swivel chair. Nakahawak sa aking noo at halos hindi man lamang ako makatingin sa lalaking nasa harapan ko.
Tinignan ko ang mga alahas sa aking braso at walang gana ko itong tinago sa bag ko. Naiinis ako. Aminado akong walang pinag-aralan pagdating sa kompanya kung kayat unti-unting nanunuot saking sistema na maaaring totoo nga ang paglubog ng kompanya.
" Ms. Suzie! " Napaangat ako ng tingin kay Quiel na patuyang nangingiti sa nakikitang reaksyon sakin. Hindi ako sumagot.
Marahil ay pangit ako at mukhang problemado ngayon sa harapan niya. But I dont care. Ayoko siyang isipin ngayon, dahil paniguradong malilimutan ko ang problemang iniisip. Napakagat ako sa aking labi, namula ang aking pisngi sa naisip. Maya maya ay napakurap ako sa biglang kamay na bumagsak sa mesa ko.
Nagulat ako ng bigla niyang hinampas ang basag na salamin. Nanlaki ang mata ko dahil naalalang basag ito kayat agad na nag-alala at walang pasubaling tumayo papunta sakanya.
Agad kong hinawakan ang kamay niya at tinignan ko ito kung may bubog. Ngunit saka lamang pumasok saking isipan na sobrang lapit na namin sa isat isa. Isang pulgada na lamang. Hindi ako agarang makakilos, nanigas ako. Para bang naghihintay ako ng halik?
Shit! Napapikit ako at napapalatak sa kalaswaang iniisip. Suzie! Ano ka ba? Sinaktan ka na niyan!
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso ng bahagya siyang lumapit saakin. Napanganga ako ng bahagya pa siyang lumapit kung kayat mas lalo kong nakita ang kakisigang taglay ng lalaking nasa harapan ko at halos mangisay ako sa bangong hatid niya sakin.
Oh my god!
" Suzie, " nanatili akong nakatingin sa kanya. Hindi ko na inalintana ang lapit na namamagitan saming dalawa.
" Get your hands off me. "Nanlamig ako at agad na inalis ang kamay kong nakahawak sakanyang kamay. Shit! Nakakahiya!
Pulang pula ang aking mukha at tila nahiya sa pagkakatagal ng hawak ko sa kamay niya.
"S-sorry. " Nauutal kong sagot at humakbang patalikod. Hindi makahanap ng ibang salita.
Nanatiling matigas ang kanyang ekspresyon. Doon ko lamang naalala ang problema sa kompanya. Pinatigas ko ang aking ekspresyon. Ayan kasi inisip ko na naman! Napala ko? Nawala ako sa sarili. Sabi na nga ba.
" W-why.. " napakagat ako sa aking labi nanginginig parin mula sa kaba. Suzie please focus. You shouldnt be tamed by the presence of this boy! Paulit-ulit kong chinant sa isipan ang salitang focus.
His cold eyes bore unto mine. Pinantayan ko ang ekspresyong kanyang binibigay. Lumunok ako ng sobra sobra bago muling nagsalita.
" Bakit ganito kabilis ang pagkalugi ng kompanya? " Umupo ako at bahagyang napahiya sa sariling tanong. Im the CEO of my fathers company yet I don't know how to handle this!
" Tingin mo babagsak ba ang isang building kung may matibay na pundasyon sa pagkakatayo nito? " Agad namula ang aking pisngi sa sagot na napala ko sa lalaking aroganteng nakangiti sa harapan ko. Fuck you Quiel! Really? Paniguradong pinabayaan ng punyeta kong mga kaibigan ang kompanya ko. Pero hindi ko sinabi sakanya iyan. No way! Baka maisipan niya na namang ako ang salarin sa kung ano mang nangyari sa mga yon.
" Wala naman sigurong babagsak kung iningatan diba? " balik tanong ko sakanya. Napataas siya ng kilay, his arrogant smile is still showing. Ang gwapo! Kahit anong ekspresyon ang gwapo niya parin! Kahit anong anggulo kahit anong ayos, wala na akong masabi kundi purihin siya. Kahit na nag-uumapaw sa sama ng loob at galit ang aking puso. I cant believe I still love this greek god looking guy.
" Paano kung hindi iningatan? " Pataas taas siya ng kilay at patuya pa siyang ngumiti. Itinaas niya ang kaliwang kamay at inaktong unti-unting bumabagsak ito pababa.
" Ayan tuloy, bumagsak. Wala palang pwedeng makasalo sakanya. " Napanganga ako kasabay ng kanyang bahagyang pagtawa. Tumayo ako bago magsalita.
" Oh! Are you pertaining to me Mr. Buenavista? " Napatayo ako at inis na dinuro ko ang sarili.
" Well, Im sorry ah! Hindi ako nainform puro bato mga puso ng pinagkakahulugan ko!" Tinuro ko ang puso at umiling- iling habang nagpapatuloy.
" Falling inlove to someone who cant love you is not a sin. Kahit kailan hindi mo mauutusan ang puso sa kung sino ang dapat mahalin at sino ang hindi. " Nakita kong saglit na nagningning ang kanyang mga mata ngunit agad din itong napalitan ng dilim matapos kong sabihin ang lahat ng mga salitang gusto kong maisatinig.
" Oh?" Yun lamang ang naisagot niya saakin. Naglakad siya palapit ng limang hakbang at napaatras ako, bumalik na naman ang bilis ng pagtibok ng aking puso.
" Hindi ko rin alam. Hindi rin ako nainformed, " Patuloy niyang ginagaya ang tonong mayroon ako kanina.
" Kaya pala bumabagsak ang kompanya mo dahil sa baluktot mong puso." He pointed his finger on his head.
" Use your brain, not your heart. You shouldn't involve your personal matters. Kulang ka pa sa pagkaprofessional. Wala kang magagawa kung ayaw sa iyo ng isang tao, bat mo pa pagsisiksikan ang sarili mo kung alam mo namang walang puwang para sayo Ms. Suzie?" Napanganga ako at literal na nanghina ang tuhod sa mga narinig galing sakanya. Inis kong tinungo ang swivel chair at padabog kong kinuha ang bag.
Im done for this day! Fuck you Quiel! I hate you! Hindi mo na kailangan ipamukha saking walang nagmamahal sa katulad ko. I know Im ugly but he shouldnt throw it on my face. Afterall Im just a fat woman who needs the help of surgery to get the face every man dies for. Inis kong pinahid ang luha. Ni hindi ko man lang napansin unti-unti na pala itong nagbabagsakan saaking pisngi.
Nagmartsa na ako papaalis ng mahagip ko ang mata niyang tila naging isang maamong tupa ng makitang maluhaluha na ang aking mga mata.
" Sayo na lahat kung gusto mo. Magpakasaya kayo ni Cassy, agawin mo siya kay Red kung gusto mo! I dont fucking care. I dont give a damn Quiel. This company is can be your fucking property! But Im sorry, " Saglit ko siyang binalingan nakatingin siya saakin at kitang kita ko pagpungay ng kanyang mata. Pero agad itong nagbalik sa dati.
Malamig at tila ba walang paki sakin kahit na maglupasay pa ako sa sahig. Lumuha ng dugo. At bumaha ng luha. Wala siyang pake saakin. Wala.
" This company is possible to be yours, but... I will take back my heart and I promise to myself I am not going to love you anymore, and this will apply for the rest of my life. " idudugtong ko pa sana ang salitang pati ang pagiging ama mo saking namatay na anak. Ngunit kinagat ko na ang labi. Mas lalo lamang akong manghihina at maiiyak.
I will not love you. Pero sino bang niloko ko? Hindi ko na ata makakayang kalimutan pa siya.Titingnan nalang kita sa malayo.
Timalikod na ako sakanya. Nanghihina kong tinahak ang daan papalabas sa aking opisina na bagsak ang balikat, bagsak ang mata bagsak ang kamay at bagsak pati ang puso.
I will just love you secretly.
BINABASA MO ANG
The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)
Teen FictionKung maghihiganti ba ako, magiging masaya ako? O mananatiling walang pagbabago sa lahat ng mga sakit na napala ko? Suzie is now signing in to her story full of tears and heartached.