12...

9 1 0
                                    

Franz

"What the fuck- Franz!!" Gulat na gulat na bulalas ni Rica

(------___------")

"Will you shut your filthy mouth?" Inirapan ko sya at inayos ko ang botones ng suot ko

"Holy sh-!!!" Pababa si Ellie with Nica na parehong gulat din ang reaksyon

Here they go...

Parehong naka dress sina Rica at Nica hanggang mid thigh that really compliment their body habang nakapolo din si Ellie tulad ko. Nakaitim sya ng polo at ginawang three-fourth ang sleeves while ako naman ay black and white na polo at naka three-fourth din. Err... We both look like guys na actually.

"Dude, nagpagupit ka ng buhok!? Well infairness ang gwapo mo tignan." -Ellie

"You really look good Franz." Nginitian ko ng matamis si Danica

At ayun! Ang sira ulo kong bestfriend tinignan ako ng masama habang mahigpit na niyakap ang kasintahan nya. Tsk!

"Don't worry dude! Gwapo lang ako, di ako pumapatol sa may sabit na."

"Oh god." Nakita naming napaface-palm si Rica kaya pareho tuloy kaming napatawa sa kanya

Ngayon na nga pala kami dadalo sa party na sinabi ni Ellie.

Anyways. Kani-kanina lang ay naisipan ko nang magpagupit nga ng buhok since nawalan na talaga ako ng gana kakaponytail. Matagal ko na rin naman gustong magpagupit eh kaya naisipan kong ngayon na ako magpa make-over. Nagshopping na rin ako using my savings para palitan na ang wardrobe ko. Oh sosyal!

"Oh ano, magtitinginan na lang ba tayo dito? Hay naku!"

Kahit kailan talaga 'tong si Rica.

Tumalima na lang kami sa labas ng bahay dahil kanina pa anjan yung service namin. Pinadalhan kasi kami ng service ng dad ni Ellie. Eh rich kid! Ano pa nga ba maaasahan dyan?

"Hoy Franz! Umayos ka hah! Kahit ngayong gabi man lang ay iwaksi mo muna yang mga libro mo... Dahil kung hindi ehuhulog talaga kita mula sa rooftop." Mahabang litanya ni Rica na puno ng pagbabanta.

Napanguso ako sa kanya, "Opo nay!" napalantak ako

We all went inside the hotel na at sabay-sabay nang tumungo sa venue and as expected ako na naman escort ni bruhang Rica.

Maraming tao ang nadatnan naming nagkakasayahan sa grandball ng hotel. Ang dami ng malalaking panauhn na dumalo halatang puro sosyalin dahil sa ganda ng suot lalo na ang mga nagkikintabang alahas na ngayo'y ipinagmamalaki nila sa mga kaibigan. Hay! Mga mayayaman talaga oh!

"I'm glad nakarating kayo!"

Sabay kaming apat na napalingon at nagbeso kay tito Vic. Nakasuite and tie ito na halatang mamahalin.

"Hey Dad." Bati nila Ellie at Nica.

Ang cute diba? Nakiki-dad na rin si Nics sa dad ni Ellie.

Edi sila nang may poreber!

"Oh kamusta naman ang mga dalaga't- oh mga binati na rin pala!" Halatang nagulat si tito pagkakita sakin, habang yung tatlo ay natatawa pa sakin.

Kainis! Hampasin ko silang tatlo eh!

"Ano, okay ba dad? Hahaha! Dalawa na kaming lalaki sa bahay." Sarap gilitan nitong si Ellie

"Hahaha! Well, you don't look so bad yourself, Franz anak."

Nahihiya akong napakamot ng ulo. Enebe! Haha! Gwapo ko talaga!

"Thanks po tito." Ngiting ngiti itong tumango at marahan akong tinapik sa balikat.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon