Syota para sayo 'to dahil ikaw lang ang reader kong nagtyaga. :*
- - - -
Natural, saan ba naman nagsimula ang love story namin ng krung-krung kong best friend edi sa simula? Haha.
Alangan naman sa katapusan diba?
Parang walang kakwenta-kwenta naman pag ganun. =))
Maliban nalang kung ang prologue ang pinag-uusapan natin. Haha!
Sa mga slow na tulad ng best friend ko... sa prologue kasi namin, nasabi ko na dun na nagkatuluyan kami. Diba? 'Yun na 'yun eh! Ang "most awaited moment" ng readers at ng mga friends namin.
Pero minsan nga, ang mas importanteng parte ng isang love story ay hindi 'yung ending nito pero kung paano nga ba nagsimula, kung paano nagkadevelopan, kung paano narealize na may feelings pala sa isa't isa... Hindi ba ganyan din sayo? Nainlove ka na rin eh! Haha.
Ang dami ko talagang paligoy-ligoy. Isa lang naman ang gusto kong sabihin eh.
Mahal na mahal na mahal ko si Channel.
Mahal na mahal na mahal ko si Channel Mercedez.
Ikukwento ko na ha, para mahulog din ang loob niyo sa kanya...XD
[SWITCH TO THE PAST]
------After Jessie walked out of that door she made it obvious that she stepped out from my life.
Pumunta agad ako sa bahay ni Channel para mawala ang pagkabadtrip ko.
Oo na, bigo ako. E sino pa ang tatakbuhan ko edi si besprend.
Mahirap kasi akong mabigo, isa lang ang neutralizer ko... at si Channel 'yun.
Siya lang ang nakakaintindi kung ano gusto ko tuwing bigo ako, tapos may mga ritwal pa ako na kung anu-ano. Kasi naman, sa sandamakmak na rason kung bakit ako hinihiwalayan ng mga chicks ko... si Channel pa.
Bakit? Anong meron sa pandak na 'yun?
Aaminin ko maganda ang bangs niya... pero, hindi ko talaga makuha-kuha kung bakit nagseselos sila dun! Sabi daw nila kesyo daw magkasama kami palagi, kailangan nilang magcompete sa memories namin ni Channel... UTOT!
Ganun ba talaga? Di ba pwedeng, parang nanay ko lang si Channel? XD
Pumunta na ako sa kanila, nagbike lang ako. Isang subdivision lang naman ang pagitan namin... medyo malayo pero hindi naman ganun ka lapit. Mas gusto ko kasing magbike eh, tuwing nalulungkot ako. Alam ni Channel 'yun. Siya na! Siya na talaga ang maraming alam! Haha. Ayun, kinocomfort ko na naman sarili ko. Hahahahahahahaha.
Tama na 'tong kashungakan ko.
Kakapagod magpakitang masaya ka, kahit hindi naman talaga.
Tamang-tama nung tumigil na ako sa pagbike, nakita ko si Channel, lumalakad... some distance away from me. Nakita niya ako kaya nagulat siya. Hawak-hawak pa nito ang plastic... di hamak na Royal ang laman nun. "Miggy! Bakit ka nandito?!"
"Nagulat ka pa sa lagay mong yan?" I slowly got off my bike tapos nilagay ko dun sa may gilid ng gate nila. "Makikitulog muna ako dito."
"Walang hiya ka talaga no? Kahit kailan ginagawa mo talagang boarding house 'tong mansion ko!" Tumawa siya tapos inakbayan niya ako. "Anong problema, Migo?" Migo. Ayun, seryoso na ang best friend ko. Basta't tinatawag niya ako sa totoong nickname ko.
"Pasok muna tayo para mapag-usapan, tapos gawan mo ako ng malamig na Milo."
Nung sinabi ko 'yun, alam na niya na bigo ako. Siyempre...
"Miggy! 'Wag mong sabihin wala na kayo ni Jessica?!" ...bakit nga ba iinom ako ng Milo kung hindi ako bigo? Ritwal ko na 'to eh.
Tuwing iniiwan ako ng babae ko.
Kinuha niya kamay ko tapos ngumiti siya. "Tara sa loob, titimpla ako ng napakamasarap na Milo para sa pinakagwapo't pinakamamahal kong best friend sa buong mundo!"
Pinakamamahal?
Kung si Channel kaya... iiwan niya din kaya ako?
Kalokohan, Migo. Sawi ka lang, sawi.