Simula

10.2K 37 0
                                    

Sa mga readers na kung sakali ay makakasama ko sa pag buo nito maraming maraming salamat po! :)

»

»

»

_________________________

Simula.

"Kelly, Ryan dalhin nyo na itong pagkain sa taniman."

"Opo Nay," sagot ko habang inaabot ang plastic na hawak nya na may lamang pagkain.

"Mag ingat kayo sa pagtawid sa ilog, yang kapatid mo baka madulas na naman."

"Opo Nay, ako na ang bahala dito sa lampa kong kapatid." sagot ko, hinawakan ko naman ang kamay ng bunso kong kapatid at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay.

"Ate hindi ako lampa, kasalanan nga sabi ng bato yun."

Alam ko naman na hindi sya lampa natutuwa lang ako na asarin sya. Nasugatan sya noong huling punta namin sa taniman para dalhan ng pagkain ang aming ama, nadulas kasi sya ng gumalaw ang batong tinapakan nya noong tatawid na kami ng ilog.

"Susss, mga dahilan mo." Pang aasar ko.

"Bilisan mo na nga lang, para kang namamasyal sa buwan kung maglakad, mainit na oh!" Aniya sa naiiritang tono.

Tirik na ang araw at masakit na sa balat ang init, kaya naman naiintindihan ko ang kanyang reaksyon. Pero mas lalo pang bumagal ang paglalakad ko ng makita ang isang itim na kotse, na naka-tigil sa harapan ng bahay ni mang Danny, na sya namang madadaanan namin. Nang nasa tapat na ay huminto ako sa paglalakad at inilibot ang paningin ko sa sasakyan. Makintab ito, malinis at mukang bago pa, kaya siguro na-agaw nito ang atensyon ko.

"Corolla Altis." bulong ko, ng mabasa ang nasa likuran nito.

"Halika muna Ryan, bilis!" Tawag ko sa kanya habang binabaybay ang bawat sulok nang bintana ng sasakyan gamit ang aking mga daliri.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng kotse?" Sabi nya na agad namang lumapit, dala pa rin ang naiiritang reaksyon.

"May anak bang mayaman si mang Danny?" Tanong ko habang pinagmamasdan pa rin ang sasakyan. Hindi naman ito ang unang beses na nakakita ako ng kotse. Iba lang ang pakiramdam ko sa isang ito, para bang inaakit akong hawakan ko sya.

"Ate utak naman, paminsan minsan gamitin! Kung may anak na mayaman yan, malamang mansyon ang bahay nyan. Hindi kubo." Pailing iling pa sya habang sinasabi iyon na para bang ang bobo ko.

"SAbi ko nga." Sagot ko habang inilalapit ang muka ko sa tinted na windshield ng sasakyan para maaninaw ang loob nito at.....

"Araaaaaay!" nasabit ang buhok ko, makahila naman to. T_T

"Tara na. Andyan na si mang Danny kasama ata yung may-ari." Sabi nya habang hinihila ako palayo sa itim na kotse. Nakakainis, ni hindi ko pa nga nasusulyapan kung anong meron sa loob ng sasakyan na yun.

"Sandali, yung hairclip ko." Nahulog siguro nang masabit ang buhok ko kanina.

Ayoko pa naman ng walang hairclip, maaliwalas kasi ang pakiramdam ko pag walang buhok na naka-harang sa mukha ko.

"Yaan mo na, piso lang naman yun." At tuloy pa rin ang pag hila nya sa akin.

"Ano ka? Limang piso yun!" Tanaw ko naman na papalapit na nga si mang Danny kasama ang isang may katangkadang lalaki na siguro ay nasa edad bente singko. Sa lakad, sa tindig at sa pananamit nito dagdag pa ang aviator na kanyang suot, masasabi kong mayaman sya at gwapo.

Agad akong lumayo sa sasakyan at naglakad ng maayos para maitago ang krimen na nagawa ko.

Napangiti ako sa isipin na iyon. Krimen ba ang pag haplos ng sasakyan?

"Yaan mo bibilhan kita nyan pag yaman ko." Aniya na tuloy-tuloy sa paglalakad habang tinitisod ang alikabok sa daan.

"Ng hairclip?"

"Ng kotse! Ano ba ate ang slow mo, nakakainis ka na."

"Hindi na kailangan kasi ako ang unang yayaman sayo, inakbayan ko ang mayabang kong kapatid ... at itong daan na to, sabay turo ko sa lubak lubak at maalikabok na daan ipapa semento ko yan!"

Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakita namin ang magarang kotse sa harapan ng bahay ni mang Danny. Siguro ay mga limang beses pa namin iyong nakita. Dahil hindi naman kami malapit kay mang Danny ay clueless pa rin kami kung kaano-ano niya ang may ari ng sasakyan na iyon. Puno rin ako ng panghihinayang, dahil sa dami ng beses na nakita ko ang kotse na yun, hindi ko man lang nakita ang itsura ng lalaking may dala noon.

Isa ako sa mga ordinaryong tao na nabubuhay sa mundo. Isang anak mahirap, ngunit masasabi kong pinagpala pa rin ako. Bakit? Dahil mayroon akong mabubuting magulang at kapatid. Salat man kami sa karangyaan, sapat na iyon para ipagpasalamat ko sa poong maykapal.

Sa estado ng aming pamumuhay nasaksihan ko kung gaano kahirap mabuhay, kaya sa edad na labing siyam ay bihasa na ako sa paghahanap ng mapagkakakitaan.

Paghahalaman ang aming ikinabubuhay, pag tatanim ng sari saring gulay na ipinagbibili naman namin sa pamilihan.

Naka-pagtapos naman ako ng high school, yun nga lang at hindi na ako nakapag kolehiyo. Kaya naman daw akong pag aralin ng nanay at tatay ko, pero siguradong gagapang talaga kami hangang mapagtapos ako. Batid kong maraming gastos ang pag kokolehiyo kahit pa sabihin na nasa pampublikong paaralan ako, kaya mas pinili ko na lang ang makatulong sa kanila.

Pangarap ko maging office girl balang araw, pero mukhang hindi naman matutupad iyon dahil nga sa hindi ako nakapag kolehiyo. Ilalaan ko na lang siguro ang aking mga pangarap para sa nakababata kong kapatid.

.

.

.

.

.

Wild WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon