Chapter 3 - The Bet

99 19 6
                                    

Chapter 3

Arvie's POV

Sino ba talaga si Carlos?

He's known as the Jack of all trades dito sa school and he's one of the reasons kung bakit ako napahiya sa klase ko kanina. Uhaaaaaaaaa...... (T__T),, ako rin naman ang sumagot sa tanong ko... Kasi nga kilala siya ng lahat!

"Ano na naman ang iniisip mo dyan!" sabi ni Marie. Siya nga pala ang bestfriend ko dito sa school.

"May binabalak ba siyang masama?" bulong naman ni Irene kay Marie. Hehehehe... pero sinadya talaga ni Irene na marinig ko ang bulungan nila. Pero kung maririnig ko ay hindi na bulong tawag doon...

Grrrrr... Lamok lang ang walang ganti! Bwahahahaha... Humanda ka Carlos! Naiisip kong gumanti sa kanya bukas....

*Imagination*

"Hoy Carlos tawag ka ni Sir... answer mo daw!"

"Kasi hindi nakikinig!"

"Ms. Lim tulungan mo nga ang engot na yan!"

"Ganito!" sabay batok... "Gamitan mo ng MEDYAS!" at bibigyan siya ng pink na medyas.

"Good work Ms. Lim."

*end of imagination*

"Nababaliw na siguro." - Marie

"Hoy! Naririnig ko kayo! Sinong baliw ha!"

At hinabol ko silang dalawa palabas ng hallway. Sira talaga ang mga kaibigan ko pero ayos lang kasi ngayon ko lang naranasan na magkaroon ng tunay na kaibigan. Hehe, naranasan ko pa nga ang magtagotaguan kasama sila... masaya pala iyon. Haaaaayyyyyyy... Cupid sana magpakita ka...

Pero dumaan si Carlos with matching headphones pa... Haaaayyyy...

Ang bango niya... Hmmmmmmm... parang naamoy ko na ang pabangong iyon sa kung saan... Tsk...

Bakit ba ako lang sa buong campus namin ang hindi nakakakilala sa kanya? Kanina ay sinubukan kong magtanong sa ilang mga estudyante sa department namin at lahat nga sila ay kilala si Carl na kaklase namin. Ang iba pa nga sa kanila ay meron pang number ng engot na iyon.

"So naniniwala ka na sa amin?" sabi ni Marie.

Na sikat ang lalaking iyon! At ako lang talaga ang hindi nakakakilala sa kanya?

Nakakainis naman talaga ang nangyari kanina. NAPAHIYA LANG NAMAN AKO DAHIL SA PEMDAS!!! AT SA HARAP PA NG BUONG KLASE!!!

"Crush lang siguro ninyo ang taong iyon!" - ako

"Sino bang hindi magkakacrush sa isang henyo." - sila

Pero hindi ko rin naman type ang mga lalakeng tulad ni Carl kasi nakasuot rin siya ng salamin. But in all fairness... gwapo rin naman talaga siya. Medyo nga lang weird ang kanyang mga mata na parang palaging may iniisip na masama... Hindi kaya siya isang kriminal at nagkukunwari lang siyang estudyante. Naku! At inaaway ko pa naman siya sa klase.

"Ano na naman ang iniisip mo dyan!" sabi ni Marie. Minsan ay hindi ko alam kung tanong iyon kasi pasigaw na parang galit pero ganito na siguro sa school na ito. Hayaan ko nalang...

"Hindi kaya kriminal si Carlos at nagkukunwari lang siyang mabait?"

"Tara na nga sa canteen walang matinong patutunguhan ang usapan ninyong 'yan."

Cupid's Heart [Major Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon