Chapter 16
Tama nga ako ng hinala na pinagpustahan pa ako ng mga yun. Hindi ko alam kung paano nila na conclude yun at pati yung mga natalo sa pustahan eh nagbayad pa talaga sa harap ko. Bente lang naman ang pustahan nila kaya siguro hindi na ito nagtalo talo pa.
"Ewan sa inyo! Ang babarat niyo, pagpupustahan niyo nalang ako bente pa ang mga taya niyo." Nagtawanan kami dahil sa mga kalokohan nila.
Maya maya ay isa isa na silang nagpaalam, yung iba ay may klase pa daw at yung iba ay pauwi na rin. Pumunta na din ako sa room ko, hindi ako nakapasok last week kaya hindi ko alam na my quiz pala ngayon. Dali dali akong nag aral at swerte naman may naisagot ako kahit papano at sa tulong ng mga katabi ko hindi malabong maiprefect pa namin yun.
"Iba talaga ang inspired noh?" Biro naman nung nagsabi sa akin na my quiz pala.
Inabot nanaman kami ng kantyawan hanggang sa makarating na kami sa parking lot. Nag paalam na sila, papasok na ako sa kotse bigla naman my bumukas na head lights at naghi-beam pa sagot sa tapat ko.
"SHIT!!" Sigaw ko dahil sa pag kasilaw. Agad nito binaba ang ilaw at may lumabas dun sa sasakyan.
"What's your problem Sean??" Pagalit kong tanong dito. Hinarap niya ako at my mga kasama din siyang bumaba ng sasakyan.
"Wala naman, baka ikaw magkaproblema." Pagbabanta nito, Naramdaman ko din na my mga tao sa likod ko na papalapit sa akin.
"Madali naman sana akong kausap eh, ibalik mo lang si Aileen sa akin at hahayaan na kita" Lumapit na din ito at my bigla naman humawak sa kamay ko at itinali ito sa likuran ko.
Hindi na ako pumalag, mas lumapit siya at kwnelyohan niya ako. Imbes na matakot ay ngumisi pa ako, ayoko mag pasindak sa mga ito. Nakita ko ang pag kuyom ng panga nito at hatang napipikon na sa mga gestures ko.
"Isakay niyo na yan sa sasakyan. At kunin niyo yung sasakyan niya. Sa hide out tayo" Utos ni Sean.
Nauna na siyang pumasok sa kotse niya at dala dala ako ng tatlong lalake para dalhin sa isang van, kinuha nila ang susi ng sasakyan ko at pinagtulungan para madala sa van.
Agad kong my game nga pala ngayon si Troy and usually if there's an outside activity kahit sino dun sa tatlo eh kasama nila yung lahat ng body guard na naka assign dito sa school.
Hindi ko na namalayan ang lahat lalo na nung piniringan ako ng mga ito. Hindi ako pumapalag, mag papagod lang ako eh alam kong hindi din ako makakatakas sa dami nila.
Last thing I know nasa isang parang lumang bodega kami, madami sila at mukhang mga adik pa ang ilan sa kanila.
"Sean, matapang ang isang ito ah. Walang palag, walang imik at parang hindi natatakot." pansin sa akin nung kasama niya.
Ngumisi lang ito, dahil gusto ko talagang asarin siya sunuklian ko siya ng isang nakakaloko ngisi din. Kala ata niya matatalo niya ako sa mga ganito ganito lang.
"Pre, ano bang atraso nito sayo?" tanong nung mukhang unggoy niyang kasama.
"Torpe, kaya naunahan ko" Ako na ang sumagot at nakita ko ang unti unting pag kawala ng ngisi niya at napalitan ng galit.
"Tangina mong ahas ka! Tumahimik ka dyan. Lagyan ng tape ang bibig nyan." Baling niton dun sa mga mukhang goons na kasama niya.
"No need bro. Tatahimik na ako, ayoko din naman kayo kausap" Patuloy ko silang binabadtrip.