Chapter 31
//
Sabado ngayon. Pilit akong isinasama ng mommy ko sa isang restaurant para makipag blind date. As usual, alam ko naman na mayayaman at mapepera ang mga makikila ko doon. Katulad nga ng sabi ni mommy, gusto niya ako makipag engage para matulungan ko ang kompanya kahit ayoko naman.
Pilit ko ding sinasabi sa kaniya na ayoko sumama pero wala akong magawa. Mommy ko siya eh. Naaawa din na,an ako sa kaniya at sa pamilya namin, kaya naman kahit blind date lang ay pumayag na ko.
Nang makarating kami sa restaurant, agad akong dinala ni Mommy kasama yung organizer ng restaurant papunta sa isang table for two. Kinakabahan ako. Kasi naman eh. Ayoko naman talaga ng ganito.
" Behave Eunice. And please, do it for us. " sabi sakin ni mommy.
" Opo. " sagot ko naman kahit gusto ko talagang ipahiya yung sarili ko para hindi ako magustuhan ng kablind date ko. Kaso nakakahiya naman sa pamilya namin diba. Kaya I'll behave. After naming mag-usap ni mommy, iniwan na niya ako at umalis papalabas ng restaurant.
Dahil sa sobrang kaba, yumuko na lang ako habang hinihintay ang lalaking makakablind date ko sa araw na 'to.
" Ms. Adams. " agad ko namang itinaas ang ulo ko ng may humawak sa balikat ko at tawagin ako sa aking last name.
Laking gulat ko ng makita ko si Joshua. Yup, si Joshua na team captain ng Red Python, yung basketball din namin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang irereact ko sa ngayon. Super unexpected kasi itong pangyayari na 'to. Sa lahat pa ng makakablind ko, bakit si Joshua pa? Bakit yung kakilala ko pa? Nakakahiya naman. Baka kung anong isipin niya. Nako.
" Eu-eunice? " takang-takang sabi niya.
" He-hello. " bati ko sa kaniya na medyo natatawa ako.
" For you nga pala. " sabay abot niya ng isang pulumpon ng rosas.
" Tha-thank you. " sagot ko naman atsaka ko kinuha ang rosas. Grabe, palumpon talaga? Edi ba mahal toh? So, sa mayaman na pamilya pala siya galing. Wow naman. Pero kahit ganun, ayoko padin makipagengage. Hindi pwede! No way!
Nang makaupo na siya agad siyang nagsalita, " Hindi ko inaakala na ikaw nga ang makakablind date ko. " sabay medyo tumawa siya.
" Ayaw mo ata eh. " pang-iinis ko sa kaniya.
" Hindi naman. " sabay ngiti niya sakin. " Mas pabor nga ako eh. "
Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Sigurado, kung anu ano na naman ang sasabihin niya sakin. Bobolabolahin na naman niha ako. Yan pa! Si Joshua pa! Parang si Adrian lang din yan eh. Mga bolero. Haaaay. Si Adrian na naman? Hindi na ata nagsawa ang utak ko na alalahanin si Adrian.
" Bakit ka nakikipagblind date Eunice? " takang takang tanong niya sa akin.
" Hindi ba obvious? Kaya nga ako nakasimangot ngayon, kasi pinilit lang ako ng mommy ko. " pageexplain ko sa kaniya.
" Ako nga din eh. Ang bata bata ko pa, pinipilit na ko ni mommy na magkagirlfriend. Mali, hindi pala girlfriend. Mapapangasawa. " kwento niya sakin.
" Asawa? Agad agad? Haha. Pareho pala tayo. Kaso engagement palang naman gusto nila mommy. " sabi ko naman sa kaniya. Mas malala pa pala larents niya sakin. Gusto sa kaniya, asawa agad. Haha.
" 17 na naman ako. Sabi nila, isang taon na lang naman. Pwedeng pwede na daw akong kag-asawa. Nakakainis nga, kasi gusto ko pa maenjoy ang pagiging teenager ko. " paliwanag niya.
" Sabagay. Pero tama ka, mas masaya kasi maging teenager. Ayoko matali sa ngalan lang ng kompanya namin. " sabi ko sa kaniya.
" No choice. Kung magulang na natin ang may gusto eh. " sabi niya. Halata naman kasi na gusto niya. Pabor kasi sa kaniya kung ako ang makakaengage niya diba?
" Haaaay! " pagbubuntong hininga ko.
" Tsaka kung ikaw ba naman mapapangasawa ko eh. Hindi na ako aayaw. Kung gusto nila, bukas na bukas din pakakasalan na kita. " sabay tawa niya.
" Mga kalokohan mo talaga, Joshua. 16 pa lang ako noh. Bawal pa ako mag asawa. Wala pa ako sa legal age. " sabay dila ko sa kaniya.
" Hindi ka naman mabiro, Eunice. " tawa padin siya ng tawa.
Nag-order nadin kami ng pagkain at ipinagpatuloy lang ang pag-uusap. Nalaman ko na mayaman nga sila. Mas may kaya pa sila sa amin, kaya siguro siya ang napili ni mommy na makablind-date ko ngayon. Haaaay. Si mommy talaga.
Nalaman ko din na matagal ng magkakilala ang parents ko at ang parents niya, sadyang di niya alam na anak pala ako ng mag-asawang Adams.
" Wait Joshua, I'll just go to the comfort room. " sabi ko sa kaniya atsaka ako tumayo at naglakad na.
Nagulat na lang ako ng may makabangga sa akin. Nabitawan ko tuloy ang pouch na hawak ko. Pupulutin ko na sana kaso naunahan ako nung lalaki. Nang iaabot na niya, tinignan ko ang mukha niya at sa gulat ko, nagmadali akong naglakad papunta sa banyo.
Anong ginagawa ni Adrian dito? Sa dinami dami pa ng makakakita sakin, bakit siya pa? Tsk tsk. Kitang kita niya ako na ganito ang itsura ko. I mean, babaeng babae kasi ako ngayon. Nakadress at nakamake-up tapos nakaheels pa. Ugh! Nakakahiya talaga.
Nang makarating ako sa banyo, humarap ako sa salamin at napasimangot tuloy ako. " I can do this. Lalabas ako sa banyo na 'to ng hindi siya lilingunin. " sabi ko sa sarili ko.
After ko magbanyo, agad din akong lumabas ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko na hanapin si Adrian pero bigo ako. Hindi ko siya mahanap. Pero Im sure na si Adrian ang nakabunggo ko. Hindi ito hallucination.
Nakita kong tumayo si Joshua sa table namin at nilapitan ako. " What's wrong Eunice? " halata sa mukha niya ang pag-aalala.
" Si ano. Si.. Si-- " hindi ko matapos ang sasabihin ko.
" Sino? Si Adrian? " sabi ni Joshua sakin. Tumango tango na lang ako at siguradong alam niya ang gusto kong ipahiwatig. Basta tungkol kay Adrian, nagkakaganito ako. Nawawala ako sa katinuan.
" Ayun siya. " sabay turo ni Joshua.
Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ni Joshua. Mangiyak ngiyak na ako sa nakikita ko ngayon. I can see him talking with Daisy, his ex-girlfriend. Not just that, they are talking with matching holding hands pa sa ibabaw ng table ang dalawa.
Nasasaktan talaga ako sa nakikita ko. Pero kailangan ko pigilan ang emosyon ko. Walang Adrian at Eunice. Kundi Eunice lang at wala ng iba.
Pero, masakit eh.
Ano ba kasing meron sa kanila? Siguro, sila na ulit. Siguro, sa isang iglapan hindi na ako ang mahal niya. O kaya naman, pinaglaruan lang niya ako.
--
Vote and comment po.
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED