"Anong oras na ba?" laking gulat ni Anna nang hinila ko ang kamay niya.
Crap! 5:45 na. 5:30 yung kasunduan namin ni mama.
"May lakad ka?" patanong ni Anna sabay hila ng kamay niya.
"Ahh wala. Ako kasi magsasara ng tindahan namin eh" dali dali kong kinuha ang bag ko at tumakbo.
Parang andami atang tao sa school ngayon. Kahit anong iwas ko, may nabubunggo parin ako.
"Ano bah?!" galit na sigaw nang isang babae. Natapakan ko ata paa niya. Ah bahala na. Late na ako.
~~*~~
"Bakit ang tagal mo?" hinagis ni mama sa akin ang box na paglalagyan ng paninda. "Malapit nang dumilim ah. Alam mo namang walang ilaw dito pag gabi."
"Sorry po. Natraffic lang"
Ako nga pala si Stacy Castro at may maliit kaming tindahan sa tapat ng school ng kapatid ko. Swerte nga siguro kung tawagin na nakakuha kami ng pwesto dito. Ang hirap kaya. Maraming nag aagawan pero buti na lang at may kilala si mama kaya andito kami. Kaya nga lang walang kuryente. Sabi nung dating may-ari, di daw yun kailangan kasi wala namang pasok pag gabi. Hindi naman umangal si mama kasi baka ibigay sa iba. Pero sa mga panahong ganito, welcome na welcome talaga ang kuryente sa tindahan namin.
"Natraffic ka jan. Ang sabihin mo nakalimutan mo"
"Magdala ka kasi ng flashlight. At may ilaw naman sa tabi" pabulong kong sabi.
May ilaw sa katabing tindahan. Mas malaki kasi yung tindahan nila kaysa sa amin. At malakas kasi sila sa may ari. Pinsan ata ni Ate Delly yung landlady. Kaya yun may kuryente sila.
"Wag mo na ngang pagalitan yang si Stacy" biglang sulpot ni Ate Delly sa aking tabi. "Maliwanag pa naman"
"Oh kitams" banat ko naman.
"Buti ka nga nandito na ang tutulong sayo. Ewan ko ba kung saan nanaman sumusuot yung si Carlo"
"Yung pamangkin mo?" tanong ni mama.
"Oo. Ewan ko ba dun. Palagi nalang may dahilan. Kaya eto tuloy ang tagal naming maka sara ng tindahan."
"Okay lang yan ate Del. Sayang din naman ang kikitain ninyo diba kung maaga kayong magsasara"
"May ilaw naman kayo kaya wala kang problema" sabi ni mama.
5 minutes. Tiningnan ko yung relo ko at sabay ngiti. Bagong record na to. Nagawa kong isara ang tindahan sa loob lang nang limang minuto.
"Nababaliw na ata tong anak ko" nahuli ako ni mamang tumatawa na nakatingin sa relo.
Sasagot na sana ako nang biglang dumating si Carlo na may bitbit na kahon.
"Saan ka na naman galing! Bakit ngayon ka lang at ano yang dala mo?" pagalit na tanong ni ate Delly pagkakita niya ni Carlo.
Lagot na naman tong batang toh. 3rd year college na si Carlo. Magkasing edad lang naman kami pero mas matangkad siya at mas bata kung mag-isip. Iiyak siguro ang araw pag hindi napagalitan si Carlo ng tita niya. Ewan ko ba at araw araw nalang siyang ganyan.
"May dinaanan lang ako" mahinang sabi niya na lalong kinagalit ni Ate Delly.
"Bakit di ka na lang dumiretso dito pagkatapos ng klase mo?"
Hindi na umimik si Carlo at inabot na lang ang maliit na kahon na dala niya.
"Oh ano to? Mamon? Akala mo siguro madadala mo ako sa pamamon mamon mo?"
Biglang inabot ni ate Delly sa akin yung kahon. "Sayo na yan. Di naman ako kumakain ng mamon."
Wala na akong nasabi. Di ko naman kayang tanggihan. Baka ako pa mapagbuntungan nang galit nun. Free snacks din yun at saka paborito ko yata ang mamon.
Tiningnan ko si Carlo. Parang iiyak na ata yung tao kawawa naman. Di na siya nagsalita at niligpit na lang niya ang kanilang mga paninda. Hinayaan na lang niyang mag rat rat ang tita niya.
"Tara uwi na tayo" sabi ni mama. Napatingin na lang ako sa tindahan at umalis.