This is an original story.
People, places, names or events that are similar to others are purely coincidental.
All the matters written & shall be written are based either the product of the author's imagination or used in fictitious manner.
Sino ka? [OneShot]
written by: iHeartCupid ♡
All Rights Reserved | 2013
***
[ A/N: Before reading this story, please play the music at the right side ---> ]
Kasalukuyan nakataob ang ulo ko sa mga tuhod ko habang umiiyak sa may sulok ng school building. Uwian na kaya wala nang masyadong tao. At isa pa, ako lang yata ang palaging tumatambay sa sulok ng school na'to.
Ang tahimik ng lugar na'to. Kaya dito nga ako parating tumatambay lalong-lalo na kung malungkot ako gaya ngayon. Walang makakaalam na umiiyak ako.
Umiiyak pa rin ako. Nakakaewan na.
"Oh." inangat ko ang ulo ko para tingnan kung sino yung nagsalita.
Nasa harapan ko siya. Nakatayo at may iniabot sa'kin na panyo. Nang makita ko siya ay kumunot noo ko. Dala na rin ng pagtataka kung bakit niya ako inaabutan ng panyo eh hindi ko naman siya kilala.
Nagtataka pa rin ako kung bakit siya nandito. "Umiiyak ka na naman?" sabi niya sa'kin habang siya na mismo ang pumapahid ng mga luha gamit ang panyo niya dahil hindi ko tinanggap iyong panyo niya.
Ha? Bakit ganyan yung tanong niya? Alam niya kayang umiyak rin ako dito kahapon at yung mga nagdaang araw?
Hindi ko sinagot ang mga tanong niya dahil takang-taka pa rin ako. Ewan. Naguguluhan na ako. Parati na lang akong nagtataka dahil sa kanya. Hayst! Sino ba kasi 'yan?!
"H-Ha? S-Sino ka?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at umupo rin sa tabi ko. Nice talking. -__-! "Balita ko break na daw kayo? Hmm. So mahal mo pa rin pala siya?"
O__O Paano niya nalaman?
"H-Ha? S-Sino ka ba kasi? Paano mo alam 'yan?" nagtataka kong tanong. Hayst! Sino ka ba?!
"Alam mo kung ginago ka lang niya, kalimutan mo na siya. Sarili mo lang sinasaktan mo eh." ha? ano bang pinagsasabi nito. "Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundong 'to eh. Ang dami namang iba diyan, malay mo katabi mo lang pala hindi mo lang napapansin." -__-! Sino ba kasi 'tong lalaking 'to?
Napatigil ako sa pag-iyak dala na rin ng pagtataka. Tumingin ako sa kanya with *pokerface* "Ano bang pinagsasabi mo diyan?" tanong ko.
"Mabuti naman at hindi ka na umiiyak." ngumiti siya at huminga ng malalim. "Akala ko ba matalino ka? Tinagurian kang honor student tapos ganyan ka?" pagpapatuloy niya at sumeryoso yung mukha niya.
Ba't ang dami niyang alam tungkol sa'ken? T^T
"H-Ha?" hayst! Anebeyen? Ba't napakamisteryoso niya? Ang dami niyang sinasabi. "Ano bang kailangan mo? Para saan yang pinagsasabi mo?" tanong ko.
"Alam mo, tama nga siguro sabi nila. Kahit gaano ka pa katalino, pagdating sa pag-ibig nagiging tanga. Hmm. Alam mo? Okay lang naman kung iyakan mo siya ee, basta wag mo lang kalimutan na may tamang taong nakalaan para sayo."
"Ba't mo ba 'to sinasabi sa'kin ha?" ewan. Nakakalito na siya. Aish.
"Wala lang, gusto ko lang. Wala kasi akong makausap eh, may problema ba dun?" wow. -___-" finally, sinagot niya na rin yung isang tanong ko. So ganun? Trip niya lang? Tss. "So trip mo lang pala yang pinagsasabi mo? Tss, wala akong time para makipagbiruan sayo."
"Haha. Alam mo, ang laki na ng pinagbago mo. Mas gumanda ka lalo." ano raw? "Dati naaabot pa kita, ngayon hindi na. Dati, napaka-close natin sa isa't isa pero ngayon hindi na. Eh ang tagal na rin nating di nag-uusap nuh? Alam mo ba? Nung nalaman kong hindi tayo magiging classmate pagnag-highschool tayo, nalungkot ako. Dun ka na pala magha-highschool sa Canada. Naputol nga pati komunikasyon natin eh. Alam mo rin ba? Ang saya-saya ko dahil nabalitaan kong dito ka raw magco-college sa Pilipinas. Kaya nga dito ko naisipang mag-aral sa school na'to eh, alam ko kasing mag-aaral ka rin dito eh. Sa isip ko kasi nun, 'sa wakas, magkikita na rin tayo'." Ha? Sino ba kasi siya? Nakatingin lang ako sa kanya na may bahid ng pagtataka. Tumingin siya sa kisame at nagpatuloy. "Oo, ang saya ko dahil nagkita tayo. Ang sikat mo pala rito sa school na 'to. Pero ang lungkot ko dahil hindi mo 'ko nakilala. Kung dati nakakausap pa kita ngayon hindi na, hanggang pasulyap-sulyap na lang ako. Kinalimutan mo na pala ako. Hindi mo na ako kilala at ang masaklap pa... may iba ka na pa lang mahal."
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nakita kong may tumutulong luha rito. Ewan pero nasasaktan rin ako dahil umiiyak ka ng dahil lang sa akin. Eh sino ka ba kasi?
"Sino ka ba kasi? Wag ka namang umiyak oh." sabi ko.
Pinahiran niya ang luha niya at tumingin sa'ken ng diretso. "Hehe. Sorry ah kung ang corny ko. Mahal lang talaga kita."
"H-Ha? M-Mahal mo a-ako?! Sino ka ba kasi?"
"Sa wakas nasabi ko na rin." Tumayo na siya. Inangat ko naman ang ulo ko para makita siya. Ngumit siya sa'ken. "Oh." hinulog niya yung panyo niya at sinalo ko naman. "Hayaan mo balang araw, mahahanap mo rin ang taong nakalaan para sayo. At kung sino man ang maswerteng lalaking yun, umaasa pa rin ako na sana .. ako yun."
Bumilis yung pintig ng puso ko. Ewan. Ramdam kong parang seryoso siya sa pinagsasabi niya. O__O
Tumalikod na siya. "T-Teka? Sino ka ba kasi?" akmang lalakad na siya pero napatigil siya. Nakita kong ngumisi siya.
"Natatandaan mo pa ba yung kaklase mo simula pa nung pre-school hanggang grade school? Yung palagi mong katabi sa upuan, yung parati mong kasama tuwing breaktime yung palagi mong kakwentuhan kahit may klase pa kaya napapagalitan tayo ng teacher natin, yung tagapagtanggol mo tuwing may umaaway sayo at yung palagi mong kasabay pauwi? Natatandaan mo pa ba yung lalaking tinatawag mong 'Benji'?" huminto siya at nagpatuloy. "Ngayong college na tayo at sa loob ng maraming taong hindi nating pagkikita, natatandaan mo pa ba ako?"
Sumulyap siya sa'kin at huminga siya ng malalim. "Tsanga pala..
.. ako nga pala ang lihim na nagmamahal sayo simula pa nung bata pa tayo kahit ang sakit-sakit na."
- The End -
xx
iHeartCupid's Note:
Hi angels! Parang may pinanghuhugutan lang eh no? Dejoke lang. Ginawa ko lang po 'to kagabi dahil sa walang magawa. Hehe. Ano masasabi niyo? :))
Vote • Comment • Share • Follow