Prologue - King's POV

770 15 6
                                    

*Toot toot *Toot toot *Toot toot...

(malakas na tunog ng alarm clock)

Namulat ako, pero antok na antok pa talaga ako kaya pinatay ko muna ang alarm clock, at dahil ang lakas lakas ng tunog nito naihagis ko tuloy. Sabay balik ulit ako sa pagtulog.

Makaraan ang ilang oras...

Nagising ako..

"Holy shit! 9AM na..late na ako for school"

First day of school pa naman at First day ko din to as a College Student. Nagmamadali akong bumangon, as usual pagpunta ko sa kusina wala ng tao kundi ang aso ko. Maaga kasing umaalis ng bahay ang mga magulang ko dahil sa trabaho nila. Engineer ang Tatay ko at ang Nanay ko naman ay Manager ng isang Restaurant kaya alas-sais pa lang ng umaga ay umaalis na sila. Nag-iisang anak lang nila ako ngunit di gaya ng ibang "solong anak" hindi ako lumaki sa luho at hindi gaya ng ibang may kaya sa buhay, ang pamilya namin ay walang mga katulong.

Dahil nagmamadali na ako, diretso na ako sa pagligo, habang naglalakad patungo sa banyo ay dali-dali ko na ring hinuhubad ang mga saplot ko, hanggang brief na lang ang natira at ng makarating na ako sa shower ay hinubad ko na din at wala ng tinira (Naiimagine nyu ba? hehe).

Ang bilis ko lang matapos sa pagligo dahil nagmamadali at male-late na ako sa school. Nagtapis muna ako ng tuwalya at tumingin ako sa salamin.

"Gwapo naman ako, pero bakit ganun? Parang may kulang.."

Oo tama kayo "Gwapo" nga ako pero di katulad ng ibang gwapo di naman ako mahilig mag-ayos siguro dahil ako yung tipong easy-go lucky. Actually, kulot at mahabang hanggang batok ang buhok ko dahil buong summer ay hindi ako nagpagupit, para nga daw akong Santo Nino eh. Expressive daw ang mga mata ko, matangos ang ilong, matangkad at maputi, kaya nga "gatas" ang tawag sakin ng mga magulang at kaibigan ko. Di naman sa pagmamayabang pero sadyang madami talagang nagkakagusto sakin at kahit san ako pumunta ay pinagtitinginan ako.

Teka, nasabi ko na ba ang pangalan ko? haha

Ako nga pala si King De Dios, 16, pero hindi ako hari. Ang totoo nyan ay simpleng gwapo lang ako, tulad ng sinabi ko hindi ako mahilig mag-ayos kaya pagkatapos kong maligo at pagtingin ko sa salamin ay agad-agad na akong nagbihis. Sinuot ko ang paboritong blue long sleeve ko, pants, sneakers, relo at ang kwintas kong may hexagram na pendant.

Iba ako sa mga nasa isipan ng lahat na depinisyon ng gwapo, yung tipong maayos manamit, bihis na bihis, tumatambay sa ilong ang pabango at ang buhok himod na himod. Naniniwala kase ako na ang tunay na gwapo mag-ayos man o hindi ay gwapo pa rin.

Dahil sa pagmamadali ko hindi na ako nakakain ng agahan. Kinuha ko na agad ang aking bag at ang aking skateboard ready na para pumunta ng school.

Ano kayang nag-aabang sa akin sa first day ng school at first day as a college student? hmmmmmmmmm... anu't ano pa man siguradong magiging masaya 'to. :D

Sk8ter BoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon