Nandito nanaman ako..
Nakatago.
Pra mag karoon ng isa man lng stolen shot.
Hindi ako makapaniwala na magkakaganito ako.
Nagbago ako..
Para lang mapansin niya ako..
From a frog i turn myself into a prince.
Akala ko mapapansin niya ako..
Pero nagkamali ako..
Sana naman
Kahit isang beses man lang.
Sa akin matututok ang camerang palagi niyang dala
Minsan nga naisip ko
Sana ako nalang ang camerang yun..
Sana iniingatan niya rin ako..
Sana importante rin ako sa kanya katulad ng camera niya
Sana palagi ko siyang kasama
At sana hindi niya kayang mawala ako sa kanya..
Hay nakakakinis naman oh..
Huy..
Oo, ikaw na nagbabasa nito..
Na inlove kana.?
Kung wala pa..
Pwes wag kang magmadali..
Matulog ka rin ..
Sagarin mo na ang tulog mo..
Dahil pag inlove kana..
Wala na..
Kahit gustuhin mo mang matulog wala na..
Hindi ka makakatulog dahil sa kakaisip sa kanya..
Sa taong nagbatibok ng puso mo..
Potek ang mais ko..
Ako nga pala si
Marc Jeo Villanueva
The certified campus heartthrob..
Hindi lang nila alam na ang isang campus heartthrob na tulad ko..
Ay isang napakalaking TORPE..
Nandto ako sa playground ng elem. Building ng school namin..
Sinusundan ko ang babaeng palaging may hawak na camera..
Ang babaeng nagpatibok ng puso ko..
Palagi siyang nandito sa playground na ito..
Nakikipag laro sa mga bata..
Minsan kinukuhaan niya rin ito ng mga litrato..
Habang ako naman..
Dito lang sa isang sulok at palihim na kinukuhaan siya ng litrato..
Masaya ako kahit na malayo ako sa kanya..
Pero mas gusto kung makikila niya rin ako..
Tinignan ko siya..
Nandoon siya sa bandang seesaw pinapatahan ang batang umiiyak..
Ang cute niyang tignan..
Itinaas ko ang camera ko at kinuhaan siya ng litrato..
Laking gulat ko ng Makita kung nakatingin siya sa camera ko..
Pero hindi ko iyon pinahalata..
Tumayo ako.