Tulala lang ako habang nakahiga sa kama. Papalit-palit ako ng posisyon pero hindi ako makatulog. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga narinig kong sinabi ni Brian.
He already fall out of Love.
Kinagat ko ang labi ko. Napupuno ako ngaun nang panghihinahang at pagsisisi. Gusto kong magwala pero hindi ko magawa. Anung maitutulong nun sa sitwasyon ko ngaun?
Ngumite ako ng mapait. Ang daya. Napagiwanan ako.
Nagmahal.
Nasaktan.
Nanghinayang.
Ang tanga mo,Chris!
Tumayo ako sa kama pagkatapos ay binuksan ang internet, Agad kong sinearch ang pangalang Brian Thomas Fuentes doon. Iba’t-ibang articles agad ang nakita ko tungkol sa kanya. Isa-isa kong binuksan iyon. Alam kong sikat sya pero hindi ko akalain na ganito pala sya kakilala ng mga tao.
Binuksan ko ang isa sa mga blog na nakita kong nakadedicate sa kanya.
Tumambad agd sakin ang nakangiting mukha nya sa background.
Hi! Ako si Crisel! Number 1 fan talaga ako ng B4! Swear! Crush na Crush ko silang lahat, lalo na ung leader na si Brian Thomas Fuentes. Mayaman na, Gwapo pa! Ideal Boyfriend ko sya. On time, nasa mall kami ng mga friends ko, Nakita namin sya doon. Talagang nalaglag ang panga namin, Nilapitan namin sya tapos nakiusap na kung pwede kaming magpapicture kasama sya. Pumayag naman sya.
Iniscroll ko iyon pababa at nakita ko ang picture nila kasama si Brian. Kinagat ko ang labi ko. Napangiti ako ng hindi sinasadya.. Sa mga fans nya, ang bait-bait nya.. Loko talaga un.
Akala ko papaalisin na nya kami pero nagulat ako nung tinanung nya kami ng friend ko kung anu daw ba ang mas maganda sa dalawang singsing na hawak-hawak nya. Bigla akong kinilig! Kahit hindi para sakin ang singsing, pakiramdam ko ang swerte-swerte ng babaeng pagbibigyan nya noon!
Tumulo ang luha sa mata ko.
Nung tinanung ko sya kung para ba kanino. Nakangiti nya kaming binalingan, Ang sabi nya. “Para sa girlfriend ko. Regalo ko sa kanya. Malapit na ang monthsarry namin. ”
Ay! Grabe. Muntik na akong mapasipa sa kilig.
Hinawakan ko ang bibig ko dahil lumakas ang naging pag-iyak ko. Matamang bumalik sakin ang singsing na ibinigay nya. Ibinalik ko iyon ng mag-break kami.
Tinignan ko ang daliri ko. How I wish, suot ko padin un hanggang ngaun.
Sana talaga ako nalang ung babae, pero ok lang kahit hindi. Kasi, Pakiramdam ko masayang-masaya si Brian sa kanya. Sana nga sila na talaga eh. Lahat tayo hindi perpekto. Maging si brian ay hindi din, Mukha lang syang diyos sa kagwapuhan pero tao padin sya. Hehe. Seriously, Tao lang si Brian kaya sana kung meron syang mga imperfections ay mahalin din ito a kanya ng babaeng un. Pakiramdam ko mahal na mahal talaga sya ni Brian eh.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall Inlove
ЮморSi Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay not until there's Brian Thomas Fuentes, isang "DEVIL" ika nga iba. nagtagpo ang kanilang landas ng...