Prologue

15.6K 90 9
                                    

Tuluyan ng bumigay ang mga luha ko. Sunod-sunod ang mga mainit na butil ng luha sa pisngi ko.

Nang makita nila ako, bakas sa mga mukha nila ang gulat.

"Anak..." Tumayo nang sabi ni Tatay at sinubukan akong lapitan pero kusa na lang akong napahakbang paatras.

"Magsabi na kayo ng totoo." Pati ang boses ko ay hindi ko na nakilala.

Niyakap ko ang sarili ko, natatakot ako. Ayoko ng mga naaalala ko ngayon. Tama sila, tama lahat ng sinabi niya. Hindi lang ito basta-basta nakalimutan sa nagdaan na panahon, hindi naman talaga ako lumaki dito nang ipinanganak ako. Hindi ako ang inakala kong ako. Hindi nila ako totoong kapamilya. Lalong nag-unahang ang mga luha ko sa mga naaalala ko.

Sa bawat subok nilang hawakan ako, lalo lang akong napapa-atras. "Magsabi na kayo ng totoo... Ilang taon niyo na akong kinukulong sa mga kasinungalingan niyo..."

Alam ko naman hindi lang ako ang nasasaktan dito, pati sila ay nahihirapan sa sitwasyon na 'to. Alam ko rin na hindi nila inaasahan na marinig ko ang lahat ng ito ngayon, kahit na anong gawin kong pag-intindi sa mga nangyayari, walang pumapasok sa utak ko.

Kaya naman pala sa mga tanong na iisipin ko kung ano ba ako noong bata pa ako, wala akong maalala. Wala silang maipakitang picture ko noong baby pa lang ako, ni hindi ko alam kung tama pa ba ang birthday ko.

Masyadong mabilis ang mga nangyayari ngayon... This is the most unexpected thing in my life...



Edited (09-10-15)


Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon