Chapter 2

100 3 0
                                    

Chapter 2

Beth's POV

Bumalik na kami ni Paige sa kanya kanya naming classroom.  Hindi kasi kami magkaklase ni Paige kasi mas matalino siya ng KONTI sa akin.  Siya lang naman ang top 3 na student sa buong batch, at ako? Well.... nga pala, nakita niyo ba si Nixon lavey dovey ko?  Aish!  3 araw ko siyang di nakita.  Pahamak na championship yan.  Minsan ko na nga lang masulyapan si lavey davey eh.  At kanina, nakita ko nga kanina nawala naman bigla.  Hay buhay parang life.  Bakit ba kasi ang galing galing niya? Bakit ba kasi ang gwapo gwapo niya? Bakit ba kasi mahal ko siya at siya, di man lang ako kilala.

*yawns*  Ang boring naman ng lecture ni ma'am. Kung andito lang sana si Nixon eh di alert ako. 

Makatulog nga.  Hmmm. Asan na ba ang aklat kung yun.  Ayun!  *buklat buklat* Hay salamat. Di na ako mahahalata.

After 15 minutes...

"Oist.. Beth" may nag whi'whisper ata ng pangalan ko.  Ay tae naman oh!  Ang ganda na ng panaginip ko. Aish.

 "Bakit ba?"

 "Nagbabasa ka ba?"

 "Malamang.  Mukha ba akong nag co'concert dito?"  kung makatanong tung taong to parang sinasabing di ako marunong magbasa.

 "Baliktad kasi ang aklat mo."   aba at linakasan pa talaga ang boses..

 O_O

 Bumalik agad ang kaluluwa ko.  *mulat mulat*

˙ᴚoɥʇnɐ ƃu ɐʎɐƃɐʞ ǝɯosǝʍɐ ʎɐ oʇıu ɐsɐqɐʞɐɯ ƃu∀ 

Pakshet!  Ang tanga ko naman oh!  Nahalata kaya ni ma'am? Never pang pumalpak ang strategy ko ever since.   Lagot ako pag nahalata niya.  Kainis naman kasi tong walangyang classmate ko.  Masisira ang records ko nito pag nakatungtong ako sa ........

"Detention! Ms. Brown. After Class!"

O_O --------> T_____T

Nixon's POV

Mabuti na lang at excuse ang varsities sa klase.  Wala rin kasi akong ganang pumasok.  Kapagod.  Ilang araw rin kaya kaming nagpagod para sa championship- late umuwi, maagang pumapasok, at buong araw na nag pra'practice- iniisip ko pa lang napapagod na ako. *sigh*

*togsh* *togsh*  at habang naglalakad ako sa may hallway, may nakita akong babaeng inuuntog ang ulo sa pader.  Sakit nun ah.

"Ah miss, may problema ka ba?"

^__^  -----> Nixon

O_O ---------> Beth

"Ah .. .. eh... kasi... ako.. de-de-tention ..." Ang cute naman niya pag nabubulol.  Halatang kinakabahan.  Kawawa naman, takot siguro to sa detention.

"First time mo siguro." 

"Oo eh"  ay teka, hindi ko pa pala alam pangalan niya.

"Ako nga pala si Nixon."

"Ako naman si Elizabeth.  Beth for short."

"Nice to meet you Beth.  Gusto mo bang samahan kita?" ^______^

"N-naku wag na.  Naka'abala pa ako."

"Hindi ka nakaka'abala, wag kang mag'alala at wala rin naman kasi akong ginagawa kaya kung pwede samahan na lang kita."   >3<   hala sige, daanin sa pagpacute.

"P-pero di ka naman kasi pwedeng pumasok sa detention.  Hindi ka naman pinatawag,  hindi ba?"  O.o

"Hahahaha.  Hindi ah.  Good boy to.  Hindi naman ako kagaya ng iba dyan na gagawa ng kasalanan tapos i'uuntog muna ang ulo bago pumasok sa detention. Hahaha"  ^________^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon