High School,isa sa mga kabanata sa ating buhay na talagang tumatak sa ating isipan.Isang parte ng ating buhay na maraming memories na hindi pwedeng kalimutan.Dito natin unang natutunang magbulakbol,gumala kung saan-saan kasama ang mga baliw nating barkada at higit sa lahat,dito sa ating high school life unang naranasan ang ma in-love.Kaya nung nagkaroon ng Alumni ang aking beloved Alma Mater,hindi ko na pinalampas ang pumunta doon.Nagbabakasakaling muli ko siyang makita,ang aking first love.Ang babaeng minahal ko at mapa hanggang ngayon ay minamahal ko.
High school ako nung una ko siyang makilala,close friend ng kabarkada ko at the same time ay kaklase ko rin.Kaya ang nangyari,naging magkabarkada na rin kami,masaya ako dahil I have 1 school year na makasama siya pero sa kasamaang palad,1 year lng dahil graduating student na kami.Grabe lupet pumarma,kahit naka jeans,t-shirt at chucks lng siya ang ganda niya pa rin.Noong una barkada lng talaga ang tingin ko sa kanya,pero nung naging close kami doon na ako simulang nahulog sa kanya.Magkasama kami lagi at one time habang nagjajam kami ng barkada,tinanaong ako ng kaibigan ko kung kelan ko raw siya balak ligawan.
"Naku-naku,tropa lng to,baka nga babae pa type nito."sabi ko sa kanila.Tumawa lng sila at pati na rin siya ay nakitawa.Alam kong torpe ako at inaamin ko yun,ayaw ko lng naman kasi masira ang pagkakaibigan at closeness naming dalawa.Ok na sa akin na hanggang friends lng kami.Dumating ang month of Febuary,at ang ibig sabihin ng Pebrero ay Prom.Lahat kaming magkakabarkada ay sumali dito nagulat nga ako ng malaman kong may kadate siya sa gabing iyon.Sayang at hindi ako.Sa mismong araw ng Prom tumawag siya sa akin at sinabi kung pwede raw na ako na lng kapartner niya,nagkasakit kasi ang ka date niya.Sobrang saya ko nun,at sinabi ko sa sarili ko na perfect timing ang prom para aminin sa kanya ang feellings ko pero hanggang sa matapos ang gabi,wla akong nasabi o nabanggit sa kanya.Umiral ang pagkatorpe ko.Maraming beses kong ginustong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero palaging nangingibabaw ang takot at kaba ko.Takot sa magiging sagot niya.Umabot kami ng graduation na magkaibigan lng ang turingan pero naging memorable ito dahil sa mismong araw ng graduation ko napiling magtapat.Pagkatapos ng program,dumiretso ako sa kanya at sinabi ang lahat lahat na gusto kung sabihin mula pa noon.Hindi sya kumibo,tinignan niya lng ako at naramdaman kong parang isa ito sa mg awkward moment na mararamdaman mo.Nag-smile lng siya at umalis.
Mula noon,wla na kaming komyunikasyon.Isang bese nga nagkita kami sa isang kainan,hindi man lng niya ako pinansin,ni isang tango wla kong nakita galing sa kanya.Pagtungtong ko ng college,marami aking naging girlfriend pero sa lahat ng babae na nakarelasyon ko,ni isa wlang naka lamang sa nararamdaman ko para sa kanya.
Ngayon eto na ako,balik sa lugar kung saan ko siya nakilala,umaasang makita at makausap siya ulit.Hindi naman ako nabigo dahil andito nga siya ang babaeng matagal kong hinanap,ganun parin siya,walang kupas.Nilipitan ko siya at nginitian niya ako,Shit!eto na naman,muli naman akong nahuhulog sa kanya.Kakausapin ko na siya ng may biglang lumapit na bata at kinarga niya ito at pinakilala sa akin.
"Jarvis,anak ko pala."
Biglang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.Hindi naman pwedeng umiyak ako dun kaya nginitian ko na lng siya at umalis.
Hindi naman natin matatwag na duwag ang mga taong torpe,minsan nga mas matapang pa sila kesa sa mga taong open sa kanilang feelings,dahil ang isang torpe handang itago ang kanilang nararamdaman huwag lng masira ang tinatawag nilang pagkakaibigan.