Ella's POV
Bigla na lang siyang nawala na parang bula. Isang araw, di na niya ko chinachat.
Dati rati, kapag nago-online ako, bigla na lang siyang magchachat. Tapos mag-aasaran kami ng kung ano-ano. Pinaramdam niya sakin na espesyal ako sa kanya. Akala ko ako lang, wala nang iba.
Anyare? Ba't bigla na lang siyang tumigil sa pagchachat? Kung kailan nahulog na ako tsaka siya tumigil?
Boring ba akong kausap? Wala ba akong kwentang chatmate niya?
Siguro nga.
Di niya naman ako titigilan na i-chat kung di ako boring at walang kwenta diba?
Hanggang ngayon, umaasa pa ako. Masakit umasa, sabi nila, pero kahit masakit, titiisin ko basta makausap ko ulit siya.
Pero ayun. Wala pa rin. Kaya tinanggap ko na lang na wala na talaga.
One day, di ko na nakayanan. Nag-chat ako sa kanya.
Convo:
Me: Hi! Kumusta?
Siya: *seen*
Me: Famous mo naman! Nangse-seen ka na sakin :(((((
Siya: Wag mo nga akong istorbohin. May ginagawa ako.
Me: Ay sorry :( di ko naman kasi alam na may ginagawa ka. :(
Siya: Wag mo na kong ichachat ha? Baka makita to ng gf ko, mag-aaway na naman kami.At nag offline na siya. Halos gumuho yung mundo ko nun. Kaya pala di na nagparamdam. May girlfriend na.
Ang sakit. Pinaramdam niya sa akin na espesyal ako sa kanya. Tapos mababalitaan ko na may girlfriend na siya? Ang bilis ah. Ilang linggo na di kami nagchat, may girlfriend na? Ang sakit-sakit.
Pinaasa niya ako sa mga chat niya. Ang sabi niya, ako lang. Pero bakit?! Anong nangyari?!
Ayoko na ulit umasa. Natuto na ako. Kailangan ko na siyang kalimutan. Meron pa yung sakit sa puso ko. Kasi pinaasa niya lang ako. Ang tanga ko para paniwalaan yung mga sinasabi niya. Masakit, pero kailangan nang kalimutan.
BINABASA MO ANG
CHAT
Short StorySa bawat araw, oras, segundo, lagi kong chinecheck kung online ka. Sana ganon ka rin sakin. -Ella