Chapter 31: Quantum

60.8K 1.9K 178
                                    

Mindy's POV

Ang sakit sa feeling na kayo ang palaging magkasama pero ang puso't isip niya nasa iba. Nasasaktan ako sa tuwing magkasama kami ni Caleb. Alam kong kaibigan lamang ang tingin niya sa akin samantalang ako mahal ko na siya.

Hindi ko lang pinapahalata na nasasaktan ako dahil wala naman akong karapatan dahil isang kaibigan lang naman ako na nagpapanggap bilang girlfriend niya.

Sino ba naman kasing tao ang hindi mai-inlove sa isang tao na tulad ni Caleb. Siya ang tipo ng lalaki na kapag malungkot ka kaya ka niyang pasayahin. Handa din siyang makinig sa lahat ng kadramahan mo sa buhay.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit humingi siya ng favor at 'yon ay ang magpanggap na may relasyon kaming dalawa kahit na ang totoo ay wala talaga.

Ayaw niyang mahalata ni Ate Avery na mahal siya ni Caleb dahil takot siyang mawala ang frienship nila dahil lang mahal niya si Avery.

Bata palang daw sila may pagtingin na siya kay Ate Avery. Paano ba naman palagi silang magkasama at magkalaro noon. Sobrang kumportable na nila sa isa't-isa na pwede mong pagkamalan na may relasyon sila pero ang totoo ay magkaibigan lamang sila.

Sobrang mahal na mahal niya si Ate Avery, samantalang ako naman ay mahal na mahal si Caleb.. Pareho kaming nagmamahal ng palihim sa taong dapat ay kaibigan lang.

Paano ba matutunan na huwag lumagpas ang nararamdaman sa isang tao kung nasanay kana sa presesnya niya na hahanap-hanapin mo. Mahirap kasing masanay sa isang bagay na wala naman kasing kasiguraduhan.

Sobrang selfish niya dahil sarili niya lang ang iniisip niya. Paano naman ako? Paano naman ang taong nagmamahal sa kanya ng palihim? Kahit na masakit dahil may mahal siyang iba sinusuportahan ko parin siya. Ganyan talaga, KAIBIGAN LANG NAMA AKO.

Lahat ng sweet moments namin ay isang malaking kasinungalingan lamang sa mata ng mga tao.

Sa tuwing kasama namin si Ate Avery parang nakakalimutan na niya ako. Nakakalimutan niya na kasama ako kasi sobrang saya niya kapag nakikita niya si Ate Avery.

Oo nga naman, isa lang naman akong kaibigan at si Avery ang mahal niya kaya wala akong karapatan. Pero pwede naman siguro magselos diba? Lalo na't may nararamdaman ka isang tao.

Ang hirap magpigil ng selos dahil ramdam mong sasabog ka sa sakit na nararamdaman mo habang wala ka magawa kundi ang maging masaya sa harapan nila.

Si Caleb kahit na magkaibigan lamang kami ay napaka protective niya sakin pero mas protective siya kay Ate Avery na kahit ata lamok ay ayaw niyang malapat si Avery.

Humugot ako ng malalim na hininga at kumatok sa pinto ng bahay nina Ate Avery. Gusto kong mag sorry dahil nagsinungaling kami ni Caleb. Sobrang nagsisisi talaga ako kasi pinagmukha naming tanga si Avery sa paniniwala na kami talaga ni Caleb.

Kahit na nagseselos ako sa kanya pinsan ko parin siya at wala siyang kasalan kung bakit nasasaktan ako.

Kasalanan ko dahil alam ko na hindi pwede pero umasa parin ako na baka sakaling magustuhan ako ni Caleb.

Bumukas ang pinto at nanlaki ang mata ko ng sumalubong sa akin ang lalaking mahal ko na may mahal na iba.

"Nasaan si Ate Avery?" tanong ko habang iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Hindi ko makayanang salubungin ang tingin niya dahil nanghihina ako. Gusto kong magmakaawa na sana ako nalang pero hindi ako isang desperada para mahalin lang. Okay lang na hanggang dito nalang dahil alam kong wala talagang pag-asa.

Sapat na sa akin na naging kaibigan ko siya at naging masaya ako sa kanya.

"Mindy."

"What are you doing here?" tanong niya at hinawakan ang braso ko na agad ko namang inalis.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon