Anxa

36 4 0
                                    

10 days bago ang final exam namin...

Anxa's POV

"SAMPUNG ARAW NALANG!!!" napatayo at napasigaw ang kaibigan kong si Dero samin sa loob ng canteen

Nagsitinginan ang mga tao samin sa loob ng canteen

"Hehe sorry po" paumanhin ni Dero

"Anxa, sampung araw nalang at matatapos na 'tong mga masasayang araw natin dito sa PAC U" sabi samin ni Nin

(A/N: PAC U stands for Philippine Athletic Commercial University, Pacman University kase talaga yan kaso di ako fan ng boxin hehe

"Alam ko Nin, sampung araw nalang pero di ko parin naaamin kay Marco" sabi ko sa kanila

"UMAMIN KANA!!!" sigaw nilang dalawa sakin

At pinagtinginan ulit kaming tatlo sa loob ng canteen

"Sorry po" sabi nilang dalawa sa mga tao

"Hays, bahala na"

9 days bago ang final exam namin...

Pagpasok na pagpasok ko ng room hinatak kagad ako nila ng palabas sa room, ni hindi ko pa nga nabababa bag ko -_-

"Ano na!?" tanong ni Dero

"Sandali lang nga! Bakit ba kasi ako yung aamin??? Babae ako tas aamin ako sa kanya???"

"*deep breath* Anxa... paalala lang namin sayo ni Dero yung mga bagay na nakakalimutan mo... Una, 6 years kanang may gusto kay Marco..." sabi ni Nin

"Pangalawa, may gusto na siya sa iba at hanggang ngayon bilang bestfriend niya di mo parin nasasabi sa kanya yung matagal mo nang nararamdaman sa kanya" dugtong ni Dero

"At pangatlo, lalayo ka ng di niya alam at di niya pansin tulad ng ginawa mo noon kay Loke" dugtong ni Nin

"Bahala na" sabi ko at pumasok na sa room

8 days before the final exam...

Pagkatapos naming mag flag ceremony nahuli akong umakyat dahil nagsintas pako ng sapatos ko. Pero nung paakyat nako sa hagdanan bigla nalang akong nadapa at lumanding yung mukha ko sa isang papel sa may sahig

"Aray!" bumangon kagad ako at hinawakan yung noo ko, napansin kong may naka sulat dun sa papel na nilandingan ng mukha ko

'Ang tagal tagal na nun tas ngayon mo lang sinabi sakin! DAMN YOU if you just know before that I also have some feelings for you pero ba't ngayon mo lang inamin kung kelan meron nakong iba tapos sa chat pa'

Damn this paper!!!!!

Tinapon ko kagad yung papel kung saan pero pinagisip ako ng malalim ng maliit na papel na yun

7 days before the final exam...

Napagisip-isip ko na sasabihin ko na ka Marco ang totoo

Pagpasok ko di ko nakita si Marco

"Asan si Marco?" tanong ko kay Dero

"Absent, nagluluksa kasi bumaba yung rank niya ng sabay sa mobile legends at league of legends. From Elite II to Warrior III at from Platinum III to Silver IV" sabi ni Dero

Eto nanaman si Marco with his gamer side, hays kung kailan nako aamin eh

6 days before the final exam...

Pumasok na si Marco kaso di siya makausap ng matino at tulala lang siya dahil parin sa pagkatalo niya sa laro, hays nako naman talaga Marco

5 days before the final exam...

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon