My Bestfriend's Rant. [oneshot]

944 36 31
                                    

"Kape, gusto mo?" ^___^

"Sigeee."    =33

"Wag naaaa.. Eto oh! Chuckie.. Mas bagay sayo."   >=D

 Nakingiti kong ipinasa sa kanya ang malamig na malamig na chuckie. Syempre, espesyal to kasi binili ko pa talaga to sa loob ng grocery store. Habang ako naman.. heto.. pastarbucks-starbucks macchiato lang,

LIKE A BOSS. ^_~ .V.

Ay, oo nga pala. Ako pala si Khian, 12 years old X 2, at isang  team leader ng isang Call Center Agency. Nakatambay ako ngayon sa isang parke kasama ang isa sa pinaka-importanteng babae sa buhay ko...

ang aking BESTFRIEND.

"Ki? Weird ba ako??"

Sabi ni Eunice habang nakatingin sa akin at nakakurbang pababa pa ang kanyang kulay pink na labi. Tumahimik lang ako at inikot-ikot ang kape ko. Mukha kasing may problema na naman. Mahaba-habang usapan na naman to. Tsk. ---___---

"Hindi ko talaga maintindihan, bestfriend! Ba't ba ang weird ko??? Mukha naman talaga akong babae ah. Dalagang dalaga na ako, di ba?"

At talagang umikot at umikot siya sa harap ko na parang bang isang balerina. Ay, mali. Feeling balerina lang pala. Muntikan kasing matapilok. Buti na lang nahawakan ko. Hahaha.

"Ki, gumanda na ako di ba? Di na kaya ako katulad nung highschool na parang si Judy Abott lang kung makapagdamit. Tignan mo nga ako mula ulo hanggang paa, left-to-right, front to back! Isa na akong dalagang marunong mag.Make-up,magsuot ng mataas na highheel na sapatos. (redundant lang) at manamit na hindi nagmumukhang tanga NOH! Heto nga't may bangs ako oh kasi sabi mo bagay sa'kin yung Korean hairstyle. Pero ba't parang ang pangit ko pa rin sa harap ng mga tao?" >__< 

Ayon at nagsimula na naman siya. Siyempre, tuwing may problema siya. Sa'kin nya lahat lahat ibinubuhos. Parang granada lang yung mga binabato niya na sinasalo ko naman. Kailangan magsacrifice kasi... Yan napapala niyo pag ang pagbestfriend niyo babae. Kailangan mong magtiis, mapagaan mo lang ang loob nila para naman IWAS DRAMA. ;D 

Sa totoo lang, nung sinasabi niya ang mga salitang yun sa harap ko, gusto ko na talagang matawa pero pinigilan ko lang. Ayon, ang kalabasan pilit na ngiti. Mahirap na, baka makatikim ako ng sandamakmak na batok. XD Hay naku, naalala ko tuloy yung nakaraan namin.

OOOOPsss..

Mali kayo ng iniisip ah. Yung tinutukoy kong nakaraan eh yung childhood memories namin. Magbestfriend lang talaga kami. PERIOD.. ^^,

Sa sobrang pagsasama kasi namin eh halos nagkakapalit na kami ng mukha. Mantakin niyo, bukod kasi sa duplex yung bahay namin ay pareho pa kami ng school mula elementary hanggang college. At eto nga ngayon, magkatabi pa kami ng lugar na pinagtatrabahuan.

Sobrang adik lang diba? hehehe..

Pero sa taon ng pagsasama namin, di ko talaga namalayan na dalaga na nga pala talaga siya. Di ko man lang napansin na mula sa pagiging uhoging bata niya nuon ay magiging mala-prinsesa na siya kung gumalaw ngayon. Bakit nga ba ngayon ko lang napansin? Eh siguro kasi bestpren ko siya kaya wala lang sa'kin ang mga pagbabago niya.. o baka kasi di ko lang talaga makita siya sa ibang anggulo.. o baka naman.. 

BULAG TALAGA AKO..   o_O                                                     joke.  ^^,=   .V..

Noon kasi, pareho naming idol si Peter Pan, ang lalake at lumilipad na version ni Dora. weeeh XD Ayaw naming tumanda kasi. Parang napakahirap yata ang maging matanda. Ang daming responsibilidad. Ang daming dapat gawin pero di talaga to maiiwasan. Kaya kasabay ng pagtanda namin, nadagdagan ding ang mga stressors sa buhay. 

My Bestfriend's Rant. [oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon