Pangarap

13 2 0
                                    

Eros Nathaniel Jimenez. Pangalan pa lang ang gwapo na. Juk. Hahaha pangalan yan ng boyfriend ko :) Isa siyang hindi masyadong sikat na athlete at basketball ang sports nya.

Swerte. Swerte ako sa kanya kase napaka loving niyang lalaki, caring at loyal. Ako rin syempre ganun din sa kanya. Hihi dapat kase pantay kayo para maging successful ang relationship nyo.

Well, dahil hindi nga sya masyadong sikat na athlete, kailangan niyang magpursigi. Praktis dito, praktis doon. Training rito at doon. Pero may time pa rin naman kami sa isa't isa. Time management kase ang meron siya.

Pero isang araw, sa puspusang training ang ginagawa niya, nawawalan na ng time sakin. Kase kung meron man, time niya yun para makapagpahinga naman siya.

Naalala ko nga, kakatapos niya lang magtraining nun. So pinuntahan ko kaagad siya. Kinumusta at nagtanong ng kung ano ano.

"Nathan! Kumusta na? Nakuuuu pawis na pawis ka nanaman. Dapat magpunas ka palagi ha? Uminom ng tubig okayyy?"

"...." - Nathan

Naintindihan ko na wala siyang sinagot eh kase pagod nga. So..

"Uy alam mo ba kanina? Tae masyado yung nangyari sakin kasi---"

"P*TA NAMAN KIARA! PWEDE BA?! PAGOD AKO! DADA KA NANG DADA DYAN! NAKAKARINDI!"

Pagkatapos nun walk out agad. Hays pero okay lang naman kase nga pagod yung tao eh. Ganun din naman ako pag pagod ako. Diba ganun rin kayo?

So kinabukasan, bumawi ako sa kanya. Nandun ako sa praktis nila at ako nagbibigay ng tubig sa kanya para di na siya magalit sakin. Hays.

Natapos na yung praktis nila kaya lumapit agad siya sakin. Kinuha agad niya yung bag niya.

"Nathan... Hatid mo ko please? *3* gabi na kasi eee."

"Kiara, didiretso na ko sa bahay. Please lang pagod na ko e. Kailangan ko nang magpahinga."

Nag puppy eyes pa ko ng grabe sa kanya.

"Please Naaaate? *3* please please plea--"

"BAHALA KA NA DYAN! BWISIT KA UMUWI KA MAG ISA MO!"

Ang sakit naman nun. Hays. Ihahatid lang naman ako e :/ pero okay lang. Hihihihi minsan lang ituuu minsan lang siya mag ganyan kaya tiisin nalang.

Ilang araw nang praktis nang praktis si Nathan para maging magaling na atleta na sya. Minsan nga hindi na kami nagkikita sa loob ng eskwelahan e. Ayaw niya daw magpa distorbo.

Dumating yung araw na may competition sila. At bilang girlfriend, sinuportahan ko siya ng grabe. Proud na proud ako kay Nathan kase ang galing galing na nya. Grabe panalo pa sila.

"Nathaaaaan!! Omg congratssss ang galing galing moooo!"

Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako. Awweee namiss ko yung sweet side niya hihi.

Nagcelebrate sila ng team niya at after nun, kami naman ang nagcelebrate. Grabe worth it yung puspusang training nila.
Em so prawdddd *3*

Pero bigla nalang...

"Kiara, may sasabihin ako..."

"Ano yun Nate ko? *3*"

Napakamot siya sa ulo niya. Parang nag aalangan siyang sabihin ang gusto niyang sabihin.

"Ano kase... Sabi ni coach na grabe daw yung improvement ko. Tas sabi niya... pwede na daw ako pang International at syempre---"

"Nathan wag kang aalis please." Nagsimula na kong malungkot nun.

"Kiara napakalaking opprtunity na yun! Makakakuha na ko ng libreng pag aaral tapos sisikat pa!"

Nagsimula nang tumulo ang luha ko.

"Pero Nathan! Nathan.. maiiwan mo kasi ako.. wag please?"

"Kiara naman, alam mo namang pangarap ko yun e! Kiara pinaghirapan ko yun! Wag ka namang maging tutol sa pangarap mo please? Wag namang selfish!"

"Hindi ako selfish! Ayoko lang na malayo ka sa akin! Yang pangarap mo ang makakasira sa relasyon natin! Nang dahil dyan baka masira yung pinagsamahan natin!"

Nagsisigawan na kami. Pero may sinabi siyang nakapatulala sakin.

"Ikaw! Ikaw naman kase yung distorbo! Distorbo ka sa pangarap ko. Matagal ko nang hinahangad yun e! Pabigat ka! Mas ayos nang i-grab ko na yubg opportunity kase minsan lang yon! Eh ikaw?! Marami pang babae dyan!"

Nagsimula na kong humagulgol. Hindi na ko makahinga. Pero ang mas nakapagpaiyak sakin? Iyong iniwan niya ko sa pinagkakainan namin. Walk out siya. Wala na. Wala na kami. Mas pinili niya ang kanyang pangarap niya.

*After 6 years*

Nathan's POV

Yung buhay ko rito sa America? Ayun hayahay na. Mayaman na ko. Isa na rin akong sikat na basketball player. Nakamit ko na rin. Nakamit ko na ang pangarap ko. Pero may kulang e.

Nitong mga nakaraang araw parang nawawala wala ako sa sarili ko kase may kulang talaga. Namimiss ko na yung mahal kong babae. Yung babaeng dahilan kung bakit ako nandito sa America at yung dahilan kung bakit ako isang sikat at magaling na basketball player. Kiara Lorealle Joran. Kumusta ka na kaya?

"Jimenez! Ayus ayusin mo nga yang laro mo! Baka gusto mong paalisin ka dito dahil diyan sa pinanggagawa mo?!"

Huh. Okay lang na paalisin nyo ko rito. Kulang ako pag nandito ako e.

Inayos ko ang sarili ko. Ni ready ko rin ang sarili ko sa pagbalik sa Pilipinas. Ready na ba ko makita sya? Sana... sana may pag asa pa.

"Manila, Philippines. Time check 7:48 am." Narinig kong sabi ng speaker sa airplane. Lol hahaha.

Jetlaaaaag. Ugh ang sakit ng ulo ko. Pero nawala ang sakit ng ulo ko nung may nakita kong isang pigura ng babae. Nakapa pamilyar.

Medyo nilapitan ko siya. At... Naiyak ako sa nakita ko..

Kiara... Mahal ko.. Nagkita na rin kita..

Niyakap ko siya mula sa kanyang likod. Umaalog na ang balikat ko. Humahagulgol na.

Prinsesa ko. Namimiss kita...

Nagulat ata siya sa ginawa ko kaya natulak niya ko.

"N-N-Nathan??"

"Kiara!!" At niyakap ko siya.
"Kiara. Miss na miss kita. Sorry sa mga ginawa ko. Sorry dahil iniwan kita dahil sa pangarap ko. Pero nung pagpunta ko sa America kulang eh. Kulang kasi wala ka. Wala akong inspirasyon. Kaya napagdesisyonan kong bumalik rito. Bumalik... sayo.. Kiara tayo---"

"Ah pare, pwede ba malayu layuan mo yung asawa ko?"

Asawa ko..

Asawa ko..

Asawa ko..

At humagulhol nanaman ako. Pero dahil na ito sa lungkot at sakit. Huli na ko..

"Karlo, sandali lang ah. Kakausapin ko lang si Nathan."

At lumayo kami konti.

"Nathan... Wala na e. Huli ka na. Kung napaaga ka, babalik ako sayo pero pinush mo talaga yang pangarap mo eh. Pero salamat, salamat sa pang iiwan mo sakin. Kasi dahil sa pagtupad mo sa pangarap mo, naabot ko rin ang pangarap ko. Ang pangarap kong lalaki at yun ay si Karlos. Inuuna niya ko sa lahat. Ako ang priority niya. Hindi niya ko ini etsapwera lang. Kung tinuring mo man akong prinsesa, tinuring niya kong reyna. Kaya salamat Karlos. Salamat sa pangarap mo dahil nakuha ko ang pangarap ko."

Niyakap niya ko. Kahit anong pigil ko sa mga luha ko pero para bang may sarili silang buhay at kusang pumapatak na lamang.

"Ah siyanga pala Nathan. Asawa ko si Karlos at nasa airport kami ngayon para sa... Honeymoon namin. Mauna na kami ah? Mag iingat ka :)"

Ako dapat Kiara eh. Ako dapat ang kasama mo ngayon. Ako dapat ang asawa mo ngayon. Pero wala e, nagkamali ako. Hindi pala ang pagiging sikat at magaling na basketball player ang pangarap ko.

Ikaw ang pangarap ko Kiara. Ang Pangarap ko'y ikaw.

*WAKAS*

PangarapWhere stories live. Discover now