Nagsimula sa asaran na 'di ko alam kung gaano katagal.
Mga salitang naglaro sa aking isipan ng kaytagal-tagal,
Ngayon, sa wakas, ikaw ay abot kamay na
Pangako, mahal, sa piling mo ako ay magtatagal.Ngunit mahal, ano nangyari sa iyong pangako?
Mga pangako mong isa-isa ng napapako.
Tila isang ihip ng hangin, isipan mo'y biglang nagbago,
Totoo ba ito o isang laro-laro lang para sayo?Pinatawa, pinaiyak sa mga biro mong walang katapat
Naniwala, nagtiwala na sa piling ko'y ika'y karapat-dapat.
Ngunit, ano ito? Nakita ko harap-harapan sa iba ikaw ay nagtapat
Pagtatapat ng pag-ibig na kahit sino man hindi nararapat.Ngayon, magwawakas ang mga salita't pangako mong puro biro lang.
Patawad, kung bigla ako naniwala sa mga salita mong paikot-ikot lamang.
Paikot-ikot sa buhay kong nagmistulang katatawanan
Isang biro lang pala sana nakitawa na lang ako para hindi gaanong nasaktan.
Hanggang sa muli, mahal sana sa susunod hindi na ito mag mistulang biro lang.