- SOPHIA'S POV -
Ang sama ng amoy ng wine. Ordinaryong wine lang iyon, pero bigla na lang umikot ang sikmura ko.
Lumabas na ko ng cubicle at doon ko nakita si Tanya na naghihintay sa akin.
"Oh? Ayos ka na ba?" Alala niyang sabi. "Heto tissue.."
Tinanggap ko ang tissue niya at pinunas ko agad sa aking bibig. "Medyo nanghihina ako at---"
"Nahihilo?"
Pareho kaming natigilan.
Sh*t! Bigla kong naalala na may nangyari pala sa amin ni Raven kagabi. Hindi, imposible.. Wag naman sana..
"H-Hindi.." Pagsisinungaling ko.
Mukhang ayaw pang maniwala sa akin ni Tanya. "Seryoso?"
Tumango ako. "Okay na ko, salamat.."
"Sige.. Pero may gusto akong malaman about you and Raven. Kayo na bang dalawa?"
Napalunok ako at agad bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
"Uhm.. Sikreto ang relasyon naming dalawa. Ako may kagustuhan na maging lihim muna ang lahat."
"Alam mo? Kung iniisip mo na maraming hahadlang sa inyong dalawa, at mahal ka talaga ni Raven, ipaglalaban ka niya. Magtiwala ka."
Nginitian ko siya ng pilit. "Salamat, pero pinaghihinaan ako ng loob."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Don't be.. Balang araw magagawa mo rin siyang ipaglaban."
Paglabas namin ng cr ni Tanya ay agad akong nilapitan ni Raven na ikinagulat ko.
"Damn! You look pale. Iuuwi na kita."
"Much better. Sige na para makapagpahinga na si Sophia." Sabat ni Tanya.
Pagkatapos naming makapagpaalam ay umalis na kami ni Raven sa reception. Habang nasa biyahe ay deretso lang ang tuon ko, hindi ako makaimik dahil pakiramdam ko ay may something na hindi maganda sa akin.
Hindi pwede at wag sanang mangyari ang iniisip kung bakit ako nagkaganun kanina.
"Kung masama pa pakiramdam mo, iuuwi muna kita sa bahay I just want to make sure that you're okay."
Napabaling ang tingin ko sa kaniya. "Hindi na, kaya ko na sarili ko. Siguro may nakain lang ako ng hindi maganda. Pasensiya na."
Napababa ang tingin nang hawakan niya ang aking kamay. "If that so? Kaso hindi ako mapapanatag. Bukas na lang kita iuuwi, rest yourself first, gigisingin na lang kita mamaya."
Wala na kong nagawa pa kaya napatango na lang ako at sandaling umidlip.
Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog, pero pakiramdam ko ay may bumubuhat sa akin at sa pagdilat ko ay saktong ihihiga na ako ng marahan ni Raven sa kama.
"Sorry if I wake you up."
"Hindi. Ayos lang.." Sabi ko saka ko siyang nginitian.
"Matulog ka ulit, magshashower lang ako." Aniya sabay halik niya sa aking noo.
Kunwari akong nagtulog-tulugan. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kaniyang banyo kaya bumalikwas ako. Muli kong ginala ang paningin ko dito sa kwarto niya. Ngayon ko lang napansin na kasing laki ng kwarto niya ang apartment na tinutuluyan ko.
BINABASA MO ANG
All Yours Are Mine [TGKS#2]
RomansaIsang di kilalang babae ang naka-One Night Stand ni Raven mula sa mga One Night Girl Models sa isang bar. And because of his addiction. Akala niya ay ang Ex-Girlfriend niyang si Monique ang katalik niya. After that, he awake without the girl beside...