KATH
Late akong nagising!!! Naman oh! Grabe 4 na nang madaling araw ako nakatulog dahil sa bwisit na lalaking yun. Ayoko na syang isipin. Kung pwede lang magka amnesia o kaya mareformat 'tong utak ko. Edi sana di ako nasasaktan ng ganto ngayon. Hays. By the way, 3 na nang hapon. Kaya bukas nako papasok. Wala na akong choice eh.
Andito lang ako sa sala namin. Kumakain habang nanunood ng Mr. Bean. Yes, Mr.Bean. kahit ang tanda ko na hindi parin ako nagsasawang panuorin 'to. Siguro kahit uugod ugod na ako ito parin pinapanuod ko. Hahaha. Natigil ako sa kakaisip ng biglang tumunog yung phone ko. Kaya agad ko namang kinuha para tignan kung sino yung tumatawag. Si juls kaya agad kong sinagot tyaka 5 na nang hapon im sure uwian na.
(On phone)
"Ops? Napatawag ka?" Tanong ko sakanya.
"At bakit ka absent babaita?!" Nilayo ko yung phone ko sa tenga ko. Jusko. Hindi naman to naka speaker. Ang lakas talaga ng boses neto.
"Aray. Makasigaw naman to oh"
"Ay sorry" tumawa naman sya sa kabilang linya and then for the second time she asked me again. "Bakit nga kasi hindi ka pumasok? Alam mo bang namili na sila ng mga magpartner para sa Prom. Hindi muna sinama yung mga absent." Like wth. Lagi nalang ba wrong timing? Nakakainis na ah.
"Sinong partner mo?" Kahit alam ko na yung sagot syempre kailangan ko maging sure. Lalo na magkaiba sila ng classroom.
"Syempre si diego. Botong boto kaya samin yung adviser nila. Hahahaha." Sabagay. 20plus palang kasi yung age nung adciser nila diego. So parang kinikilig din sa magcouple. Hahaha.
"Sabi ko nga. Pero pano naman yung isang girl at isang boy sa section natin at sakanila? Mag sswap nalang?"
"Yep. Nagulat nga ako eh. Hindi partner ni dj si zharm."
"Bakit naman daw?"
"Ewan ko ba. Nakipagswap nga rin sya eh. Alam mo yung kalaban nila dj sa basketball? Yung varsity din. Yung gwapo."
"Ah oo si albie. Yun yung partner nya?"
"Oo. Gosh ang landi talaga nya. Nagulat nga si dj kanina na biglang sinabi ni zharm na si albie nalang partner nya eh." Grabe pala sya. Nakay dj na kaya lahat. Yung pagka loyal lang talaga hindi.
"Eh pano naman yung samin? 17 yung girls 18 yung boys. Sobra yung boys."
"Baka hahanap nalang sa ibang section."
"Sino mga absent kanina?"
"Kayo ni ryan."
"Huh?! So dont tell me.." Wt. Sya yung dakilang nerd samin. Yung naglalaway dahil sa braces nya. Para syang abnormal pero mabait naman sya. Ayoko lang talaga yung di malinis sa sarili. Sino ba namang may gusto sa ganun? At lulubog lilitaw sya klase. Absengero paaaaa.
"Teka kasi hindi pa ako tapos. Si daniel wala paring partner. Nag cutting kasi sya eh. Nabadtrip siguro sa ginawa ni zharm. Nagwalk out nalang bigla" kumirot naman yung puso ko sa kwinento ni juls. Pero hinayaan ko nalang. Masasanay din ako. "Baka pagpipiliin kayo ni maam kung sino gusto nyong makapartner"
"Pwede bang maki swap narin ako sa ibang section?" Kasi wala talaga akong gustong makapartner sakanilang dalawa.
"Hindi na pwede eh."
"Ay ganun ba." Sabi ko sakanya ng walang kagana ganang sagot. Kainis naman.
"So sino pipiliin mo??" Excited na tanong ni juls.
"Si Ryan nalang siguro. Titiisin ko nalang."
"Tindi mo bes. Talagang yun pa pinili mo para hindi makapartner si dj ha"
"Oo naman. Baka mas lalo lang ako himdi makamove on. Mahirap na."
"Makakamoved on karin. Tiwala lang. Sige na kath. I need to take a bath. My dinner kasi kami ng family ni diegs" hays naalala ko nanaman yung deal namin. Successful naman dahil sila na. Nagflflashback mga memories namin. Hays. Hirap talaga nang ganto. Nakakapang hina.
"Uyyy. Sige sige. Ingat kayo. Enjoy"
"Byee" pinatay na nya.
I miss him.. I miss his tight hugs, his smile, his voice ,his scent ,his soft hand and everything about him. Ako yung nang iwan pero ako yung nasasaktan nang todo. Pero may dahilan kasi ako eh. Mahal ko sya ng sobrang sobra pero hindi ko na kaya. Sabi nga nila, pag ang sinulid nagkabuhol buhol at wala ng pag asang maayos kailangan nang putulin.
--
Hi guyssss Sorry sa late update. Sobrang busy e. Please support and spread this story. Thankie.
BINABASA MO ANG
Right Person at the Wrong Time.
FanfictionThey say, if you are ready to love you should be ready to get hurt. What if, one day everything has changed? Kakayanin kaya nina Kathryn at Daniel ang malaking pagsubok na dadating sa buhay nila? Kakayanin kaya ni Kathryn makita ang pinakamamaha...