Wonwoo
Movie marathon daw kami mga hinayupak tong mga to, gusto nanaman panuorin yung conjuring 2 eh yun kaya yung pinanuod namin 5 years ago sa bahay nila mingming. Ilang beses ko na yang napanuod, halos memorize ko na nga ata mga linya nila dun eh.
"Iba naman!" pag rereklamo ko.
"Hindi pa nga namin to napapanuod eh!" Napakunot ako sa sinabi ni Soonyoung. Mukhang ngang hindi niya pa napapanuod, liit liit kasi ng mata jusko.
"Eh diba ito yung pinanuod natin sa bahay nila Mingming 5 years ago?! Mga hayup"
"Eh ito na nga lang ulit panuorin natin! Nakakamiss yung mamaw dito eh." tsk. Fine. Wala akong nagawa kundi makinuod na lang rin.
"Hindi ba natin tatawagin sila Mingming?"
"Shhh! Ang ingay naman."
"Ano ba yan ang ingay"
"Hoy tahimik nga kayo."
Nag salita lang ako, hindi na sila tumigil kakasalita. Mukhang mag papatayan pa nga sila kung hindi sila tatahimik. Jusko talaga tong mga to.
Tatayo na sana ako para ako nalang mag r-ready para sa bonfire namin mamaya pero hinila ako ni Mingyu.
"Kamusta yung kambal natin?" natawa ako sa tanong niya. Tangina mukha talaga kaming mag asawa na may anak.
"Nilagay ko sila sa isang basket, tulog na tulog pa sila nung last kong tinignan.""Nasan ba sila?"
"Nandun sa tent sa labas." aalis na sana ulit ako nung hinila niya ako ulit.
"Saan ka pupunta?"
"Sa labas, ako nalang mag r-ready nung pang bonfire natin mamaya." tumango siya at kumindat.
Hindi niya ba ako sasamahan? May pagka-ugok rin minsan. Tsk.
Nung makalabas na ako ay agad nag beep yung phone ko.
From: Doctor Makafuno
Wonwoo, come to my office tomorrow at 3 PM
BINABASA MO ANG
Nostalgia •Meanie•
Fanfiction[HALF EPISTOLARY] "Wonwoo, bumalik ako kasi mahal parin kita..." Book 2 of Seen