"Ayaw mo sa kanya, ayaw din nya sa'yo pero paano kung isang araw malaman nyo nalang na engage na pala kayo? Ano kaya ang gagawin mo? "
Episode 1:
Ding-dong . . . ding-dong . . . .
( Lunch break )
"Liezel! san tayo maglalunch"
"Ah... San nga ba?... Hoy Jiyeon san mo gusto?"
"Hmmm.... Sa school garden nalang tayo para mas maganda ang view" hay...... ito talagang mga ito kelangan ata lagi sa akin magtatanung kung saan maglalunch lagi. As always naman since grade school, but they are my childhood best friend. Oo childhood best friends ko sina Shiela atLiezel, siguro more than friends or sisters ang turingan naming tatlo, wala kasi akong kapatid na babae eh pero meron akong kuya at nasa London sya ngayon at 3 years na syang nandoon, kaya ako at si Daddy ang nasa bahay. Pero minsan dahil sa busy si Daddy sa business nya at minsan nasa out of town sya, sina Shiela at Liezel ang lagi kong kasama.
Oo nga pala I forgot to introduce myself, I'm Jiyeon Cristouval ang tinaguriang "Dream Princess" ng Saint Academy, siguro nagtataka kayo kung bakit Jiyeon ang pangalan ko, mukhang Korean name diba? Sa totoo lang Korean name talaga ang name ko gawa ng dad ko na adik sa Korean dramas kaya dun nya kinuha ang name ko. Pero don't worry hndi naman ako mahilig sa Korean drama eh pero like ko ang mga songs nila. Mahirap mang aminin pero sikat ako sa buong campus. Pambato sa lahat ng pagent, pero sa totoo lang ayoko talagang maging sikat dahil sa pagiging sikat ko hindi ko nakakasama ang mga best friends ko lalo na sa mga contest sa campus, but they always support me after all kaya nga mahal na mahal ko sila eh, sila na ang naging family ko since were child.
"O-M-G! Bento! My favorite!!" sigaw ni Shiela, favorite nya kasi ang bento eh hehe sakto pala ang gawa ni yaya
"Gusto mo switch tayo ng lunch?" tanong ko
"Really?!"
"Oo! Alam ko naman na favorite mo 'to eh"
"Ah! . . . Jiyeon I love you so much talaga sis!
"Hep! Hep! Sandal lang! Paano naman ako?" singit ni Liezel, hahahaha nagtampo naman ang isa hahaha nakakatuwa talaga!
"Wait guys! It's better na switch tayong tatlo; Shiela, sa'yo ang lunch ko, Liezel sa'yo ang lunch ni Shiela at sa akin naman ang lunch ni Liezel"
"YES! Jiyeon ang galing mo talaga!" puri ni Shiela, eh kasimple simple lang naman nun!
"Bolera ka Shiela huh!" sabi naman ni Liezel "Pero sa totoo lang Jiyeon hindi ka lang sikat, matalino ka din huh!" naku isa pa to eh!
"Alam nyo guys puro kayo bolahan! Pwede bang maglunch nalang tayo kasi nagugutom na ako eh!"
Habang nakain kami ng lunch hindi maiwasan ang harutan , landian at kwentuhan tungkol sa mga secret, chismis at kung anu-ano pa hehehe ganyan kaming tatlo eh. Pero sa totoong ako na ata ang pinaka swerteng tao sa mundo, kahit hindi ko pa nakikita ang true love ko nandyan naman ang true friends ko na kahit gaano ako kamaldita at pasaway minsan, lagi naman silang nandyan para sa akin.
"AHHHHHHHHH!"
"LOUIE! ANG POGI MO TALAGA!"
"I LOVE YOU LOUIE! DATE NAMAN TAYO MINSAN!"
Bigla kaming napatigil sa pagkain ng lunch ng may may bigla kasing nag-sigawan na mga babae. Napatingin ako kila Shiela at Liezel na napatigil din sa pagkain, "teka anong mero?" tanong ko,
"O-M-G! si Louie!" sabi ni Shiela na mukhang na shuck? Naku si Louie again ang taong kinaiinisan ko!
"Grabe ang pogi nya talaga ano?! Kahit malayuan!" singit ni Shiela