Chapter 12: Say yes.. Say yes.. xD Snob eh

836 15 5
                                    

Hello everyone! Thanks sa mga nag-add sa rl at sa mga votes niyo! Much love for you guys! Muahh! ^__^

Dedicated ito sa inyong lahat!

---

"Bat ka nakabusangot dyan Ronnie?" napalean forward ako habang pinupunasan ng towel yung leeg ko. Tinignan ko sandali si Tim bago ibalik sa court yung tingin ko. "Kami nga dapat yung nakabusangot kasi ginawa mo kaming mga kabayo. Nanlalaki tuloy sa muscles yung legs ko." kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko ang ginawang pagpout ni Timmi habang minamasahe niya yung likod ng binti niya.

Kakatapos lang ng practice namin at nagpapahinga muna kami dito sa may bench. Wala si coach kaya ako yung naglead sa kanila. Gumawa kami ng 20 times round trip sa buong school and take it from me. Hindi iyon basta basta. Dahil sa laki ba naman ng buong St. Celestine, pag hindi ka sanay at bagong dayo ka dito baka mawala ka. Baka nga tuluyan ka ng hindi mahanap.

Joke.

Pero seriously, ang lawak ng school namin.

"Bakit hindi mo pa ba nababalitaan ang nangyari kanina?" nakaismid na tugon ni Red. Nagpatuloy lang ako sa pagpupunas ng pawis sa mga braso ko as I space out. Ramdam ko ang pulso sa likod ng mga binti ko sa sobrang pagstretch nun sa ginawa naming pagtakbo kanina. "She's got a suitor."

"Whaaat!? Talaga!? Sino!?" -Tim

"Weh?" -Ken

"Di ba Ron?" naramdaman kong may tumulak ng bahagya sa balikat ko kaya napatingala ako at nakita si Red na ngising ngisi. Nakatayo kasi siya sa tabi ko at nakitang tataas taas yung mga kilay niya.

"Di yun gaya ng iniisip niyo." deretso kong sabi pero naramdaman ko na lang na nagsumiksik si Timmi sa tabi ko kaya medyo natumba ako. "Umusod ka nga. Ang init." iritable kong sabi sa kanya.

"Ikwento mo dali!" excited na tili niya. Mukhang hindi niya narinig yung sinabi ko. More like hindi pinansin at lumabas lang sa kabilang tenga niya.

"Wala akong ikkwento kasi wala namang nangyari." dahil pilit siyang umuusod sa tabi ko tumayo ako kaya yun napahiga siya sa bench. Hindi naman kasi makaintindi. Ang init init na nga nanlalagkit na rin kami tapos didikit pa.

Humarap ako sa kanila at tinignan ang bawat expresyon sa mukha nila.

Si Ken ay parang walang pakialam sa sinabi ni Red at tinitignan niya yung kuko niya. Kelan pa siya naging interesado sa itsura ng kuko niya?

Si Timmi ayon. Hinihimas yung noo niya. Tumama ata sa bench. Nakabusangot siya na tumingin sa akin. Pero napalitan agad yung ng kumikinang na mga mata at parang may hinihintay siyang confession.

Si Red? Ayun nakaismid habang nakacross arms.

"Tigil tigilan niyo nga ako sa mga tingin niyo. Alam ko ang iniisip niyo. Nagkakamali kayo, lalong lalo ka na Tim. At ikaw Red, anong pinagsasabi mo dyan? Nilalason mo na naman utak ni Tim."

Kung bakit naman kasi. Bweset na lalaki yun. Pakiramdam ko nacorner ako dun sa ginawa niya kaninang umaga.

Ni hindi niya sinabing may balak pala siyang ganun? Naiwan tuloy akong nakanganga..

***

"I really really like you Veronica. Pwede bang manligaw?"  nanigas ako sa kinauupuan ko. Yung panga ko bumagsak sa sahig. Yung mga mata ko parang puputok na sa sobrang laki nito.

Seryoso ba to sa pinagsasabi niya? Alam kong pumayag ako na maging "kami" kapalit ng pera pero siya na ang nagsabi na nextweek pa daw mag-uumpisa di ba? Tama naman ako ng pagkakarinig di ba?.

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon