"Hindi!" Sigaw ni Rleo. Kaagad nitong hinila si Vleo palayo sa kanya.
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na siya makagalaw sa kinauupuan niya.
Muling nagsalita si Rleo habang hawak ang kamay ni Vleo na umiilaw. "Saluin mo si Yula." Wika nito matapos sandaling tumitig kay Yula.
Kaagad niya iyong sinunod nang makita niyang biglang lumamlam ang mata nito. Nawalan din ito ng malay.
Matalim niyang tinitigan si Rleo. Sigurado siyang ito ang may gawa noon. "Anong ginawa mo kay Yula?"
Mapakla itong natawa. "Ikaw. Anong ginawa mo sa kapatid ko!?" Mariin at may galit nitong baling sa kanya.
"Ako?" Tanong niya sa isip niya. Kinilabutan siya kakaibang awrang nakikita niya kay Rleo. Wala na ang masayahing binata na una niyang nakita.
"Sinabi nang anong ginawa mo sa kapatid ko!?" Ulit nito pero pasigaw na iyon.
Hindi niya alam ang isasagot niya. Wala naman kasi siyang alam. Bigla nalang nangyayari ang lahat.
Matapos mawala ng ilaw sa kamay ni Vleo ay inayos ni Rleo ang kapatid sa pagkakahinga. Hinawakan nito ang noo ng kapatid nito at payapa na iyon. Parang walang nangyari dahil normal na uli ang paghinga ni Vleo.
Kaagad siyang nilapitan ni Rleo at kinuha sa kamay niya si Yula. Hiniga naman nito ang dalaga sa ikalawang kama na nasa ibabaw ng kay Vleo.
May bahid parin ng galit ang mata nito. Ngunit wala iyon habang pinagmamasdan nito si Yula.
Kung ganito ang bunga ng pagmamahal ng engkanto sa isang tao. Bakit naman magiging trahedya iyon o sumpa?
"Ngayon?" Panimula ni Rleo. "Sagutin mo na ang tanong kung ayaw mo maging huling araw mo ngayon." Mapanganib na utos nito matapos bumaling sa kanya.
Marahas siyang binalya ni Rleo palabas ng kubo.
"Noon palang ramdam ko na ang panganib na dala mo sa kapatid ko. Dapat una pala pinatay na kita."
Kinilabutan siya sa nakikita niyang blangkong ekspresyon ng binata. Kapareho iyon nang sa engkantong nakaengkwento niya sa gubat.
"R-Rleo." Naiiyak niyang tawag dito.
"Pero hindi ko ganoon kadali lang igagawad yun saiyo." Kinupas nito ang kamay nito. "Alin ang mas gusto mo? Hatiin kita sa ilang parte o lagutan kita ng hininga." Malademonyo itong ngumisi.
Maya-maya naramdaman niyang may mga ugat at halamang pumupulupot sa katawan niya. Meron sa dalawang paa at kamay niya at sa baywang niya.
Ito na ang pumili para sa kanya. Ang una ang sinimulan nitong gawin. Unti-unti humigpit ang mga halaman at hinila nito sabay sabay ang mga hawak nitong parte ng katawan niya.
"Sandali. May naisip ako." Magiliw nitong sabi. "Bakit di mo sabihin sakin kung ano ang ginawa mo sa kapatid ko? Tapos pag-iisipan ko kung ano ang gagawin ko saiyo."
Napasigaw na siya sa sakit. Jichael nasaan ka na ba? Tulungan mo ko pakiusap. Di ko na kaya. Naiiyak niyang tawag niya dito.
"Tawagin mo ko kung handa ka na." Tumalikod na ito.
Muli siyang sumigaw sa sakit. Kaya napabalik ito.
"Huwag ka maingay nagpapahinga ang kapatid ko!" Naiinis nitong sigaw.
"Rleo pakiusap wala akong alam sa nangyayari." Nahihirapan niyang sabi.
"Sinungaling! Maniniwala na sana ako saiyo kung hindi mo kilala si Sabbenhagens na iyon. Pero kasama mo siya kaya wala akong magagawa kung di.." Sandali itong nag-alangan.
BINABASA MO ANG
Ageless Dimension
FantasiaMatapos masabugan ng isang armas panghimpapawid, nagising si Allison sa isang kakaibang mundo. Lahat ng bagay na nasa kwento lang ng mga magulang niya at naroroon. She don't wanna believe it. Mas gusto niyang paniwalaang panaginip lang ang lahat. Th...