Chapter 7- UNKNOWN

20 0 0
                                    

Chapter 7
UNKNOWN

Abby 's POV

"ano ng balita? " dining ko na tanong ni papa kay Acer.

Oo nga Pala.  Ano na nga Palang balita? Bat kaya pagkatapos ng ilang linggo Mula nung kamuntikan akong makuha ni isang kahina hinalang pangyayari o kahit na dead threat man lang ay wala kaming natatatnggap.

Nakinig lang ako sa usapan nila.
Hindi nila alam na nakikinig ako.  But I want to know.  Ewan ko. Simula nung nangyari yung bagay na yun sakin natakot na ako sa pwedeng mangyari samin ni papa.  Natakot na ako sa pwedeng mangyari sakin.  Kaya gusto kong makatulong para matapos na to wala na kaming aalalahanin pa.

"nagiimbestiga padin po kami.  Wala pa naman pong kahina hinalang kilos na ginagawa nila.  Wala pa po silang hakbang kaya wala pa po kaming makuhang ibedensya na pwedeng magturo sa master mind ng lahat ng ito. "

" ganun ba?  Salamat. "

Yun nalang ang narinig ko na pinag usapan nila dahil pumunta na si papa sa office niya mukhang Gagawin nanaman niya yung mga naiwan niyang paper works.

Hindi ako nakatiis kaya pagkaalis ni daddy ay lumpit na agad ako kay Acer.

" oh? Tapos na ba kayong magusap ni daddy? " kunwaring bagong dating lang.

Tango lang ang sinagot niya.

Ano kaya pwedeng gawin para makakuha na ng ibedensya na magtuturo sa mga may gawa nito.

" alis na muna ako.  Wag kang lalabas ng bahay. "

Nakakunot noo ako na lumingon sakanya.

" San ka pupunta? "tanong ko sakanya.

" basta" saka umalis.

Nakasimangot nalang ako na umakyat da kwarto ko.
Di ko man lang natanong yung gusto kong it anong sakanaya.

.

.

.

.

.

Acer 's POV

Bakit di padin sila kumikilos?  Ano na Kaya ang takbo ng utak nila?  Ano na Kaya ang Plano nila? 

Nakakainis.  Wala kaming ni isang clue kung ano ang susunod nilang gagawin.  O kahit ibedensya na magsasabi kung sino sino sila.

Maliban kasi sa mga nakilala namin na limang nagtangkang tumangay kay Abby eh wala na kaming kilala.

Bago lang din samin o sa polisya ang mga mukha ng limang yun. Kaya hindi namin maiidentify kung sino sino ang pwede nilang kasama.

Nakakainis yung ganito.  Ansakit sa utak.

Nagmamaneho ako ngayon papunta sa bahay gusto kong dalawin si cheska.  Ang pgkakaalam ko kasi dun siya kapag may pasok.  Dahil malapit samin ang eskwelahan nila. At pag wala namang pasok ay dun siya kay general.

Pagkadating ko sa bahay ay agad akong pumasok pero nagtaka ako kung bakit nakabukas ang pinto namin eh madalas namang nakasara yun dahil yun din ang bilin ko kay cheska.

Binuksan ko agad yun at pumasok.  Pagkapasok ko ay nakita ko ang mga gamit namin na nakakalat.  Para kanino ninakawan.

Aargghh..  Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

Tinignan ko ang lahat ng KALAT.  Kung ano ang hinahanap nila bat nila ito ginawa. 

Tinignan ko pati sa mga kwarto at padin dub puro KALAT.

Walang nawawala ni isa sa mga gamit namin.  Dahil ang mga importanteng papeles o mga gamit ko ay wala dito.  Nandun yun kila Abby sinama ko para kung mangyari ang ganito ay wala ni isang bagay silang magagamit.

Tinignan ko din pati dun sa CR at nakita ko dun na may nakasulat sa Salamin.

Humanda ka isusunod namin kayo sa mga magulang niyo kasabay ng mga Martinez. 

Napakunot noo ako sa nabasa ko.  Isa lang ang alam ko.  Kung sino ang pumatay sa magulang namin siya din ang nagtatangka o nananakot samin ng kapatid ko.  Pero nakakapagtaka ano ang kinalaman dito ng mga Martinez.  Ano ang atraso ng mga Martinez sakanila. Meron nga ba?

.

.

.

.

.

Unknown POV

"nagawa niyo na ba ang pinapagawa ko? " tanong ko sa mga tauhan ko.

" opo boss tapos na lahat"

"mabuti kung ganun"

Humanda ka Acer Zeke Jackson dahil malapit ka ng sumunod sa mga magulang mo.  Isasabay ko sayo ang mga Martinez.  Uubusin ko kayong lahat.

.

.

.

.

.

Unknown POV #2

wala na sila.  Kaya sino ang may pakana nito?

Gusto kong sumali sa investigation nila Acer pero hindi pwede.  Matagal na akong wala sa ahensya.

Kailangan kong gawin ang lahat para maprotektahan si Abby pati na din si Acer at Cheska.  Nangako ako sa magulang nila na aalagaan ko sila.

Hindi padin sila gumagalaw.  Wala ni isang panngyayari o bagay na magtuturo kung sino ang bagong kalaban.  Hindi pwedeng siya. Sila.  Dahil matagal na silang nakakulong. Namatay na din siya sa kulungan.

Kaya sino?

*Ring ring ring *

"hello? "

" kailangan ka na talaga ng ahensya..  Kailangan na talaga nila ang tulong mo..  Kailangan na niya ang tulong Mo AGENT JONNY MARTINEZ "

.

.

.

.

.

---------

(A/N: OH MY GOD!!!  SERIOUSLY!!!??  AGENT ANG DADDY NI ABBY???

HEHEHE..  ABANGAN ANG MGA SUSUNOD PANG KABANATA.. 😉😉 MADAMI PANG AABANGAN)

@xiouxio20 mention a user

A SECRET AGENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon