Maganda siya, Gwapo siya. Perfect pair. Gwapo siya, Panget ka. Pabitay na yan!Napaka-unfair talaga ng mundo! Kapag pangit ka, hindi ka pwedeng magkagusto sa gwapo kasi masasaktan ka lang! Pero kapag maganda ka, may karapatan kang magkagusto sa gwapo kasi hindi ka niya i-isnabin!
"Graciaaaa!" Napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko. Paglingon, ang pinaka mabait at maganda kong best friend, si Yumi. At syempre habang naglakad siya papunta sakin, nakatingin sakanya lahat ng tao, mapa lalaki man o mapa-babae. Ang gorjas kasi, madami nga ang nagtataka bakit at paano daw kami naging magkaibigan ni Yumi? Aba'y malay ko, nagtataka din ako.
"Good Morning!" Masiglang bati niya sakin. Edi binati ko rin siya. Sabay na kaming naglakad papuntang first room namin.
Habang naghihintay ng teacher, kwenekwento niya yung manliligaw niya na gustong gusto niya. First na suitor niya na in-entertain niya. Siguro talagang na-caught nung guy yung attention niya kaya ganyan. Kulang na nga lang magkaroon ng heart sa mga mata niya.
"Eh ikaw, Gracia? Musta love life mo?" Tanong niya sakin.
"Ayun, getting stronger kami ni Captain Levi." Sabi ko sakanya. Tapos pagtingin ko sakanya, nakasimangot siya.
"Yung totoong tao kasi Gracia."
"Wala naman kasi Yumi. Magpapagod ka lang magtanong sakin kung sino kasi wala naman talaga." Sasagot pa sana siya, pero biglang pumasok yung teacher namin. Kaya natigil rin siya. Buong klase, nakatunganga lang ako. Nakatunganga sa lalaking matagal ko na talagang gusto. Talino kasi, gwapo pa. Top 1 nga namin eh. Pagkatapos ng klase. Nag aayos ng mga gamit papunta sa susunod na room.
"Alam ko na kung sinong crush mo." Napatingin ako kay Yumi. Kinakabahan na ako.
"Si Marky no?"
"Ha?"
"Bakit hindi ba siya?" Hinding hindi Yumi. You got it wrong this time.
"Hindi ahh~" pagtatanggi ko kasi hindi naman siya. Yumi, si President slash top 1 natin ang crush ko.
"Eh kanina mo pa kasi siya tinititigan eh."
"Yumi, ang gwapo kasi nung jacket niya. Customized jacket ng Attack on Titan." Sakto namang sinabi ko yon, biglang lumapit kung sinong pinag uusapan namin.
"Oh? Fan ka rin ng AOT?" Tanong ni Marky kaya sumagot ako ng oo. At nagsimula na kaming mag fan bigla. Hindi kami close pero balita ko kapag may nakitang same sa interest niya si Marky bigla niyang kakausapin. Sabay na nga kaming nag lakad ni Marky habang nag uusap pa ng ibang anime ng mapansin naming wala sa likod namin yung dalawa.
"Alam mo, bagay yung dalawa. Buti nga sila na eh." Napatingin ako kay Marky ng sinabi niya yon. Napatigil ako bigla. Parang bigla may bomba sa harap ko at bigla na lang akong naparalisa dahil sa taranta.
"Hoy bakit bigla kang natigil diyan?"
"Sila na nga? Si Ram at Yumi?" Sana nagkamali lang ako ng narinig. Pero bigla niyang sinagot yung tanong ko na malinaw na malinaw na "oo".
"Hindi ko alam. Bakit hindi sinabi sakin ni Yumi?" Nasasaktan ako kasi hindi ba ako pinagkakatiwalaan ni Yumi? At the same time, nasasaktan ako kasi yung matagal ko ng gusto. Nasa kaibigan ko na. Bakit ganon? Lahat na lang ng lalaki, maganda ang gusto nila. Sobra talagang napaka unfair ng buhay. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Hoy, tumigil ka na. Baka sabihin nila pinapaiyak kita. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh." Pero mas lalo akong napaiyak.
"Hey Marky, what did you do to my bestfriend?" Bigla kong narinig ang boses ni Yumi sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Ang Gwapo ay para sa Maganda lamang.
Short StoryMaganda siya, Gwapo siya. Perfect pair. Gwapo siya, Panget ka. Pabitay na yan!. ~ Walang connect yong title sa kwento. Iniisip kong gawing nakakatawa to pero may sarili atang utak mga kamay ko at nag type mag isa.