Nanay,
Kumusta ka na po? Ang tagal kitang hinanap. Alam mo bang napakarami akong gustong malaman mula sa iyo? Alam mo bang sabik na sabik akong makita ka?
Ilang taon ba ako noon nang tayo ay magkahiwalay? Dalawa at kalahating taon iyon, Nanay. At alam po ninyong mula noon ay wala akong hinangad kung hindi ang kayo ay makitang muli?
Alam kong marami kayong gustong sabihin sa akin. At ako rin naman para sa iyo. Maraming taon ang nasayang pero para sa akin ay walang nasayang dahil kahit nagkahiwalay tayo, buo pa rin ang pag-asang magkikita tayong muli.
Saan nga ba ako dapat magsimulang magkuwento sa inyo, Nanay? Anong mga salita ba ang dapat na bigkasin ko upang maramdaman din po ninyo ang naramdaman ko mula nang mawalay kayo sa akin? May tamang ekspresyon ba akong dapat na bantayan upang makita ninyong tapat at tunay ang sasabihin ko?
O kung okay lang po sa inyo, isisiwalat ko ang lahat sa natural at sa kung sino talaga ako kapag kaharap ang isang tao. Tama, Nanay! Ipapakita ko po sa inyo kung ano ako. Sana po ay makinig kayo upang maibulalas ko ang lahat ng bigat na mayroon ako kahit man lamang sa paraang alam ko - ang pagsusulat.
Magsisimula na po ako, Nanay. Sundan po ninyo ang susunod na pahina.
Mahal na mahal ko po kayo, Nanay.
Ang iyong nawawalang anak,
Dodoy
BINABASA MO ANG
Nanay
Non-FictionIkaw ang nagbigay ng buhay. Sa iyo ako ay nanggaling. Namumukod-tanging alaala ko. Pinaka-inasam-asam na makita. O, aking mahal na Ina. Hango sa tunay na buhay.