Chapter Two: First Day ✔

5.7K 76 0
                                    

Marceline's POV

Naihanda ko na ang pagkain nila ng tawagin ako ni Young Master Apollo na ngayon ay nasa sala. Inihinto ko muna ang pag-aasikaso kay Young Master June na ngayon ay abala sa pagkukwento kay mayordoma.

"Young master 'yung pagkain niyo po nandoon na." Bungad ko kay young master.

Nginitian naman niya at inabot sa'kin ang cellphone niyang mamahalin. Alam kong mamahalin iyon dahil ganoong ang cellphone ng bakla kong bestfriend. "Please take care of this. Pakisagot na lang ang lahat ng tatawag at pakisabi na wala ako."

"Ahmm..." Napatitig ako sa cellphone pabalik kay young master. "Okay po. 'Yung pagkain niyo po?"

Nilingon ako ni Young Master Apollo. Papaakyat na kasi siya sa staircase ng mansion nila. "Pakidala na lang doon sa kwarto ko."

Agad ko naman ibinulsa ang cellphone ni young master at bumalik sa kusina para ilagay na lang sa tray ang naihanda ko ng pagkain ni young master. Tuloy pa rin ang walang humpay na kwento ni Young Master June at mukhang excited na nga siya kasi dito na pala ulit siya mag-aaral.

Hindi naman ito first time kong maging yaya. Kaya nga natutuwa ako kay Young Master June kasi naaalala ko 'yung huling batang inalagaan ko. Mas makulit nga lang ang batang iyon. At first time ko lang yata ay ang sa ganitong pamilya magtrabaho. Hindi naman kasi maitatanggi mayaman ang mga amo ko. Ang mga Ashford.

Inayos ko ang mga kailangan kong dalin kay Young Master Apollo at pumunta na. Bago kasi kaming magpirmahan ni mayordoma ay inilibot na niya ako. Hindi ko pa kabisado ang buong lugar pero alam ko naman kung kanino o ano ang kwarto na iyon. Kaya naman hindi na ako mahihirapang puntahan ang kwarto ni young master.

Nakasanayan ko na rin siguro na ganito ako sa bawat pagtatrabahuhan ko. Highschool pa lang ako noong nailipat ako dito sa Maynila. Noong una ay ipinagkatiwala ako ni nanay sa isa sa mga pinsan niyo dito. Naging katulong nila ako sa karindirya nila para naman makabawi ako. Kaya lang noong mag-college na ako ay kinailangan ko ng maghanap ng bagong apartment at trabaho dahil umalis na papuntang ibang bansa ang pinsan ni nanay. Ngayon lang ako naghinto dahil walang-wala na talaga ako at alam naman na nila tatay 'to.

Nakilala ko naman si Vilma noong HS kami. Classmates na kami noong first year kaya lang hindi na noong second year kasi nag-stop ako. Na-late ako noon ng dalawang taon kaya naman graduate na si Vilma ngayon at ako naman ay dapat kukuhanin pa lang ang pang-huling taon ko. Pero kahit na hindi na kami madalas magkita, alam ko naman na miss na rin niya ako. Si Alexie naman ay nakilala ko noong lumipat ako sa apartment na tinutuluyan namin. Simula noon, kami ng tatlo ang magkakasama.

Nasa tapat na ako ng kwarto ni Young Master Apollo. Marahan akong kumatok kaya lang wala namang sumagot. Hindi naman kaya natutulog si young master? Kumatok pa ako ng ilang beses pero wala pa rin kaya naman dahan-dahan ko ng binuksan ang pinto. Hindi rin naman kasi nakalock.

"Young Master Apollo?" Tawag ko kay young master.

Inaasahan ko sanang magagalit siya na pumasok ako ng walang paalam ngunit 'di pala posible 'yun dahil tulog na siya. Speaking of tulog... Buti na lang at naibaba ko na ang tray sa bedside table ni young master dahil kung hindi ay baka nabitawan ko pa iyon.

Sino pa kasi ang nagpauso na matulog ng topless?

Inikot ko na lang ang tingin ko sa buong kwarto ni young master. Hindi ito ang unang beses na makita ang kwarto niya pero mas maa-appreciate mo kung nandito ka pala ng mas matagal. Nakita ko ang mga maleta ni young master na nandoon pa. Mas mabuti sigurong ayusin ko na.

Tumawag na ako sa lahat ng kaluluwang kilala ko ilayo lang nila ako sa napakamakasalanang view of Young Master Apollo. Taeng likod naman kasi! Ang ganda ganda ng shape at talagang ang ganda ng mangangatawan ni young master! Ilang kaya abs--- Okay tama na. Ang halay na.

Nang makita ko ang walk-in closet na sinasabi ni mayordoma kahapon ay lalong uminit ang mukha ko at napalunok ulit. Amoy mabangong lalaki kasi na kahawig ng kay Alexie kapag naka-business attire na siya.

Naalala ko tuloy si Mr. Alexander (a.ka. Alexie kapag araw araw) noong naging speaker namin siya sa isang event sa UP. Tama, sa University of the Philippines pa nga ako nag-aaral dahil scholar ako. Scholar nang papa ni Vilma. At kahit hiyang hiya na ako ay pinili ko paring maghinto at putulin ang scholarship para sa pamilya ko.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Young Master Apollo na halos nagpatalon sa'kin sa gulat at siyang pumutol sa drama ko.

Marcus calling...

Agad agad ko na iyong sinagot. At hindi pa nga ako nakakapagsalita ay bumungad na ang nakakatakot at nakakapanlambot na boses ng isang binata.

"Kuya, I'll be home late tomorrow. I still have things to fix and I can't go home until it's done. Mom said they'll go home soon to. I have to go. Bye."

Hindi man ako nakapagsalita dahil nag-end call agad. Jusmiyo marimar!

Itinago ko na lang ulit ang cellphone ko at nagsimula na sa pag-aayos ng gamit ni young master na hindi naman mahirap. Hindi naman kasi gulo-gulo 'yung mga gamit niya kaya parang wala rin akong ginawa. Napapa-hum pa ako habang nag-aayos ng mga damit niya. Mahina lang dahil baka magising si Young Master Apollo.

Nang matapos ko na lahat ay napangiti ako. Ang gandang tignan kapag maayos lahat ng gamit mo.

"Hey."

"Ay palakang sunog!"

James Reid! Crush! Pasensya na at hindi ko maipapangakong abs mo lang ang paglalawayan ko! Sorry talaga! Paano ba naman kasi ay bumungad sa'kin ang topless young master ko na nakaupo sa gilid ng kama niya habang kumakain, actually ay patapos na siyang kumain. Tapos ako pa yata ang nabusog dahil sa view na 'to (hihihihihi!).

Humalakhak si Young Master Apollo na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko! Ang gwapo pati tawa! "Thank you for the meal and for fixing my things. Did Marcus called?"

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha nang biglang nag-throwback ang boses din ni Young Master Marcus. "O-Opo. Sabi niya po baka daw po malate siya ng uwi."

Akmang ilalabas ko na ang cellphone niya ng biglang nagring na naman ito. Ngayon naman ay pangalan ng babae ang tumatawag. Hindi ko iyon sinagot at inilahad na lang cellphone ni young master sa harap niya. "Mukhang kayo, young master, ang dapat sumagot dito."

Napangisi siya at tumango. Sinagot niya ang tawag at ako naman 'tong nagligpit na ng pinagkainan ni young master. Lumabas na rin ako at di-diretso na lang sa kusina.

Nakasalubong ko naman si Young Master June na nakangiti pa rin na parang nanalo sa lotto. "Hi nanny!"

"H-Hi, young master. May papagawa po kayo?" Medyo alanganing tanong ko.

Alam ko namang mas bata sa'kin si Young Mastee June pero mas matangkad kasi siya sa'kin at medyo nakaka-intimidate ang aura niya ngayon. Nakakatakot!

Nakangiti pa rin siya kaya naman medyo nababawasan ang intimidation effect niya. Ganito pala si Young Master June kapag kaharap mo mag-isa. "Wala. Will you call Kuya Marcus though?"

"Ahmm..." Napakamot ako ng batok. Isa pa 'yung si Young Master Marcus e. Katakot din kahit boses lang. "Ano po bang sasabihin ko?"

"On second thought, 'wag na pala." 'Yung ngiti niya ngayon ay parang ang playful-playful. "You're already 24, right?"

Tumango na lang ulit ako. May something kasi dito kay young master e. Ang creepy!

"Oh. You could go and clean that now." Nakatawa na rin pati mga mata niya.

Ginulo niya pa ang buhok ko bago dumiretso sa kanyang kwarto. Whooo! Makakahinga na rin ako! Kakaiba aura ni young master kanina! Parang mangkukulam na may pinaplanong hindi maganda.

Bumaba na ako sa kusina at hinugasan na nga ang mga pinagkainan ng mga young masters ko. Mukha rin naman abala ang iba pa dahil

Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon