*Third person's POV*Lumabas si josh at naiwan ang magkapatid sa kwarto.
"Ano?? Labas! Bakit ayaw mong magpakita sa akin?! " sambit ni josh
Iniikot nito ang paningin niya ngunit hindi niya pa rin nakikita ang Aninong gumagambala sa kanila.
"Noon tinatakbuhan ka namin dahil alam naming delikado ka. Pero ngayon? Di na kita aatrasan. Bakit di ka makalapit sa akin? Dahil ba alam mo ang kakayahan ko? Paano? Paano mo nalaman?? Kilala na ba kita noon pa?! "
Galit galit na ito dahil hindi pa rin nagpapakita ang Anino sa kaniya.
"Magpakita ka! Lapitan mo ako ng malaman ko kung ano ba talaga ang gusto mo"
Natahimik si josh at ilang saglit ay lumingon siya.
"Huli ka ."Dahan dahan itong nilalapitan ni josh ngunit palayo naman ng palayo ang anino. Hanggang sa tumakbo na si Josh ngunit binagsakan siya ng isang malaking bato na gawa lamang ng ilusyon ng anino ngunit nakagawa ito ng malakas na tunog.
"Josh?! Anong nangyayari jan?! "
"Ate lyn! Bantayan mo siya. Wag na wag kayong bababa hanggang wala ako! "
Alam ni josh na ilusyon lang yon kaya ito'y kanyang nilabanan
"Lumalapit na ako sayo kaya unti unti ko nang malalaman kung ano at sino ka"
Patuloy pa rin ang paglapit ni josh ngunit umiiwas ang anino sa kanya. Naging madilim ang paligid ng bahay. Halos wala na siyang makita.
"Isa na namang ilusyon. Hahahaha. Hindi mo na ako matatakot"
Pinakiramdaman nito ang paligid. Alam niyang nasa paligid lang ang anino na nagtatago sa dilim. Pinikit nito ang kanyang mga mata sa gitna ng kadiliman at nilakasan ang pakiramdam.
"Huli ka! "
------------
Sa kabilang banda. Ang magkapatid ay nasa itaas pa rin Hindi pa rin gumigising ang dalagang si Gell ngunit ang ate nitong si Lyn ay nangangamba na sa nangyayari kay josh dahil wala na itong naririnig na kahit ano. Maya maya'y nararamdaman niyang umuungol ang kapatid niya na mas nagpakaba sa kanya"Baby?! Andito si ate. Anong nangyayari sayo?? "
Hanggang sa tuluyan nang nanginig ang katawan ng dalaga. Natataranta na si lyn sa nangyayari. Tinignan niya ang wall clock ngunit nawawala ang mga kamay ng orasan at ganun din ang kanyang relo. Hindi na rin gumagana.. Alam niyang napag lalaruan na sila Tuloy ang panginginig ni Gell at tarantang taranta na si lyn. "Josh! Tulong! Tulong! " sigaw nito.
Ang buong bahay ay nabalot ng malamig na klima. Kakaibang lamig na hindi maganda sa pakiramdam.. Natatakot man si Lyn ay mas pinili niyang manatili sa tabi ng kanyang kapatid.
"Panginoon ko tulungan mo po kami"
Nananalangin na si Lyn dahil wala na siyang lakas. Palakas ng palakas ang nginig ng katawan ng kanyang kapatid at tumitirik na rin ang mga mata nito. Umiyak at nanalangin na ng maigi si Lyn para sa kaligtasan ng kanyang kapatid at ni Josh.
-------
Isang lugar na malayo sa katotohanan
"Geeeellllaaaaaaayyyyy! " Tawag ng isang batang lalaki sa batang babae.
"Nandito na ako Prince" sambit ni Gelay
"Tara maglaro na tayo"
masayang sabi ni Prince Naglaro ang mga bata. Masayang masaya sila..
"Gelay. May tanung ako"
"Ano yun Prince? "
"Ako lang ba ang favorite mong kalaro? "
YOU ARE READING
Identity of no one
HorrorPalagi mong lingunin ang anino mo . Baka magulat ka, wala na siya sa pagkatao mo