MBMF 2

58 4 0
                                    

Jazzy's POV

"Maganday buhaaaaaay, thank you po Lord, ginising mo'ko ng maaga!" parang baliw na sabi ko. Isang buwan na rin ang lumipas simula nong nagsimula ang klase. At sa maniwala man kayo oh hindi, ngayon lang po ako HINDI ginising ni Mudra. Ang aga ko kasi natulog kagabi hehe

Nagawa ko na yung daily rituals ko and saktong pagbaba ko ay nandito na naman po si Panot este Drey at take NOTE may dala na naman po syang bouquet of flowers. "Hay salamat naman, hindi na'ko maghihintay ng kalahating oras!" sabi nya sabay tawa.

"Heh! Ngayon lang to dahil maaga akong natulog kagabi. Oh, para kay Ann na naman ba 'yan?" Sabi ko sabay punta sa kusina para kumain ng breakfast.

Ganyan talaga siya, sa 1 buwan na lumipas walang palya sa pagbibigay ng bulaklak si panot kay Ann, tapos yung bruha naman, walang pakialam! Suss! Sayang pera bes. (bitter ka lang eh) Shadap!

"Kay Ann nga 'to, hindi ka pa ba sanay Jazz? Mahigit isang buwan nakong nagbibigay ng bulak--" hindi ko na siya pinatapos at tinanong ko siya agad ng "May paki ba sya sa bulaklak mo? Diba wala?" dismayadong sabi ko sa kanya.

"Kahit na! Alam kong crush din ako ni Ann, nagpapalambing lang yun ng sobra sobra." sabi nya.

"Kaek'ekan mo Drey! Hindi ka nga pinapansin nong tao, tapos ASSUMING ka rin pala! Mygad! Aral muna, aral!" sabi ko sabay kain ng sandwich na ginawa ni Mudra. Nasan kaya yon?

"Bahala na, basta magiging kami rin. Alam ko!" napaka'confident ni panot tsk. "Drey, asan si Mudra?" sabi ko sa kanya. "Pumuntang palengke Jazz, ubos na stock nyo ng pagkain. Ang takaw mo raw kasi sabi ni Tita." sabi nya sabay kain din ng sandwich at tumawa pa ang panot.

"Atleast ako may laman, eh IKAW?! Wala Drey!!! Isang ubo ka nalang yata eh!!!" hahahahahahahaha

"Wala pa'to, balang araw maglalaway ka sa abs ko Jazz! Magkakalaman ako balang araw, work out lang ang kulang sakin! Kaya ikaw, matuto kang mag'diet!!!" patawa nyang sabi.

"Eh masarap kumain eh! Ano bang pakialam mo?! Tara na nga baka mali'late na naman tayo!" sabay kaladkad kay panot.

"Okay po TABACHINGCHING! Haha." heh. Panot talaga kainis!

Pagdating pa palang namin sa room eh nagpapansin na naman po si Panot kay Ann, tapos yung bruha naman hindi pinapansin yung crush este bespren ko! Mas maganda naman ako sa kanya. Mas sexy nga lang siya tsk. Tapos, mas matalino ako! Wala talang taste si Drey pagdating sa babae. Naku naku! After xox hours, snack na rin! Gutom na ako huhu

"Ann, flowers for you." rinig kong sabi ni Drey sabay bigay ng bouquet kay Ann.

"Aundrey, ika'32 na bouquet mo na'to. Hindi ka'ba nasasayangan sa pera mo?! May crush akong iba Aundrey." sabi nya sabay bigay balik kay Drey yung bulaklak at naglakad papuntang canteen.

"Oh, ano ngayon? Nganga ka? Haha saklap ng mukha mo Drey. Sakin mo nalang kasi ibigay yan!" pabiro kong sabi sa kanya (kahit ang totoo gusto kong sakin nya ibigay sakin yon) -.-

"Hindi pa rin ako mawawalan ng pag'asa Jazz, pakipot lang talaga siya. Hindi na hamak na mas GWAPO ako sa crush niya! Mali sya ng iniwan. Tsk" sabi nya sabay bigay sakin ng bulaklak at naglakad papuntang canteen rin.

Aba't! Iniwan ako ni panot, tsk. Sakin ka nalang kasing unggoy ka! *fake smile

Hindi na rin nagpapansin si Drey kay Ann, parang nasaktan kasi si Panot kanina. Sa harap pa talaga ng mga kaklase ko yung eksena kanina. Ang harsh nong bruha!

"Hoy panot, okay ka lang?" pauwi na kami ni Drey, kakatapos lang ng klase at sad po yung bespren ko.

"Okay lang ako Jazz." promise po hindi bagay sa kanya ang malungkot na mukha. Nawawala yung pagiging GWAPO nya mwuahahaha

Pagkatapos ng klase eh umuwi agad ako sa amin, ganon din si Drey. Badtrip pa rin hanggang ngayon. Akalain nyo yun, sa isang buwan na lumipas BUKAMBIBIG lang naman niya si Ann. (selos ka naman?)

Eh, sa may parang sumusundot na karayom dito sa heart ko eh. :( Dinadaan ko lang naman sa biro lahat para hindi halata. Hays, alam ko namang crush lang tong nararamdaman ko kay Drey, pero natatakot kasi ako. Natatakot akong lumalim ito. At mas natatakot ako sa araw na kapag inamin ko na sa sarili kong BAKA hindi lang paghanga at CRUSH tong nararamdaman ko para sa kanya. Hays, erase erase! Ang bata bata ko pa. Aral muna tayo bes!

"Jazzzyyyy!!! Gumising kana, hindi ka pa kumakain ng hapunan. Uso na sayo ang diet ngayon Anak?" sigaw ni Mudra sa labas ng kwarto. Ang tinis talga ng boses ni Inay!

"Sandali lang po Mudra, bababa din po ako." oh, wag kayo MUDRA talaga tawag ko sa kanya. Cool ng mom ko noh?

Bumaba na rin ako at tsssiinggggg, andaming foods. Mwuhuaahuahua

"Mudra, may fiesta po ba? Bat andaming pagkain? Baboy na po ba talaga ako sa paningin nyo?" sabi ko kay nanay sabay acting na maiiyak na.

"Ang oa mo Jazzy, nakalimutan mo na ba?! Nakong bata ka! Birthday lang naman nong Pudrakels mo! Nakunaku! Ikaw nga yong hinihintay niyang maggi'greet sa kanya! For sure wala kang allowance for this month! (evil grin)" ANOOOOO?!!!!

Ang angats mo naman Jazzy!!! Sa lahat pa ng birthday na makalimutan mo bat sa iyong pudrakels pa?! Sorry po Pudraaaa, sorry.

Dali'dali akong pumunta sa kwarto ko at in'on ko yung loptop ko sabay open ng skype. Hay salamat, online si Papa! Nako sorry talaga, nakalimutan ko :( Ang papa ko kasi nasa America, don siya nagta'trabaho.

"PUDRAKELSSSS!!! Sorry pa, sorry. Nakalimutan ng iyong dyosang anak ang birthday ng kanyang prinsipe. Pudrakels, alam nyo namang MAHAL na MAHAL ko kayo diba? At miss na miss ko na po kayo. Pls po papam wag nyong putulin ang wifi at tsaka yung allowance ko papa! Plsss :(" sabi ko kay Pudra pagka'open ng skype sabay pa'cute kay papa. Hehe

"Im sad here princess, Im expecting you to greet me tapos malalaman kong nakalimutan mo lang? But its okay, you're still my princess and Pudra loves you so much baby." sabay flying kiss ni Pudra sa cam.

Ganyan talaga relasyon naming tatlo, Ako si Mudra at Pudra. English speaking yung pudra ko dahil sanay na siyang mag'english 13years ba namang nandon? Haha, pero kahit ganon hindi parin ako nagkulang sa pagmamahal. Kahit malayo si Pudra, hindi parin nya nakalimutang may anak siyang maganda dito sa Pinas at may seksing asawa na naghihintay sa kanya, ang aking Mudra haha.

"Pudra, dont be sad na pls? Pagod lang po kasi ako sa school (sad face kuno). Sorry na Pudra. Your princess loves you so much Papa. Yung allowance ko po ha? Walang bawas, okay lang dagdagan mo hehe. Happy Birthday Pudra, ingat parati jan. Mahal na mahal na mahal ko po kayooooooo!!! Mwo mwo mwo (flying kiss)" sabi ko kay papa with all my heart. Paawa effect para hindi magalit si fatherdear.

"Ikaw talagang bata ka, I thought you're here to greet me pero allowance mo lang pala inaalala mo. Nagtatampo na ako baby." sabay sad face "kuno" si Pudrakels.

"Nakuuuu wag sad Pudraaaaa, bad yan. Sge ka papangit ka at ipagpapalit ka na ni Mudra!!!" as if naman maghahanap ng iba si Mudra eh ang gwapo kaya ng Pudra ko tsk.

"NO WAY BABY!!! Diba gusto mo pa ng BABY BROTHER? Pano nalang yon? Bantayan mo Mudra mo jan ha? Sabihin mo mahal na mahal ko siya, at BABALIK ako!" hala, nagalit? Hahahaah

Tampururooot naman si Pudrakels haha! "Dont worry Pudra babantayan ko si Mudra 24/7 for you. (stomach growls) Ayyy Pudra, baba mo na ako ha? Gutom na yung princess mo hehe" sabay peace kay Pudra.

"Ikaw talagang bata ka, oh siya sige. Ba'bye na baby, take care ka always okay? At yung habilin ko sayo, WALA MO NG BOYFRIEND BOYFRIEND! ARAL MUNA! Tell your Mudra that I loved her very much and of course you. Babye." sabay off ng cam ni Pudra. Hays, nakakalungkot naman. Miss ko na kasi Pudra ko :(

Pagbaba ko ay kumain agad ako ng MARAMI. Eh, sa gutom ako! Ang bad po ni Mudra iniwan akong mag'isang kumain tsktsktsk.

Dali dali akong nag'toothbrush at pagkatapos ay pumunta na sa kwarto at nahiga sa kama ko.

Naalala ko na naman yung kaninang umaga, ang bad talaga nong crush ni Drey. Di naman maganda tsk. "Magsaya ka Ann, dahil balang araw alam kong kami rin ni Drey ang magkakatuluyan." Matutulog na'ko baka magalit na naman yung Cru-- ay este si Drey dahil late akong nagising hehe...



My Bestfriend, My ForeverWhere stories live. Discover now