Part 1 Stalker

175 9 2
                                    

Ako si Ella kakalipat ko lang sa Mara Subdivision isang buwan na ang nakalipas. Mag isa lang ako dahil nasa ibang bansa ang aking mga magulang.

Kasalukuyan akong naglilinis ng bahay at ngayon ay pinupunasan ko ng basang basahan ang bintana.

Ayan na naman siya tuwing nadadako ang tingin ko sa bahay nila Louis ay palagi nalang saktong nakatingin din siya sakin mapa bintana pintuan sa labas at kahit saan basta't titingin ako sa labas ay andoon siya.

Kahit saan man ako magpunta ay naroroon siya mapa iskwelahan, mall, simbahan, at kahit saan

Dahil nga sa mabait ako ay hinahayaan ko nalang siya. Nginingitian kapag kami ay nagtama ng tingin. Siguro ay gusto niya ng kaibigan kaya sya ganoon.



Isang araw paglabas ko ng bahay ay saktong paglabas niya din na para bang sinusundan parin ako.

Hindi ko nalang pinansin. Lumipas ang isang linggo.

Maslumalala ang pag iistalk niya sa akin. Naiisip kona baka may gusto siya sakin ngunit nahihiya lang. Pero natatakot na ako sa mga pagtitig at pagsunod sunod niya sa akin.

Kaya kinabukasan ay paglabas ko ng bahay ay dumeretso ako sa kanya at kinausap ng maayos. Ng tumagal nasabi niya rin na gusto niya ako at sinabi kong hindi ko siya gusto.

Bigla nalang nagiba ang itsura niya ang kanyang mukha ang mukhang mabait ay unti uniting nagiba napuno ng galit.

Ang mukha niya ay parang isang batang galit dahil hindi sinunod ang kanyang gusto.

Pumasok ako ng bahay sinundan niya ako ng tingin ng ganoon ang ekspresyon ng mukha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumasok ako ng bahay sinundan niya ako ng tingin ng ganoon ang ekspresyon ng mukha.









Kinagabihan. Naalimpungatan ako sa kadahilanan na parang may nakatingin sa akin. Kaya tinanggal ko ang kumot sa aking ulo at pag tanggal na pagtanggal ko ay hindi ko masyado maaninag dahil madilim ngunit alam kong may nakatingin sa akin kulay itim.

Tumunog ang sahig dahil gawa ito sa kahoy.

Eeeeekk

Eeeekkk

Dalawang tunog batid na may naglakad palapit sa akin ng kaunti.

Dahil sa aninag ng buwan ay nakita ko ang kanyang mukha at hindi ko inaasahan na makita ang mukha ni Louis nakatitig sa akin at nakangiti.

Tumibok ng tumibok ang puso ko ng sobrang bilis na para bang ako ay tumakbo mula laguna hanggang manila.

Nakakatakot nakakakilabot siya. Nagmistulang istatwa ako habang siya ay nakatitig at nakangiti lang sa akin.

Nang lumipas ang sampung sigundong pagtititigan ay sumigaw ako ng sobrang lakas na ikakabingi ng malalapit sa akin.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"

Nagpanic ako at sinipa si Louis sa dibdib habang ako ay sumisigaw nawala ang nakakatakot na ngiti ni Louis at napalitan ng galit.

Umalis ako sa kama at tumakbo palabas ng bahay sobrang bilis ng takbo ko nakarating agad ako sa bahay nila Louis.

Kumatok ako ng kumatok. Pagtapos ng ilang sigundo lumabas ang mga magulang ni Louis.

Isinumbong ko ang pangyayari ngunit hindi sila naniniwala ang alam nila ay nasa kwarto si Louis at tulog na.

Sinabi kong tatawagan ko ang pulis kapag hindi nila ako tinulungan ngunit hindi sila naniniwala sa akin kaya tinwagan ko ang pulis at mayamaya lang ay andidito na sila.

Wang!

Wang!

Wang!

Wang!

Pagkabukas na pagkabukas palang ng pintuan ng kotse ng pulis ay sinabi ko na ang pangyayari.

Pinakalma nila ako at inimbistigahan ang pangyayari....... Maya maya lang ay nahanap ng mga pulis si Louis at inaresto. Inimbistigahan din ng mga pulis ang kwarto ni Louis puro ito mga litrato ko may natutulog, kumakain, naglalaba, at kahit na nasa banyo ako.

Kinasuhan ko si Louis at siya ay nakulong...................

Umalis ako sa Subdivision na iyon at lumipat sa iba at nagsimula ulit.






~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AN:
Ang istora po nato ay gawa lang ng makulit kong utak.

Salamat sa pagbabasa :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stalker (Horror Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon