PATTY POV
"chandria"tawag niya sa akin ng makita niya ako.
"anong ginagawa mo dito!?"gulat kong tanong.
"chandria im back"masayang sabi niya at akmang yayakap sa akin ng umiwas ako.
"no! huwag kang lumapit sakin"mahinang sabi ko baka kasi marinig ni mama.
"mag usap tayo chandria"pagmamakaawa niya.
agad naman akong naglakad palabas at ramdam ko rin na nakasunod siya.
"kevin, nandito ka ba para lokohin na naman ako?""no chandria"agad niyang sagot.
"kevin cant you see? ang taba taba ko na hindi mo na ako magugustuhan"mangiyak ngiyak na sabi ko.
"hindi naman talaga kita gusto eh"parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko dahil sa sinabe niya, hindi dahil sa hindi niya ako gusto kundi dahil sa kung hindi niya ako gusto mas lalong hindi rin ako magugustuhan ni kirby, magwapo si kevin pero mas lamang sa kaniya si kirby.
"kasi mahal kita"dagdag niya.
"hindi ko alam kung maniniwala pa ako sayo" gulong gulong sabe ko.
"please give me another chance"
pagmamakaawa niya saka lumuhod sa harapan ko.
"kevin, please tumayo ka diyan"
"no, hindi ako tatayo hanggat hindi ka sumasagot"pamimilit niya.
"okay kevin, no. no ang sagot ko"sagot ko.
"hindi ako tumatanggap ng no chandria"sabi niya habang tumatayo.
"anong gusto mo kevin? papasukin na naman kita sa puso ko, tapos. tapos ano? sasaktan mo na naman ako? 6years! 6years mo akong niloko, akala ko gusto mo talaga ako. akala ko mahal mo ako at totoo lahat ng pinapakita mong kabutihan at pagiging sweet sa akin! pero hindi! hindi yun totoo kasi ang totoo ay niloloko mo lang ako! hindi lang ikaw kayo ng mga kaibigan mo. pinagpustahan niyo ako, para sa ano?para sa kotse? para sa kotse pinagpustahan niyo ako!
tapos bigla bigla kana lang darating at sasabihing hindi mo ako gusto kasi mahal mo ako! ganon ba? may bago ka na naman bang pasabog? huh? kevin!"mahabang sabi ko saka humagulgol ng iyak. sa tuwing naiisip ko lahat ng nangyari dati ay parang pinipiga yung puso ko, nasasaktan ako kasi hanggang ngayon mahal ko parin siya. mahal ko parin si kevin, hindi ko alam kung naka pag move on na ba ako o hindi. masakit parin kasi eh! kapag babalikan ko lahat lahat ng iyon nasasaktan ako unti unting dinudurog yung puso ko kapag may nakikita akong mga bagay na konektado kay kevin. parang gusto ko yun sirain martilyuhin, durugdurugin.
"im sorry m chandria"sabi niya habang umiiyak.
"sorry?for what?"hindi makapaniwalang tanong ko.
"sa lahat ng mga kasalanan ko sayo"sagot niya."ganon ganon na lang yun kevin? pagkatapos ng lahat lahat sorry lang yung maririnig ko sayo? pagkatapos mo akong lokohin, pagpustahan. sorry lang? dapat noon mo pa yan sinabe e! dapat nung una pa pa lang nag sorry kana! pero anong ginawa mo? pinagtawanan mo lang ako kasi, kasi nahulog ako sa mga bitag mo? nahulog ako sayo kevin, pero niloloko mo lang pala ako. dahil ba sa mataba ako? at ngayon na dumagdag pa yung katabaan ko, babalik ka? kasi, lolokohin mo na naman ako. pagpupustahan niyo na naman ako?para sa anong gamit? para ba sa pera? sa motor? sa kotse na naman ba? ha? kevin?" patuloy lang ako sa pag iyak habang inaalala ko lahat lahat, lahat ng panloloko niya for 6years, ansakit isipin. pero ano pa nga bang magagawa ko eh. nandiyan na yan ei! nangyari na.
"hindi na ngayon chandria"sagot niya.
"kevin, kahit anong paliwanag mo! hindi mo parin sa akin maaalis na magdoubt sa pagbabalik mo! kasi nasaktan mo na ako! natatakot na akong masaktan pang muli. natatakot na akong pumasok sa isang relasyon dahil yun sayo!" masakit? oo sobrang sakit. hindi lang basta sakit. kung sa mga sakit ng tao parang nasa stage 3 ng cancer na yung nararamdaman ko sa sobrang sakit ng panloloko niya.
"umalis kana lang please"nanghihinang sabi ko. wala na akong lakas kasi ubos na. ubos na sa kakaiyak kakasigaw, para hinigop lahat yung lakas ko.
"chandria"pagmamakaawa ni kevin saka ako hinawakan sa braso.
"kevin, umalis kana!"sigaw ko habang nagpupumiglas. mataba lang ako, pero babae parin ako at lalake siya.
"ayoko chandria, hindi ako aalis hanggat hindi mo ako binibigyan ng chance"ang kapal ng mukha niya! gusto ko siyang sampalin pero nanghihina ako kaya hindi ko siya magawang sampalin.
"please kevin umalis kana" pagmamakaawa ko.
dahil hanggat nandiyan siya ay patuloy lang akong masasaktan .
"no chandria, hindi ako aalis." pamimilit niya.
"sabi niya, umalis kana"para akong nafreeze sa kinakatayuan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
"sino ka?"kunot noong tanong ni kevin.
"bibitawan mo si chandria, o ako mismo ang magtatanggal ng kamay mo sa braso niya?" matapang na sabi ni .............------
YOU ARE READING
PATTY TURN INTO A HOTTIE CHIX
Novela JuvenilPATTY TURN INTO A HOTTIE CHIX Sa Krusty Academy, Kapag Narinig nila ang pangalan na "CHANDRIA EVANGELISTA" ay kilala na agad nila ito, bilang si PATTY dahil sa pagiging mataba nito, kahit na sinong estudyante sa Krusty Academy ay kilalang kilala siy...