By: Shadow Light
Chapter 1
I was afraid to experience love,
Afraid to experience what other people experience when they love someone,
That even if I have a boyfriend I will only toy with him to avoid getting hurt,
But I never ko na naexpect na matuturuan mo ako kung ano ba talaga ang pagmamahal,
Ikaw na napaka weird ng ugali sa labas ng school at sobrang serious sa pag-aaral,
At kahit ako ay hindi inaakala na magkakagusto sayo,
Sayo na super hard-core Otaku na kagaya ko.
My name is Maria Magdayong, isa akong sikat na model sa A Agency at isa rin akong 1st year high school sa A University. Pero walang nakakaalam na isa talaga akong Otaku. Dahil kung malaman nila na isa akong Otaku ay ikasisira ito ng career ko bilang isang model.
No one knew tungkol sa pagiging Otaku ko except lang sa Manager ko, magulang ko, at sa bestfriend ko ng elementary na sina Aria Magbanwa at John Joseph Aguilar na kaklassmate ko parin.
Nag ompisa akong maging Otaku noong Grade 5 ng elementary. Noong panahon na iyon ay namamasyal ako kasama ng pamilya ko sa SM Mall of Asia ng Makita ko ang isang event doon. Nainterested ako kung ano ba yung kakaibang event nay un, at hindi ko akalain na yung lugar ng event ay punong-puno ng mga tao, cosplayers, at mga merchandises.
Napa wow nalang ako sa nakita ko na sobrang dami ng mga mahilig sa Anime dito sa bansa naming at ang cute pa ng mga damit ng mga cosplayers. Nagustuhan ko yung mga tugtog ng Japan na kahit hindi ko maintindihan yung lyrics ay maaganda parin yung beat ng kanta at ang angas ng mga anime na pinakita sa malaking screen.nagpalaro panga sila at napasali pa ako, paunahan makaubos ng Takoyaki daw! Noong una sabi ko sa sarili ko ay masarap ba tong Takoyaki pero pagtikim ko ay masarap nga at hindi ko akalain na mauubos ko yun lahat at hindi lang yun ay ako pa ang unang nakaubos. Ang cute ng napanalunan ko na tinatawag na Miku Hatsune na strap.
Ay ang saya ko naman ngayon dahil hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang mga Anime. Marami kang magiging kaibigan na kasing parehas mo ng interest at may matututunan karin pag nanood ka ng Anime.
After that day nagsimula na akong maglagay ng mga tugtog ng Anime sa cellphone ko, nagjoin din ako sa mga group na Anime related sa Facebook, ng-ipon rin ako ng marami para makasama at makabili ng damit para sa mga cosplay events at pinilit ko magpabili ng computer para lang maka nood ng Anime lagi. Pagkalipas ng 1 taon ay may nakilala akong mga may interest sa Anime sa may school ko sina Joseph at Aria na kasing grade level ko lang at nagging kaibigan ko sila, pinapasama ko pa nga sila sa mga cosplay events para mas magustuhan nila ito at sino ang nakaakala na may biglang nagbigay saakin ng business card nila sa isang modeling agency sa may event na iyon syempre kasama yung sina Joseph at Aira. Nagging interested kami roon at pumayag kami pag paalam naming sa mga magulang naming. Pinayagan nila kami sa kondisyon na hindi naming pababayaan ang aming pag-aaral.
Nagging sikat kaming tatlo sa buong bansa at nagging super busy rin kami na nabawasan ng sobra ang oras naming para sa Anime pero kahit na busy kami ay pumupunta parin kami sa mga cosplay na event ng naka disguise para hindi magkagulo sa event.
Noong namamasyal kami sa event biglang may maraming tao na dumaan sa pagitan naming magkakaibigan at nagkalayo kami sa isa’t-isa. Sinukan ko sila tawagan pero wala akong load noong oras na iyon. Bigla nalang ay napansin ko na may nakatingin saakin na isang lalaki na naka cosplay na si Zero (Code Geass) sa event. Then all of a sudden naglakad sya palapit saakin, “Did he notice who I really am?” yun ang unang naisip ko noong palapit saakin yung lalaking cosplayer. Habang naglalakad sya ay may kinukuha sya sa may bulsa nya at inilabas nya ang kanyang cellphone. Noong nasaharap ko na sya ay iniabot nya saakin yung cellphone nya at sinabing “Here! You can use my phone to call your friends to meet you here.”
Nakakahiya naman kung hihiramin ko ang cellphone ng isang taong hindi ko kakilala.pero kahit na sabihin ko na wagnalang ay pinipilit nya na gamitin ko yung cellphone nya at sinabi saakin na mas mahihirapan lang daw ako kung hindi ko ito gagamitin. Tinawagan ko ang number ni Aira at agad niya sinagot yung cellphone niya.
“Hello Aria, si Maria ito….”
Pero bago pa ako makapagtapos ng sinasabi ko ay sinigawan ako ni Joseph pagkakuha niya sa cellphone ni Aira at sinabing “Nasaan ka na ba? Isa ka bang bata para mahiwalay saamin at kailangan ka pa naming dalawa hawakan ang kamay mo pag naglalakad.”
Sobrang nakakabingi yung pagsigaw saakin ni Joseph sa cellphone na muntikan na ako mabingi.
“Ah. Joseph Sorry na. hindi ko naman kasalanan na maraming tao ang dadaan noong oras na iyon ehh… Kita nalang tayo sa harap ng entrance ng ng SMX”
Ano bay an hindi ko alam kung bakit parang bata ang tingin ni Joseph saakin. Tekalang muntikan ko makalimutan ibalik yung cellphone ng Zero na cosplayer na nasa sulok naghihintay matapos ang tawag ko. “Thank you nga pala at pinahiram mo saakin yung cellphone mo.” Ibinalik ko sakanya ang cellphone nya at itinanong niya saakin kung napag-usapan ba naming kung saan magkikita. Nakikita ko na kahit na kahit hindi ko siya kakilala ay nag-aalala siya saakin.
Tatanongin ko sana kung anong pangalan niya pero napalingon ako noong narinig yung sigaw ng pangalan ko nina na mukhang desperadong hanapin ako Joseph at Aira. Nag-ompisa nang maglakad palayo yung lalaking nagcosplay ng Zero at sinabing paalam saakin. “Ano ba ang dapat kong gawin? Tatanongin ko ba kung anong pngalan niya?” napatanong ako sa sarili ko. Pero habang palayo siya ng palayo saakin ay nararamdaman ko na mahihirapan ko siya makita ulit. Napahawak ako dulo ng damit niya at sinabi kong “Anong pangalan at number ko para sa susunod ay ako naman ang makabawi sa kabaitan mo.”
“Wag na hindi mo na kailangan mag-alala pa. Ok na para saakin ang isang thank you.”
“Hindi pwede yun kailangan makabawi ako sayo”
Napatawa nalang kaming dalawa dahil wala patututnguhan yung usapan naming. Binigyan niya ako ng isang picture ng cosplay niya na si Zero at nakasulat ang e-mail address niya sa facebook at sabay sabing “Ako ngapala si Aros. Ikaw?”
Nakakatuwang isipin na may makikilala akong tao na magiging kaibigan ko sa loob lang ng isang saglit. Napangiti nalang ako at sinabi “Ako naman si Maria. Ikinagagalak kita makilala Aros.”
Palapit ng palapit yung boses nina Joseph at Aira saamin dalawa ni Aros kaya sinabi ni Aros saakin na “Mukhang nandito na ang mga kaibigan mo, sa susunod nalang ulit Maria at uuwi narin ako.” Napa ok nalang ako at doon na kami naghiwalay. Dumating bigla sina Aria at Joseph at tinanong kung sino yung kinakausap ko kanina. “Isang cosplayer na nakilala ko kanina at ang bait panga na pinahiram niya ako ng cellphone niya para matawagan ko kayo eh”
Mukhang Masaya si Aira na kayak o na daw makipag kaibigan sa ibang tao pero hindi ko alam kung bakitparang galit na sabi saakin ni Joseph na dapat raw akong mag-ingat sa mga hindi ko kakilala. “OK lang yun at least hindi lang tayong dalawa ang kaibigan ni Maria ngayon. Halika na at uwi na tayo” ang sabi ni Aira habang nakahakbay saakin.
Pero bago kami umalis ay hindi ko alam kung bakit talaga masama ang mood ni Joseph noong gabing iyo. Pero Masaya parin ako na kaya kong maging close ngayon sa ibang tao mas lalo na sa isang Otakung kagaya ko. Saying ngalang at hindi nakita yung mukha ni Aros at least kayak o siyang macontact sa susunod. Siguro pag-uwi ko ay I add ko agad siya. Ang saya ko naman ngayong araw na ito.