"LAGI NA LANG" my valentines short story

40 1 2
                                    

SINGLE.

Habang buhay na lang ba tong nakalagay sa facebook status ko?

Kailan pa kaya to mababago?

"Jam !"

Tawag sakin ni classmate. Hindi lovemate . Hindi rin friends

Kelan nya kaya ko tatawaging mahal? tart ? love? honey ?

Mangyayari pa kaya yun?

"Oh bakit?" nakangiting tugon ko sa kanya.

"May assignment ka ba?" tanong nya.

Yan lang naman ang oras o topic na namamansin sya.

Hindi pa nga nya ko ningitian,kasi masyadong suplado,pero babaero.

"Ah oo, eto oh kopyahin mo."

Kahit mukha kong tangang laging kinokopyahan ng mokong na to,ok lang sakin,atleast assignment ko na yung ginagawa ko,napapansin nya pa ko.

"Jam, ano sagot mo?"

"Uy jam, may extra ka bang ballpen ?"

Ganto na lang ba ko lagi ? kopyahan? hiraman ? wala na bang pwedeng madevelop pa?

Lumipas yung mga araw, ganun pa rin yung sistema, walang pinagbago, ginagago ko pa rin ang sarili ko.

"Best ! san ka pupunta? "

Kaibigan ko nga pala. 

MAGANDA.

MABAIT.

MAKULIT.

MASAYAHIN.

" Sa library,sama ka?"

"Sige ba,pakopya ko ng assignment mamaya ah? !"

Ang bait nya no?,sya lang kasi naging kaibigan ko dito simula first year collage hanggang ngayong fourth year.

Buti na lang lagi ko syang classmate.

Habang naglalakad papunta sa library,nasalubong namin si jay, yung crush ko.

Siguro soulmate ko sya? parehas kaming J eh,sabi ng kabila kong utak.

Ilusyonada ! playboy yan ! di ka magugustuhan nyan ! sabi naman ng kabila ko pang utak.

Habang papalapit na kami sa kanya. O.O

N-nginitian nya ko?

Totoo ba to? nagsmile sya sakin ! for the first time in my life, nginitian ako ni crush.

Natulala ako,at napatigil sa paglalakad.

 *Dug Dug Dug Dug *

"Hey honey !" papalapit sya sakin habang sinabihan ng honey?

Katapusan na ba ng mundo? bat binibigay na ni lord ang wish ko?

Kaso.

Lumapit si camille, ang best friend ko.

"Babe !"

Sabi nya.

Wala . bigo na naman ako . si camille na naman ang pinili ng crush ko.

LAGI NA LANG.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"LAGI NA LANG"  my valentines short storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon