‘When it rains, it pours’….they say. My laptop was stolen at our house last April. My cellphone was stolen 2 days after my birthday on the jeepney last May. Life happens…yeah.
So, second chapter featuring the evil maknae Oh Sehun. Nung bago pa lang akong fan ng EXO, madalas ko syang mapagkamalang si Luhan, XD. Marami- rami na rin akong nabasang fics na sya yung lead, HUNHAN actually, so I don't know kung mabibigyan ko sya ng justice dito, since magaganda yung mga nabasa ko.
Sana lang talaga hindi to maging sabaw, XD.
This was set before the happenings of Baekhyun x Isabel story, they were 3rd high school students. Kung malabo sa inyo, libre magtanong.
Just imagine that Sehun was speaking with his cute lisp whenever he is nervous or when he talks to Sam, I dunno how to write lisp, XD. Basta kunwari may lisp sya, hahaha.
Brother!Hunhan ahead btw.
Enjoy!
-----------------------------------------------------------------------------------------
"It's rude to stare at someone, you know." ------------Sam
"Eh di wag kang magpaganda para hindi kita titigan." --------------Sehun
-----------------------------------------------------------------------------------------
SAM'S POV
Nandito ako sa classroom ngayon at kumokopya ng notes sa History. May meeting ang buong faculty kaya iniwanan na lang kami ng gagawin para hindi sayang ang oras at para hindi kami magpakalat-kalat sa hallway. Sabi ni Allie dapat daw naming pag-aralan ang mga notes na 'to kasi may exam daw bukas.
Seryosong-seryoso ako sa pagsusulat ng biglang tumabi si Sehun sa'kin.
"Bakit hindi ka nagsusulat? May test tayo bukas, pa'no ka mag-rereview?" Ang tamad talaga magsulat ng notes nitong bestfriend ko. Pa'no kaya 'to napasama sa Top 10 kung ganito sya katamad?
"Andyan ka naman eh. Pahiram na lang ako ng notebook mo."
Oo nga pala. Dahil masipag ako magsulat at kumpleto ang notes ko sa lahat ng subject, sa'kin sya nanghihiram para magreview.
"Aba, Oh Sehun. Namimihasa ka na. Sulat-sulat din ng notes pag may time." Itinuloy ko na ulit ang pagsusulat.
"Sam naman eh." He whined.
"Tigilan mo ako Sehun. Hindi mo ko madadala sa pagpapa-cute mo. Not this time."
BINABASA MO ANG
Bestfriends in Love (EXO Oneshot Series)
Novela JuvenilInlove ka ba sa Bestfriend mo?