prologue

115 4 0
                                    

Dugo
.
.
.
Sunog na mga bahay
.
.
.
.
mga batang umiiyak
.
.
.
.
.
.
At mga bangkay na wala ng mga buhay ang kadalasang nakikita sa paligid simula ng mag tagumpay ang mga Rebeldeng diyos at diyosa na pina mumunuan ni Satros laban sa mga Immortal sa nakaraang 1000 taon.

mula ng mag tagumpay si satros sa laban ay sya ding simula ng mga kagimbal gimbal na trahedya sa mundo ng mga immortal at nalalapit na pag kasira ng mundo ng mga mortal.

  Immortal ang tawag sa mga taong may mga taglay na kapangyarihan, at mortal naman ang tawag sa mga taong naninirahan sa earth na walang taglay na kapangyiran.  mga diyos at diyosa naman ang tawag sa mga nilalang na tagabantay at taga gabay sa mga immortal at mortal.

Isang milyong taon na simula ng likhain ng bathala ang Tatlong mundo. Ito ay ang mga.

Una,mundo ng mga diyos at diyosa, sila ang unang ginawa ng bathala upang gumabay at mag bantay ng natitirang dalawang mundo at yun ay ang mundo ng mga immortal at mga mortal.

Pangalawang mundo ay ang mundo ng mga immortal, sila ay ginawa ng bathala upang maibalanse ang dalawang mundo. yun ay ang mundo nila at mundo ng mga mortal, sila ang mga taong nag tataglay ng apat na elemento. Elemento ng Tubig, hangin, lupa at apoy.

Ang huling mundong ginawa ng bathala ay ang mundo ng mga mortal. ito ay ginawa ng bathala dahil gusto nyang makakita ng mga normal na tao na  tanging sya lamang ang kilalang diyos para sambahin.at walang alam tungkol sa dalawang naunang mundo.

Ang mundo ng mga immortal at mga mortal ang pinaka gusto at paborito ng bathala dahil ito ay napaka simple at napakatahimik na mundo.

Nag daan ang maraming taon na naging maganda ang takbo ng tatlong mundo, ngunit dahil sa paborito ng bathala ang dalawang mundo, ay unti unting napapansin ng mga diyos at diyosa na mas kinahuhumalingan ng bathala ang dalawang mundo, kaya sila ay nag himagsik at nag plano upang masira at masakop ang dalawang mundong kinahuhumalingan ng bathala.

Nag himagsik ang mga diyos at dyosa na pina mumunuan ni satros ang unang diyos na linikha ng bathala upang sirain ang dalawang mundo ngunit dahil ang mundo ng mga immortal ang nag babalanse sa dalawang mundo ay inuna nilang sirain ang mundo ng mga immortal.

Nilusob ng mga diyos at dyosa ang mundo ng mga immortal upang simulan ang pag sira, ngunit hindi naging madali ang kanilang pag sira dahil lumaban ang mga immortal.

Lumipas ang mRaming taon ng pag lalaban ng mga diyos at mga immortal. Ngunit dahil likhang malalakas ang mga diyos at diyosa ay unti unting natalo ang mga immortal.

Simula nuon ay nag hari na ang mga diyos at doyosa sa mundo ng mga immortal at patuloy na winawasak ang isa sa mga paboritong mundo ng bathala.

at dahil sa pag sira ng mga diyos at diyosa sa mundo ng mga immortal ay nagalit ng sobra ang bathala ,kaya sya ay nag hayag ng isang propesiya laban sa mga diyos at diyosa na lubhang kinatakot ng mga diyos at diyosa, na nag bigay naman ng pag asa sa mga immortal.

Dahil sa sobrang takot at galit ay lalong pinag initan ng mga dyios at diyosa ang mga immortal upang hindi maisakatuparan ang propesiya.
.
.
.
.
.
.Ano kaya ang nilalaman ng propesiya
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.

THE LAST GODDESS (Legend of Isabella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon