STORY OF A GODDESS

274 44 46
                                    

[A/N: This is historical fiction, so isipin niyo nalang makaluma ang tema at setting ng storya. Asahan ang all tagalog and deep tagalog words. Enjoy reading! :) ]

***

"Magandang umaga mahal na Dyosa nakahanda na po ang pagkain niyo sa baba." Ani ng isang tagapagsilbi ng palasyo kay Mayumi.

"Pasok." Ani ng dalaga habang nakaupo at nagsusulat ng mga kautusan.

Pumasok naman ang mga tagapagsilbi at agad na puwesto. Yumuko at lumuhod patalikod ang pinakamalakas na babae sa kanila at saka kinarga sa likod si Mayumi.

Pagdating nila sa hapagkainan agad nilang inayos ang upuan ng dalaga saka nilagyan ng kanin ang pinggan nito. Nakahelera sa mesa ang maraming pagkain na akalain mong may pyesta pero tanging si Mayumi lang ang nag-iisang kumakain sa mesa.

Para kay Mayumi malungkot ang buhay ng isang Dyosa dahil parati siyang nakatago sa loob ng palasyo, nakakalabas lamang siya tuwing may okasyong gaganapin sa bayan. Ang kwarto naman niya ay nasa isa sampung talampakan ng palasyo kaya tanging sa gilid ng bintana lang siya nakatanaw sa buong bayan. Dyosa ay isa ring babaeng binukot, nababalot ito ng mga tela at tanging ang mga mata at kamay lang ang nakikita. Bawal rin silang umapak sa lupa dahil pinaniniwalaang magdadala ito ng kamalasan, kaya kahit saan man siya magpunta may kumakarga sa kanya.

Napilitan lamang siyang maging isang Dyosa dahil lahat ng mga batang babae sa kanilang bayan kapag tumuntong sa edad na dalawa ay pinapasok na sa palasyo para pagpilian ng susunod na Dyosa. Sa loob ng anim taon wala silang ibang ginagawa kundi mag-aral at magsanay ng tamang asal at kung paano maging isang tunay na Dyosa. Sa edad na walo hihirangin na ang bagong Dyosa ng Ebalandia.

"Isa sa inyo ang hihirangin na bagong Dyosa at heto ang panghuli niyong pagsubok." Ani ng Dama, kanang kamay ng mga naging Dyosa.

Pumunta sa gitna ng bulwagan ang dalawang natirang bata, kapwa kinakabahan sa susunod na mangyayari. Alam na ng dalawa na isa sa kanila ay kailangan ng mamaalam upang gawing tagapagsilbi ng palasyo at ang isa ay magiging Dyosa. Nalulungkot man, hindi pinahalata ni Mayumi sa matalik na kaibigan na si Ayana. Sa loob kasi ng sampung taon ito lang ang naging kaibigan niya sa palasyo, kapwa nila tinutulungan ang isa't-isa upang manatili sila sa paligsahan. Hanggang sa dumating na nga sa punto ang kinakatakutan nilang dalawa. Yun ay kailangan na nilang maghiwalay sa isa't-isa.

"Huwag kang mag-alala, kung isa man sa atin ang hihirangin na Dyosa hihilingin natin na 'di tayo maghihiwalay pwede tayong maging kanang kamay sa isa't-isa." Pagkukumbinsi ni Ayana kay Mayumi.

Marahan naman siyang tumango at hinawakan ang kamay ni Ayana upang manghingi ng lakas ng loob. Sabay silang pumunta sa harap ng Dama at tinignan ang mga kagamitang nasa ibabaw ng mesa. Ito ay mga mamahaling damit.

"Isa rito ang huling damit na isinuot ng nakaraang Dyosa bago siya natapos sa kanyang termino. Ang huli niyong pagsubok ay kailangan hulaan ang kasuotang huling ginamit ng nakaraang Dyosa." Saad ng Dama sa kanila. Kapwa nagkatinginan ang dalawang bata at agad na pumili.

Story Of A Goddess (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon