May dalawang dahilan kung bakit dumadating sa buhay naten ang isang tao.
Para baguhin tayo at para matuto tayo.
Minsan ang pagkilala naten sa isang tao ay hindi aksidente. Madalas ito ay itinadhanang mangyare.
Sabi nga nila, may rason ang lahat ng bagay.
May rason kung bakit kita minahal.
Pero anong rason kung bakit moko iniwan?
----
[HER Point of View]
What is Love?
Binasa ko yung nakasulat sa papel. Ano nga ba ang love? Hindi ko alam. Never pa akong nainlove. At never akong maiinlove. Hindi naman ako manhater, pero para saken pare-pareho lang ang mga lalake. Pareho ng takbo ng utak.
Kung katulad lang sana ng mga lalakeng bida sa mga librong nababasa ko at sa mga movies na napapanood ko ang mga lalakeng nabubuhay sa mundong to, edi sana hayahay ang buhay.
Nilukot ko yung papel at hinagis sa kung saan.
Teka anong oras naba? Naku. Late nako! Waaaah.
**
[HIM Point of View]
Kasalukuyan kong hinahanap yung room ko. Transferee kasi ako kaya hindi ko alam ang pasikot sikot sa school nato.
Napatigil ako sa paglalakad ng may bumagsak na papel. Tumingala ako para tignan kung naulan ba ng papel. Pero maaraw naman. Mukhang galing to sa second floor at binato lang ng kung sino.Binuklat ko ang nakalamukos na papel.
What is Love?
Sino naman kayang ulol ang nagsulat nito? Pero bigla akong napaisip. Ano nga ba ang pag-ibig? Para saken ito ay isang laro na pwedeng mong pagsawaan at tapusin kung kelan mo gusto. Pwede ka deng mamili ng kalaro mo at nakadepende sayo kung seseryosohin mo ito o hindi. Pero pag natalo ka, masasaktan ka. Kaya dapat pag nagmahal ka, alam mo kung ano ano ang mga consequence na kahaharapin mo.
Ano ba yan! Saan ko naman napulot yung mga yon? Nilukot ko ulit yung papel at tinapon sa basurahan na nadaanan ko.
Napatingin ako sa wrist watch ko, anak ng tupa! Late nako ng 20 minutes at hindi ko pa den nahahanap ang room ko. Pero first day of school naman ngayon kaya okay lang siguro na malate.
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Short StorySa libo-libong tao sa mundo, imposibleng walang taong nakalaan sayo. Minsan ang kailangan mo lang gawin ay ang maghintay at hayaang si tadhana na ang gumawa ng paraan para makilala mo ang taong para sayo. -- Si Aleisa ay ayaw magmahal at never pang...