Ano nga ba ang mas masakit?
Ang palayain ang isa't-isa dahil alam mong masaya na siya sa taong kasama niya?
O ang ipaglaban mo ang isang relasyon na alam mong wala ng patutunguhan pa?
Masama ba na umasa pa rin na kahit konti ay meron pang pupuntahan?
Meron pa kahit konting pag-asa?
Meron pa kahit konting tiyansa na magdidikit sa ating dalawa?Pero bakit nga ba kahit anong pilit mo ay parang ayaw mo na ring umasa.
Ayaw ko ng umasa dahil takot na ako sa magiging resulta na kahit ipaglaban ko pa ay alam ko na, talo na ako, matagal na.
Dahil ang ipinaglalaban ko pala ay inakala kong tunay na pagmamahal.
Naalala ko nung una tayong magkasama.
Walang ginawa kundi ang magtawanan,
kahit sa mga walang kwentang bagay.
Ikaw na nagbubukod tangi na nagbigay sa aking ng importansya.
Ako na lagi mong kahawak ang kamay na hindi ko akalain na madali mo rin pa lang bibitawan.
Nung panahon na parang ikaw lang ang nakikita at tila nakakapagpasaya sa akin.
Ikaw na inakala ko na ikaw ang makakasama ko sa mahabang panahon.
Sa haba ng pag-aakala ko di ko namalayan na ako ay iiwan at ipagpapalit mo lang.Natatawa na lang ako sa tuwing naalala ko.
Mukha akong tanga na lumuhod sa harap mo at umaasa na maaayos pa natin kung ano man ang meron tayo.
Pero iniwan mo ako.
Iniwan mo akong nakaluhod at sumama sa iba.
Sumama sa ka sa iba na hindi mo man lang ako sinabihan.
Pinagmasdan ko kayong magkahawak.
Magkahawak kayo ng kamay habang ang puso ko unti-unting nadudurog at nasasaktan.
Hinintay ko na may magtayo sakin pero wala.
Wala akong napala kakahintay.
Tumayo pa rin akong mag-isa at sinabing baka hanggang dito na lang.Hindi mo man lang ako sinabihan na may mahal ka ng iba.
Nagmahal ka kahit alam mong tayo pa?
TEKA! Meron pa nga ba?
Meron pa nga bang tayo na matatawag?
Dahil parang sa simula pa lang ng kwento natin tila alam mo na agad ang katapusan.
Tinanggap ko ang lahat ng yun kahit ang sakit-sakit.
Tinanggap ko kahit ako ang agrabyado dito.
Wala ka ni isang salita na narinig sa akin kahit ako ang nasaktan.Pero bakit kung kailan okay na ako ulit saka mo ako babalikan?
Sinasabing magsimula tayo gaya ng dati na walang problema at puro saya lang.
Ikaw ngayon ang lumuluhod at sinasabing ayusin natin ang relasyong matagal ng may lamat.Natutuwa ako.
Natutuwa ako dahil meron pa rin pala kahit konting porsyento na gusto mo pa rin pala ako.
Nakakagalak dahil sa puso mo, mahal mo pa rin pala ako.
Pero masasabi mo bang masama akong tao kung tatalikuran kita gaya ng ginawa mo?
Masama ba akong tao kung sasabihin ko na okay na ako at bahala ka na sa buhay mo?
Dahil nung panahon na iniwan mo ako, hindi ko mabilang kung ilang beses akong nagkulong sa kwarto at umiyak hanggang sa makatulog.
Ipinagpalit mo ako sa iba na hindi ko man lang alam ang dahilan.
Dahil di mo rin naman sa akin ipinaalam ang dahilan kahit pwede ko namang maintindihan.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula hanggang sa masabi ko na ang katangahan ko ay hanggang dito na lang.
Yung mga luha kong patuloy na umaagos ay marahas kong pinunasan at ginising sa katotohanan na hanggang dito na ang.
Na kahit masakit ay kailangan kong tanggapin at sabihin sa sarili na hanggang dito na lang.
Kung patuloy kong ipaglalaban baka mas lalo lang tayong masaktan.
Dahil marami ng nagbago hindi lang tayo kundi ang relasyon na dating nasimulan ngunit naging pangit ang katapusan.Gusto ko. Gusto ko pa na maging tayo.
Pero ayoko, ayoko na rin dahil matagal pa man ay hindi na pwedeng maging tayo.
Gusto ko pa rin sabihin na sige.
Pero di mo sa akin maiaalis ang sakit na sinapit.Masisisi mo ba ako kung ayaw na kitang balikan at sabihin ko na kalimutan na lang ang isa't-isa?
Makasarili ba akong matatawag dahil ako nakamove-on na at ikaw ay magsisimula pa lang?Hindi mo sakin masisisi dahil ganyan din ako.
Ganyan din ako ng iwan mo ng walang kasagutan sa lahat ng aking katanungan.
O baka naman alam ko na pala ang sagot at masyado lang akong nabulagan dahil sa mahal kita.
Hindi naman ako ang nang-iwan di ba?
Hindi mo rin ako binalikan noon.
Hindi mo man lang ako tinayo kung saan ako nakaluhod.
Umaasa pa rin ako na sa huli ako pa rin ang pipiliin mo.
Ako pa rin ang hahawakan ng mga kamay mo.Nagkatotoo nga.
Ako nga ang pinili mo at ngayon kamay ko na ang hawak mo.
Kaso hindi na gaya ng inaasahan ko.
Hindi na tulad ng dati na tayo ay masaya.
Dahil nakikita kita na ngayon ay umiiyak at patuloy na nakikiusap.Ayoko na.
Ayoko na dahil nangako na ako sa sarili ko na tama na, na hanggang dito na lang.
Ikaw mismo ang nagsabi sa akin noon na kung ano man ang meron tayo ay hanggang doon na lang.
Hindi ko na kailangan pa ng ano mang kasagutan dahil matagal na.
Matagal na tayong wala at wala na yun patutunguhan pa.Ikaw na unang nang-iwan.
Ikaw na unang sumuko.
Ikaw na unang nagmahal at naghanap ng iba.
Hindi ako, ako na minahal ka ng sobra.
Ngayon, itatayo kita mula sa pagkakaluhod at pupunasan ang mga luhang patuloy na umaagos.
Hindi para sabihin na mahal pa rin kita kundi aa sabihin sayo na kung ano man ang meron tayoay matagal ng wala at lahat ng yun ay hanggang dito na lang.P.S.
Second chance is not only to a person who hurts you or to a person who want to comeback to your life. Second chance is also to yourself. Once is enough nga daw di ba? Minsan may mga tao talaga na bumabalik kung kailan okay na tayo, kung kailan masaya na tayo at nahanap na natin yung nakakapagpasaya sa atin kahit wala tayong commitment sa ibang tao.Minsan kailangan din natin isipin na tama na ang minsan at isang sakit na naramdaman natin. Kung kayo, kayo naman talaga kahit pagtulakan pa natin. 😉