Nainlove sa Shitmate

9 2 0
                                    

Betty's Pov


Unang araw ng pasukan, excited na ako.


Bilang isang matalino, maganda at mabait na estudyante, alam kong mags-shine na naman ang beauty ko dito sa panibagong paaralan na aking nilipatan.

BWHAHAHAHAHA

"Mameh, alis na aketz, lamyu!" madalian kong sabi kay mama at humalik.

"Ingat, umuwi agad ha?" sabi ni napakagandang mudra habang nag-aayos ng kanyang gamit sa pagpasok.

"Opo mader" 

Dali-dali kong sinuot ang aking sapatos.


Hola! Sakay na Betty.


Sa wakas! Nakadating na din ako sa pashneang school na ito.


Mahigit kalahating oras din bago ako nakapunta dito.


"Salamat kuya Bert" nasabi ko nalang bago bumaba.


Tinanguan naman ako ni kuys.


Naglakad ako hanggang sa makarating sa entrace, malaki ang gate at may security guard na tumitingin ng I.D ng kada estudyante.


Second quarter na dito ng lumipat ako, at ngayon pa lamang ako magsisimula, tranferee ika nga.


Huminga ako ng malalim at ngumiti, kaya mo 'to Betty! Ganda mo kaya!


Aja!



Pumasok na ako sa classroom na inassign sa akin, hindi naman ako naligaw dahil maliit lang ang paaralan at may mapa pang naka paloob sa binigay nilang books at gamit.


Pinihit ko ang seradura.


Pumasok akong taas noo, maganda ka 


Nagsilingunan ang mga kapwa estudyante, g na g na naman 'tong mga 'to sa akin BWAHAHAHAHAHA. GANDANG GANDA.


Nagbulungan bulungan ang mga ito habang naglalakad ako paderetso sa upuan sa may bandang dulo, katabi ito ng pader, walang bintana dahil de-aircon naman ang aming room.


Nagbasa basa nalang muna ako ng wattpad, kilig na kilig ako sa lalaking bida!

Maputi, mabango, matangos ilong at pulang labi! Shems, sana ako nalang si ateng nerd kaso hindi e, pinanganak akong maganda.

Hays, alam ko naman na sa wattpad lang nangyayari yung may nerd 'tas may gwapo 'tas magkakatabi tapos magkakainlove-an, sa totoong buhay? Ang pogi ay nagkakagusto sa magagandang tulad ko.

7:30 ng dumating ang aming guro, may extra talagang upuan sa dulo, siguro para sa akin na din. Puno na halos ang mga upuan at may dalawang bakante nalang sa may unahan.

Siguro ay hindi pa nadating, tamad nila ha. CHAROT! 

"Good morning class" bati ng aming adviser na Maam Celine kung tawagin, nakita ko ang pangalan nya sa labas ng room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I-shot mo 'toTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon